Chapter 24

1K 76 10
                                    

TBIILWYM 24 | Sudden Confession
                   Part 2


Awkward silence.

Napabuntong hininga ako, sabay kaming naglalakad pauwi ni Xerxes at kumakain pa ng ice candy. Pero heto tahimik pa rin. Walang kibuan.

Naalala ko noong panahong inis ako sakanya tapos kahit labag man sa loob kong ipagtanggol s'ya kina Lemmoel noon ginawa ko pa rin. Napaka nostalgic, ganitong-ganito noon. First time naming magsabay umuwi tapos yung ice candy.. Napailing-iling ako ng maalala 'yon.

"Wala ba s'yang balak magsalita?" Bulong ko sa sarili nauuna itong maglakad. "Ano 'to sinundo ako sa classroom para sabay umuwi tapos hindi ako papansinin?" Tanong ko na naman.

Anyare? Hindi ako sanay sa ganitong atmosphere..

Nasanay kasi akong kapag s'ya ang kasama aasahan ko ng laging maingay dahil sa mga balahura nitong salitaan at mga kalokohan. Mga chismis n'yang kinalap pa ata sa baul kaya nga hindi ako mapakali.

Napabuntong hininga ako ulit, "hindi mo ba ako kakausapin? Hindi ba't sabi mo mag-uusap tayo?" Naiinis kong sabi kaya nilingon ako nito.

"Ah?" Lutang n'yang sabi habang subo ang ice candy, "eh?!" Bulalas nito.

Inikutan ko s'ya ng mata natanaw ko ang mini park dito sa Sitio Hiyaw Pa. Itinuro ko ito sa kaniya na agad naman n'yang nakuha ang gusto kong sabihin. Kung mag-uusap kami, magandang lugar 'to para gawin 'yon.

"Bili muna tayong calamares, " yaya ko sakaniya ng mataman ang tindero ng street foods. " Sige na, " pagpupumilit ko.  Agad akong napatakbo papalapit kay manong at nakipag sales talk, " masarap 'no manong? Da best!" Sabay thumbs up ko na animong close na close kami ni Manong.

Naiiling lang ito habang sinasabayan ang trip ko habang si Xerxes nama'y nananatiling tahimik. Mukhang may debate s'ya sa sarili n'ya.

"Ang ganda ng cart n'yo manong," sabi ko kanya. Bisekleta lang kasi ito pero malaki ang nakadugtong na cart. " Ang galing tapos ang linis pa ng tinda n'yo," puri ko sakanya.

"Syempre naman iha, kahit tindero ako ng fishball dapat malinis lagi." Anito habang inilalagay sa plato ang hindi pa lutong fishball, "iwas sa food poisoning mahirap na." Atsaka s'ya kumuha ng mga hilaw na fishball sa plato at isinabak na sa kalan.

Patuloy lang ako sa pagpapak ng calamares habang si Xerxes ay nakatulala lang, kakausapin ko na ba? Pasimple akong tumingin sakanya, "anong sasabihin mo ba?" Ani ko.

Nagkamot batok ito at sinenyasan akong lumapit sakanya, "teka manong ah. Chikahan muna kami, " biro ko kay Manong habang niluluto nito ang fishball, natatawang tumango si manong at sinenyasan ako ng okay.

Lumapit ako kay Xerxes nagtataka sa mga kinikilos nito. Pabebe, s'ya ang pabebe saming dalawa. Napangiwi ako.

"Bakit?" Seryoso ko ng sabi, "kung trip lang 'to Xerxes tigilan mo na." Matapang kong sinalubong ang tingin n'ya nag-ingting ang panga nito at awtomatikong napakunot ang kilay. "Hindi kasi magandang biro ang kanina," dahilan ko. Nababagabag din naman ako baka joke lang yung kanina. Atsaka bakit n'ya ako liligawan? Gusto n'ya ba ako? Utos ba ng mama n'ya? O kusang loob?

Napangiti ako ng mapait baka tulad kay Charentina ay na pressured lang ito. Baka hindi pala n'ya ako gusto at sinusunod ang utos ng kung sino man para mapatunayan ang gusto n'yang mapatunayan.

Ayaw ko sa lahat  ang pinapaasa ang sarili. Mas gusto ko ng mamanhid kaysa paniwalaan ang walang kasiguraduhan.

Bata pa kami kaya alam kong hindi big deal 'to. Pero sa tuwing naglalapit kami'y bumibilis ang pintig ng puso ko at hindi lang 'yon. Ganito rin ang nararamdaman ko kay Zachariah kaya hindi ko masasabi ang eksaktong mga salita.

