Chapter 14

1.1K 105 24
                                    

TBIILWYM 14 | Classification

“Attitude mo naman ano?” I felt kind of irritated sa sobrang pagka-irita ko'y napapa English ako.

Sumandal ito sa hamba ng pintuan hindi pa rin nagbibihis. Nakakunot ang noo, “alis na. Bawal pangit dito sa bahay namin, mukha kang basahan.” Anito dahilan para mainis ako lalo.

“Tangina mo pala, kala mo maganda ka? Duh, ilusyunada.”

“Hindi naman talaga ako maganda,” aniya, magtataka akong lumingon sakanya. Aba, first time niya atang maging humble. “Kasi gwapo ako.”

Nanlaki ang mata ko, wow ah. First time n'yang inamin na gwapo s'ya––I mean hindi ko sinasabing nagwa-gwapuhan ako sa kanya pero kasi…. ngayon n'ya lang sinabi 'yon!

“Bakit ka nga nandito?” Naglakad ito papalapit sa kaniyang kama at umupo roon, ako naman ay nanatiling nakaupo sa may study table nito. Nandito kami sa loob ng kwarto niya may dinalang miryenda ulit ang mama n'ya at nakabukas ang pinto.

“Magbukas kayo ng pinto, 'wag kayong magsasara!” Bilin ni Tita, tumingin ito kay Xerxes at pinandilatan ng mata. “Kuha mo?” Naguguluhang tumango ito, “okay, baka may gapang contest na maganap. Mahirap na at itong isa kong anak eh, nagbabalak nang manggapang.” Sabay baling ng matalim na tingin kay kuya Xenver na nag-iwas tingin.

Napailing ako, 'yan ang mga bilin ni Tita. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto ni Xerxes, puno ng dekorasyon. May walk in closet, estante at mga poster ng mga gwapong lalaki.

“Akala ko ba magda-date kayo ng Zachariah mo?” Ulit n'yang sabi, tinitigan ko ito. Parang sa tono ng pananalita nito ay may nagawa ang malaking kasalanan, “tingin-tingin mo? Hindi ka sasagot?”

“Ah, nilibre n'ya ako ng ticket para sa upcoming new anime movie. ”

“Oh, bakit ka nandito?”

“Kasi dinalaw kita, tanga ka ba? Nakikita mo na akong nandito, tanong ka ng tanong.” Inis kong sabi

Nag cross arm s'ya at tinapatan ang taray ko, “bakit masamang magtanong? Sabihin mo laos na iyangl study first landi later mo,” inis akong tumayo sa kinauupuan ko at dinampot ang malambot nitong unan sabay binato sa kaniya. “Aray naman! Inaano kita?!”

Hinarap ko ito. “Nakakainis ka! Napano ka ba? Pinuntahan na nga kita rito para kumustahin tapos pinapaalis mo ako na para bang may malaki akong ginawang kasalanan!” Hindi ako yung tipo ng babaeng iyakin pero dahil kay Xerxes ay nafru-frustrate kaya na iiyak ako. “Alam mo tangina kang tarantadong, animal, shuta ka!” Naghuhumerentado akong tumalikod sabay pinunasan ang mga luhang nagsilabasan.

Tanginang 'yan ang drama n'ya. Nasa pelikula kami? Hindi!

“Ang daming mura naman!” Sigaw nito pabalik, “sorry na...” Mahina at masuyo nitong sabi, “nadala lang ng damdamin sabi mo kasi sabay tayong lalandi.”

Napakurap-kurap ako, “sinabi ko 'yon?” Wala akong maalalang sinabi ko 'yon.

“Oo,” sagot niya at tinitigan ako. Sinusuri ang reaksyon, “meron nga. Ganiyan ka makatingin, hindi ko imbento 'yon.”

Naluluha pa 'din ako, “sus, wala nga.”

“Meron,”

“Tangek wala,”

“Gaga, meron nga. Ang kulit mo, tulo pa sipon mo. ” Anito at kumuha ng panyo sa closet nito at lumapit sa akin.

“Tanga mo, anong sipon? Gaga luha 'yan. Bulag ka ba?” Rebat ko, marahan nitong hinawakan ang mukha ko at masuyong pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyo.  Mabilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi, ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nito sa mukha ko.

Isang ihip nalang ay baka aksidente n'ya akong mahalikan.

