Chapter 15

1.3K 98 15
                                    

TBIILWYM 15 | Date

                        

“Ihh, makikipagdate ka na ganiyan ang itsura?” Animo'y nandidiri n'yang sabi.

Napakamot batok ako, “hindi nga ako makikipag date! Ang kulit mo naman!”

Inismiran ako nito’t hinawakan ang braso ko pwersahang pinaupo sa kama. “Utot mo hali ka nga rito aayusan kita.” Aniya at iniwan ako't dumiretso sa kanyang walk in closet.

Medyo matagal bago ito bumalik may dalang paper bag. Naitaas ko na lamang ang kilay, “hindi naman halatang medyo prepared ka, ah.” Biro ko, noong kasing nagkalinawagan kaming dalawa ilang araw bago ko s'ya dalawin ay nagbalik na s'ya sa dati.

Medyo pasmadong attitude na ewan kung beki pa.

Naikwento ko sakanya na inaya ako ni Zachariah manood ng sine nahihiya nga ako dahil ang sabi n'ya daanan ko s'ya kanila bago dumiretso sa tagpuan namin ni Zachariah.

Buti nalang talaga maaga ko s'yang pinuntahan hindi ko naman alam na aayusan pa ako nito kundi naku baka malate ako sa pinag-usapan namin ni Zach.

“Upo ka dito sa vanity table bilis, kupad mukha namang tuko.” Hindi talaga kumpleto ang araw nito kung hindi ako iinisin, “oh, anong sinisimangot-simangot mo r'yan? Huwag mo namang ipahalatang excited ka masyado ah.” Anito at sinimulan na akong ayusan.

Una niyang ginawa ay pinulbusan ako at pagkatapos foundation na hindi kakapalan inayos n'ya rin ng ka-onti ang mga kilay kong makapal sabay nilagyan ng mascara ang mga pilik mata ko. Simpleng lipstick lang din ang inilagay nito, napangiti ako habang pinagmamasdan s'ya sa salamin sa vanity table. Seryosong-seryoso s'ya.

“Ayan, mukha ka ng tao!” Sabay pumalakpak, “sa buhok naman tayo. Wait, anong gusto mo? Nakatirintas o nakabuhaghag?” Tanong n'ya.

Umiling ako, nahihirapang mag-isip, “para sa iyo ano?” Balik kong tanong.

“Naka tirintas para kitang-kita
'yang mukha mong maganda...” Namula ako sa sinabi nito, bakit ba s'ya ganyan? “–charot maniwala tanga.” At binuntunan ng nakaka inis na tawa.

Isa pang charot makakapatay ako ng bakla.

Pagkalipas ng ilang minuto'y natapos na rin siya binitawan ko ang aking cellphone at tinignan ang sarili sa salamin. “Ang ganda...” Wala sa sarili kong sabi.

Proud n'ya akong tinignan, “ako may gawa n'yan! Oh, pak! Ganda mo na! Kapag sa akin ka lagi kang maganda!”  Marahan niya akong pinatayo at itinulak papuntang banyo, “isuot mo 'yan! Baka pagtawanan ka n'ya kapag pumunta ka doon na jeans na kupas at maluwang na t-shirt ang suot mo. Alam mo namang BFF's tayo… Kaya concern citizen ako.”

Pumasok na ako sa banyo tinignan ang paligid kung walang cctv, aba mahirap na. Ng makatiyak na wala hinubad ko na ang t-shirt ko't pantalon, binuksan ang mga paper bag na binigay n'ya. Wala sa sariling napa ngiti ako ng makita kung anong laman nito. Simpleng dress pero hindi kabastos-bastos may lacy long sleeve ito at below the knee ang design nito ay simple pero elegante bagay na bagay sa mga okasyong ganito. Inshort, hindi ako mukhang over dress.

Sinuot ko ito at iziniper sa likod sunod namang binuksan ko ang isa pang paper bag na may lamang kahon ng sapatos, simpleng sandals na kulay itim may takong din ito… Hindi gaanong mataas. Halos lumaki ang mata ko ng makita ang brand, putcha prada!

Isinuot ko 'yong lahat at tinignan muna ang sarili sa salamin ng banyo n'ya. “Ako ba 'to? Jusmiyo, parang hindi...” Naloloka kong sabi, magtatagal pa sana ako kung hindi n'ya pa ako kinatok.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon