Chapter 11

1.3K 107 24
                                    

TBIILWYM 11 | Level up

"Anong kukunin mong strand?" Tanong nito sa akin habang mag fifill up kami ng form. "Tarush, so ano nga?"

Inis ko itong binalingan, "kulit naman. Tinanong mo na ako tungkol diyan kanina lang tapos sinagot ko na rin.” Ngumuso si Xerxes. “ Stem nga kukunin ko. "At pinagpatuloy ang pag-susulat sa form.

Graduate na kami sa junior high at ngayon naman ang page-enroll sa senior high. Iba ang strand na kinuha namin ni Xerxes sa isa't isa. Stem ako at abm ito gsto niya raw maging sexiest CEO of the year. Hindi sexy na may abs at namumutok na biceps kundi sexy as in may naglalakihang boobs—bouncing boobs.

Siraulong bakla.

"Ayaw mo sa Abm? Bakit ka nga ulit mag stem? Ah, siguro kasi bread stick iyang legs mo kaya kinuha mo tangkay. " Eksaktong tapos na ako sa pagsasagot sabay ipinasa na sa mga nagbabantay. Hinarap ko ito at sinenyasang umalis na sa harap ng registrars. Sungit pa naman nung nag-aasist!

Nginitian ko ito. "Gusto ko maging Architect. " Ani ko.

Umangat ang kilay nito. "May pangarap ka pala? Akala ko mag aasawa ka lang ng amerikano na nay 4M.” Hinampas ko nga, “ 'wag ka sa amerikano wasak perlas mo. Hindi mo kakayanin girl." Walang prenong niyang sabi kahit na kanina pa kami tinitignan ng masama nung nasa loob ng registrar.

Napailing ako, sanay naman ako sa bastos at straightforward na pananalita nila. Buong summer ay sila nina papa ang kasama ko sa bawat pageants at iba pang mga bagay. "Bibig mo naman, polluted masyado." Sabay pabiro kong tampal sa kaniyang bibig.

Napuno ng pagka-disgusto ang mukha niya. "Yak! Ew! Naghugas ka ba ng kamay? Baka ipinangkati mo 'yan sa pwet mo ah!" Arte nito. "Kapag naging architect ka gawan mo akong parlor ah?" Napakamot batok nalang ako sa kakulitan n'ya, "ay! Tapos bahay din! Gusto ko gawan mo ako ng bahay… Tapos ikaw titira." Seryosong sabi nito dahilan para tumibok ng mabilis ang pintig ng puso ko, nagulat ma'y pinilit kong sumagot.

"At bakit naman ako ang titira sa bahay na ipapagawa mo?" Tanong ko itinatago ang kabang nararamdaman sa kung ano man ang isasagot nito.

Ngumiti ito ng matamis, hinagod ang aking likod. May spark. "Syempre, chakabella naman ah! Syempre, ipapa-upa ko sayo yung bahay para double income!" Sagot nito. “Hashtag business minded! Open minded ka ba?” At tumawa.

Ah, gagawin akong boarder.

Nakapayukom ako ng kamao at inis siyang sinuntok sa braso as usual dumaing siya na para bang kinakatay. Binilisan ko ang lakad, iwan ko nalang ‘to dito. “Pakyu,” nanlaki ang mata ni Xerxes at suminghap.

"Chakabella! Wait! Wait me! Sumbong kita kay mother Earth! Kapag 'di mo ako hinintay wasak perlas mo sa amerikano!"

"Tangina ka!"

“Bad chakabella! Bad!”

━─━────༺༻────━─━


"Napapansin kong madalas na kayong magkasundo ni Xaxa anak ah," sabi ni papa ganda habang nasa hapag kainan kami, wala akong ideya kung bakit ba bigla nalang n'yang naisip ang baklang 'yon.

Tumango ako, "frienemy daw kami pa." Sagot ko dahilan para taasan ako nito ng kilay.

Mukha itong mabubulunan. "Iba ang nasesense ko sa frienemy kemerut na 'yan pero sige, frienemy na kung frienemy. " Anito at sumubo ng kanin, "nga pala bigla akong gusto i-recruit ni potangers sa online job n'ya sabi ay malaki raw ang sweldo. Sinubukan  kong pasukin yung trabahong sinasabi niya at totoong malaki nga ang sweldo pwede na akong mag-ipon para sa pangcollege mo." Si Potangers—may edad na baklang puno ng raket kilala 'yon sa sitio namin pero hindi  maganda ang kutob ko sakaniya. May nasagap kasi akong balita na mastermind ito sa child pornography dito sa Sitio Hiyaw Pa na hindi mahuli-huli.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now