~Epilogue

86 58 15
                                    

A/N: Try to listen this song babies.
[ 'Just forget' by Mikee Misalucha ]
     

[ Aya's  POV ]


Life is fair  but only some situation we had makes it unfair.


" I'm sorry. " Mahinang sambit ni Noah matapos niyang magkwento.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kitang-kita ko siyang lumaluha. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko matapos kong marinig yong confession niya.

" Alam kong mali yong ginawa kong paglihim sayo pero yon nalang ang choice na meron ako. I need to pushed you away so I can learned to love her, to love my daughter. Alam ko kasi sa sarili ko na ikaw pa din ang pipiliin ko kung sakaling pinapali ako sa inyo. So, hiding the truth from you is last thing I decided to do. " He added.


" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin ngayon, Noah. " Totoo kong sabi habang nakaupong pinagmamasdan siya.


" Alam kong mali yong ginawa ko sayo kaya handa akong tanggapin ang kung ano mang gusto mong ipagawa sakin ngayon para lang makamit ko ang kapatawaran mo, Aya. Just say it! " Determinado niya pang sabi habang pinupunasan ang luha niya.



RAMDAM ko ang determinasyon sa boses niya para lang makuwa ang kapatawaran ko kaya napangiti nalang ako.

Sino ba naman ako para ipagkait yon?

Alam kong hindi ganon kadali ang ginawa niyang desisyon. Naisip ko rin na siguro kapag ako naman ang nasa sitwasyon niya ganon rin naman yong pipiliin ko.


Pipiliin ko yong tama kahit alam kong masakit ito.


Magsasalita pa sana siya kaso napahinto nalang nang marinig namin ang matinis na sigaw ni Zoe.

" Daddy, buhat akow, " matinis na sigaw ng bata habang binibitbit ito ng Mommy niya.

Agad namang pinahiran ni Noah yong mga luha niya at pangiting lumingon sa asawa't anak.

Napangiti nalang ulit ako habang pinagmamasdan ko siyang maingat na kinuha ang anak mula sa pagkakakarga ng asawa.

Mag-ama nga sila, carbon copy ang itsura.



" Luv, uwi na tayo. Gusto ng umuwi nitong anak mo e ." Ani Ghizel habang ngumiti sa asawa at ganon na din sa akin.


Napangiti nalang ako pabalik habang pinagmamasdan silang tatlo.


Mukhang ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ni Kent sa mga sagot niya sa akin noong minsan ko siyang tinanong tungkol sa isang bagay.



Why did destiny allow two people fall for each other even though they are not meant to be together?


Now, his answer hits me!


They meet just to leave a life challenging lessons on each other's heart.


Nang napatingin sa akin si Noah ay tinanguan ko nalang siya bago nagsalita.



My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now