~Prologue

662 445 221
                                    

"Pain can change you."

That's the TRUTH!

When you've been hurt, rejected, or bullied by the people around you that's the point that you may realize that it is true.

Reality sucks!

That's what I've realized noong mga panahon na ako mismo ang isa sa mga nakaranas nito.....

_____________________

"Bakit mo ginagawa sa'kin ito?! Ano bang ginawa ko sayo para saktan mo ng ganito?"

Parang dinudurog ako paunti-unti habang pilit kong tinatanong sa kaniya ang mga katagang iyon. Pilit kong pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala dahil ayokong magmukhang mahina sa harapan niya.

Kahit na magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ay buong tapang ko siyang tinanong kung bakit niya ako nagawang lokohin.

"May k-kulang ba sa'kin?
H-Hindi mo na ba ako m-mahal?"

Nahihirapan akong tumingin sa kaniya habang patuloy ko siyang tinatanong dahil baka hindi ko rin kayanin ang katotohanan na maaari kong mabasa't-makita mismo sa mga mata niya.

Minsan may mga pagkakataong gusto nating pakinggan yung katotohanan pero aminin natin na mas nakakatakot din itong malaman.

Ang sakit isipin na sa loob ng mahigit isang taong na pagsasama namin ay isang laro lang pala ang lahat para sa kaniya. Lahat ng ala-ala ay parang balewala lang sa kaniya.

Sobrang sakit!

Have you ever tried to love someone more than your self and it happened that you know the truth he's just playing on you?

"I'm sorry Aya... but you're not enough." Yon lang ang sinabi niya at tuluyan na niya akong tinalikuran.

Ganon lang? Ganon lang yon kadali para sa kaniya na sabihing...

You. Are. Not. Enough...

I am not enough.

Kasabay ng paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi niya ay ang malayang pagtulo ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Halo-halong emosyon ang nangingibabaw sa akin.

Sakit. Lungkot. Pagsisisi.

Hindi kona rin kinaya ang panlalambot ng tuhod ko na parang wala na akong lakas at tuluyan na nga akong napaluhod.

Am I not enough?

________________

"Wala ka talagang kwenta! Kahit sa simpleng pinapagawa sayo hindi mo pa magawa-gawa ng tama! Sana hindi ka nalang nag-aaral kasi wala ka rin namang kwenta!"

Tahimik lang akong nakikinig sa lahat ng masasakit na sinasabi sa akin ng group leader namin sa school. Nasa loob kami ng room kung saan agaw-eksena sa lahat ang panghihiyang ginagawa niya sa'kin dahil sa hindi ko nagawa ng tama ang part ko sa science project namin na ipapasa na sa oras na iyon.

"Wala ka talagang silbi, ang bobo mo!" sigaw niya pa bago padabog na umalis ng room.

Tulala lang ako sa nangyari, magkahalong sakit at hiya ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko at kahit gustuhin ko mang lumabas na lang ng room ay hindi ko magawa. Nahihirapan akong igalaw ang mga paa ko.

Bakit ganon? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit mali pa rin sa mata ng ibang tao? Aaminin kong hindi ako sobrang matalino pero sinusubukan ko namang makisabay sa mga kaklase ko.

Mapait akong ngumiti, unti-unti kong naiintindihan na ...

May mga bagay na kahit anong pilit gawin ko, hindi pa rin magiging perpekto sa mata ng ibang tao.

My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now