Ibang Xerxes ang nakikita ko ngayon katulad noong prom, Xerxes na walang makapal na lipstick at foundation isabay mo na ang blush on, Xerxes na laging may pink na scarf sa leeg at mga burloloy sa katawan. Dahil ang Xerxes na nandito ngayon ay, simple at lalaking-lalaki ang dating. Plain na gray t-shirt at sweat pants at messy hair. Wala ni isang bakas ng make up sa mukha n'ya, kaya kitang-kita ang gwapo nitong mukha.

“Abnormal,” wala sa sariling sambit ko.

Tinignan ako nito, mata sa mata. “Alam ko, sorry na.” Dumistansya ito at sumandal sa headboard ng kama walang malisyang umupo ako sa tabi n'ya at sumandal din.

“Seryoso, napano ka ba? Naninibago ako nitong nakaraang araw. Wala akong kasabay pag-uwi at pagpasok sa school, walang nangungulit mag food trip, walang laging naka trip at laging nang-aasar sa akin.” Sagot ko habang nakatitig sa kisame n'yang may mga star at galaxy themed stickers.

Narinig ko ang buntong hininga nito, “na miss mo ako?”

“Hindi ah, ”

“Tangek, sinungaling. Humaba sana ilong mo, ” inis ko siyang hinampas. “Hindi ko na alam, naguguluhan ako. Hindi ko na alam Galatea Harmonia, ”

Binalingan ko ito, kita ko sa mukha n'ya na sobrang problemado ito. “Bakit? Pwede kang mag share.”

Mapait itong ngumiti, “si lolo..” Panimula n'ya, “dumalaw s'ya noong nakaraang linggo. Sinabing hindi raw magbabago ang desisyon n'ya. Hinding-hindi niya raw matatanggap ang isang pamilyang may miyembrong baliko,” nangunot noo ako. “Syempre sino pa bang baliko rito? Edi ako parang sinabi niyang salot ako,  parang sumpa at nakakadiring tao.”

Pinagmasdan ko siya habang nagkukwento ramdam ko ang sakit at hinanakit nito bagay na hindi ko naranasan kailanman kay papa ganda dahil pinuno n'ya ako ng pagmamahal na hindi ko man lang naranasan at maalala sa piling ng tunay kong mga magulang.

“Naguguluhan ako sobra idagdag pang hindi ko na alam kung ano bang kasarian ko. Lalaki ba ako, bakla o bisexual?” Pagtutuloy nito sa kwento. “Lalaki ako in physical appearance pero ano ako sa loob? Nagkagusto na ako noon sa lalaki pero ngayon may babae na akong nagugustuhan at sa tingin ko nahuhulog na ako, sobra.” Sa huling sinabi n'ya ay napatigil ako sa pagtulala sa kisame may nagugustuhan na s'ya?

Sino? Anong klase s'yang babae? Paano? Bakit?

May agam-agam akong nararamdaman parang may kung anong masakit na parte akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Bumibigat ang hininga ko, hindi ko na alam ang dapat maramdaman. Kahit siguro ako ay naguguluhan na. Hindi lang s'ya.

“Tapos?” Tanong ko.

“Kapag nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi kagaya dati na porma at mukha agad tinitignan ko sabay lait, ngayon iba na. Pero hanggang tingin nalang ako sa kaniya kasi hirap n'yang abutin. ” Nilingon ko ito nakatingin sa daliri n'yang nilalaro nito, “si lolo gusto akong tumuwid pero naguguluhan ako. Lalaki ba ako o ano? Nakakadiri bang bakla ako at iba ang kasarian? May babae na akong nagugustuhan pero natatakot naman akong mandiri rin s'ya, nakakabaliw. Ito na siguro ang sinasabi nilang gender crisis.” Mapait itong natawa. Naglakas loob akong hinawakan ang ulo n'ya sabay pat dito, nanlaki ang mata n'yang napalingon sa akin.

Ngumiti ako ng matamis, “kahit sino ka pa, ano man ang kasarian mo, tandaan mong tanggap kita–namin, si Xerxes o Xaxa man 'yan. ” Kahit na may iba kang nagugustuhan at hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman.

At sa wakas ngumiti na ito, namiss ko ang ngiti n'yang ito na hindi ko nakita ng ilang linggo. “Salamat...”  Niyakap ako nito ng mahigpit, yakap ng magkaibigan.

“Ang dami mong drama! Atleast na clarify mo rin sa akin ang problema mo! Dadamayan naman kita eh!” Biro kong sabi sabay tawanan namin.

Dadamayan naman kita kahit ano at saan pa 'yan.

Kahit na minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba.

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Clarification

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now