"Ano?" Mukhang badtrip nitong sabi, "alam kong alam mong hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Pero putragis ka kasi! Alam mo bang hindi ako makatulog, hindi ako makagalaw ng maayos kakaisip doon sa kiss?! " Naiirita nitong sigaw, nahihiyang napalingon-lingon ako. Pagkuwana'y napabuntong hininga ng makitang walang masyadong tao.. salamat at malayo sa iba ang pwesto namin. "Ang weird lang kasi parang nakadikit pa rin yung labi mo! Tapos––" nag-iwas ito ng tingin.

"Hmm?" Ani ko, hindi lang pala s'ya ang naguluhan sa aksidenteng halik na 'yon.

"––idagdag pa 'tong weirdong nararamdaman ko para sayo! Kairita lang! Parang apoy iyong halik na 'yon na nagpatindi sa sunog ng nararamdaman ko para sayo!" Nakatulala lang ako, pinapakinggan s'ya. Hindi ko inakala... "Nagtanong ako kina kuya Xenver at Xenvri kahit na pang tarantado minsan ang sagot ni kuya Xenver at puro english naman si kuya Xenvri ng malaman nilang tungkol sayo ang itatanong ko himalang sinagot nila ako ng maayos. Sabi nila na baka... Baka dati pa gusto na kita...na idene-deny ko sa sarili ko dahil namulat akong bakla. " Paliwanag n'ya.

Hindi ko alam ang dapat sabihin. "Hmm.."

"Alam mo bang hindi ako halos makatulog ng isang gabi pagkatapos ng halik na 'yon? Noong kinausap ko sila kuya? Noong nakita ko kayo ni Zachariah sa party ni mama? Na lagi kayong magkasama? Sabi ni kuya Xenver lowkey daw ako magselos. Hindi ko gets noong una bakit naman ako magseselos?! Eh, frienemy lang tayo. Tapos yung pictorial pa, " natawa ito ng sarkastiko. "Nice picture. Halos basagin ko na yung camera. " Anito, bigla akong kinalibutan. Para s'yang asawang na nagseselos, "hindi ko alam kung kailan, paano at saan. Hindi ko pa masabi lahat at hanggang ngayon nalilito pa ako kaya pasensya na. "

"Ayos lang magkaibigan tayo kaya ayos lang, " nasagot ko na lamang.

Ngumisi ito, " ayaw na pala kitang maging kaibigan. " Napanga-nga ako, may sama ata s'ya ng loob. " Kasi liligawan na kita. Tama siguro sina kuya na natatakot akong baka si Zachariah ang piliin mo at maitsapwera ako. Hindi ako papayag kahit pa kontra kayong dalawa at ng buong populasyon ng pilipinas, hindi ako papayag. Dapat mo akong piliin at magustuhan kasi sapilitan 'to. " Aniya, "Huwag kang ma awkward kasi kahit ako ramdam ko yung feeling na naiilang ka pero please ‘wag sa akin. " Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko bumilis ang pintig ng puso ko nag iinit ang magkabilang pisngi na para bang uusok na ito ano mang oras.

Hawak-hawak ni Xerxes ang kamay ko habang pabalik na kami kay Manong...

"Oh, ang pula mo iha," pansin ni Manong dahilan para mataranta ako at inisahang subo ang dalawanh kumpol ng calamares. "Hala hoy, dahan-dahan lang iha,"

"Naku manong hayaan n'yo po s'ya," ani naman ni Xerxes at natatawa n'ya akong sinusulyapan. Mukha s'yang koreano ngayon iyng medyo ano... Hmm.. basta. "Manong bakit parang malansa 'tong fishball mo?" Nakangiwing sabi ni Xerxes dahilan para malipat ang tingin namin sakanya, "tapos walang lasa suka n'yo." Halos mahulog na si Manong sa kinauupuan nito maging ako na nabigla. "Bakit?" Clueless na tanong ni Xerxes.

"Iho, saan ka kumuha ng fishball?" Tanong ni Manong habang ako'y halos hindi na makahinga sa kakapigil.

Nangunot noo itong sumagot, "sa plato po."

"Hala iho, hindi pa 'yan luto tapos sa sawsawan ka ng sandok nagsawsaw ng hindi lutong fishball..." Paliwanag ni Manong habang nakangiwi, habang ako'y tuluyan ng napahalakhak.

Ang tanga lang..

"Ay putangina?! " Sigaw nito at nagmamadaling lumayo sa amin habang malapit ng maduwal.

"Boyprend mo iha?" Natatawang sabi ni Manong.

Umiling ako, patuloy pa rin sa pagtawa, "hindi po." Malisyoso akong tinignan ni manong na para bang hindi naniniwala.

Bahala s'ya pero ang tanga pa rin ni Xerxes sa part na 'yon.

"Tinatwanan mo ako kanina, " napahalakhak na naman ako. "Karma is a bitch nga,"


﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Sudden Confession
        Part 2

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareWhere stories live. Discover now