Chapter 31

827 66 7
                                    

TBIILWYM 31| Relationship with the Beki

"Bitaw na," naiirita kong tinatanggal ang mga braso nitong nakayakap sa akin. Napabuntong hininga ako ng hindi ito nagpatinag at mas lalong hinigpitan ang kapit, "isa." Banta ko.

Umingos lang ito, "ayaw.." Parang bata nitong sabi, epekto ba 'to ng nangyari kanina? Aba, daig pa ni Xerxes ang lasing! Sobrang clingy! "Hmmm..."

Marahas akong napabuntong hininga, naiiritang napangiti. Akala ko sweet pero medyo hindi ata benta sakin ang mga ganitong galawan, "Xerxes." Sabi ko sa seryosong tono, "bitaw na.. Naiihi ako linta ka ba?" Naningkit ang mga mata nito inalis ang mga brasong nakayakap sa akin. Napangisi ako ng makakuha ng tyempong maka-alis sa pagkakadikit nito sa akin, hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo bigla nitong iniyakap ang mga paa sa sakin. Punyeta.Bibitaw ka o ngayon din break na tayo?"

“Kakasagot lang break na agad?” Ngumuso ito parang batang maliit hindi na nahiya nandito pa kami sa school perhaps sa classroom nila. Aba, supportive ang mga kaklase maliban nalang kay Charentina corned beef  halos lumubog na ako sa kahihiyan ng makita kami ni Shamaine na magkayakap at ang gaga nagsisigaw. Pinagkalat na kami na so ayon ang nangyari. Dismayado man ang mga kaklase ko at naaawang napapatingin kay Zachariah na nakangiti ng tipid pumapalakpak pa rin ang mga ito at tinukso kami.

"Sige, ipagpalit mo na ako. Ganyan ka naman selosa pero ayaw magpalambing!" Dinig kong hinaing nito. Napailing nalang ako at kinuha ang bag kong nandito na sa loob ng classroom nila. Walang tao maliban sa aminh dalawa siguro dahil abalang nanonood ang lahat kay Rossweisse sikat na basketbolista sa amin at hearthrob.

"Xerxes," tawag ko sakanya kahit na ang atensyon ko ay na sa aking bag, chinecheck kung may nawala bang notebook.

"Yes, bibe?" Sagot nito, huh? Bibe? Mukha ba akong bibe?!

Nangunot ang noo ko, "bibe?" Tanong ko sakanya, ngumisi ito.

"Oo, bibe. Mukha kang bib--"

"Gago!" Sigaw ko, hindi na nito natuloy ang sasabihin ng binato ko sakanya ang ¼ paper ko sakto naman sa noo n'ya.

"Makabato ka hindi pa naman kasi tapos! Hina mo naman sa pick up lines! Kagigil ka!" Sigaw nito pabalik sa akin pinagkrus ang braso. Aakalain mong magkaaway lang kami sa kanto at hindi magjowa..

Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko parang ang bilis ng panahon.. Parang kailan lang noong umamin ako sa sarili kong gusto ko s'ya,gumawa ng eksena sa birthday ng mama nito at marami pang iba. Hindi lang nagprocess ng maayos sa utak ko na, magjowa, magkarelasyon, boyfriend and girlfriend kami.

Eto ba ang sinasabi nilang label? Wow, maraming walang label pero nagtatagal, kami kaya? Magtatagal ba kami dahil may label o hindi?

Napailing ako, nahahawa na ata ako sa kalokohan ni Shamaine!

"Mamaya ihahatid kita ah," dinig kong sabi nito, tumango ako bilang sagot. "Siguradong magpapahanda si Mama at sina Kuya kapag nalaman nila." Napansin ko ang pigil na ngiti niya.

Ganon ba talaga kaboto sa amin ang pamilya niya? Hindi ko maiwasang kiligin, enebe den't teech me.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now