" Let's talk dude ..please", sambit niya.
Neon....
NARAMDAMAN ko ang pagkalas niya ng yakap sa'kin at dahan-dahan akong tinitigan sa mata. Hindi ko na makilala ang mga emosyong nababasa ko ngayon sa kaniya.
" Kahit 3 minutes lang.. can we? ", pagsusumamo pa niya habang tutok na tutok sa mata ko. Para bang pinaparamdam niya sa'kin na sincere talaga siyang kausapin ako.
At dahil sa hindi ko kayang tiisin ang mokong na'to ay tumango nalang ako.
Hindi pa naman siguro ako marupok sa part na 'to 'di ba?
Mas ok pa kasi sa'kin na makitang maloko-loko siya kaysa maging seryuso. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga nang makitang tumango ako.
Nang i-abot niya sa'kin ang kamay niya ay napatingin pa ako dito bago nanginginig na hinawakan 'yon.
" Relax, mag-uusap lang tayo,dude. Don't you trust me anymore? ", tanong niya ng maramdaman mula sa palad niya ang npanginginig ng kamay ko.
" I.. d-do. I mean, I still.. trust you !", nauutal kong sagot.
" Good to know. Trust me, I won't let you fall.. alone", makahulugang aniya at pinisil pa ng konti ang kamay ko bago ako tuluyang iginaya palabas ng Cr.
I won't let you fall.. alone..
Damn!
Anong ibig sabihin n'on? Mag a-assume na naman ba ako? Arh!!
Neon with his word talaga!
DINALA niya ako sa lugar kung saan hindi masyadong matao at 'yon ay nasa labas ng gym. Pinaupo niya ako sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno na may mga ilaw na nakasabit rito.
Hindi ko alam na may design rin pala sa labas ng gym, maaga kasi kaming pumunta dito kanina kaya hindi pa siguro binuksan 'yong lights ng mga oras na 'yon. Malapit lang ito sa entrada ng gate.
Niyakap ko ang sarili ko ng dumampi sa balat ko yong malamig na simoy ng hangin. Nang makita niya ang ginawa ko ay agad niyang hinubad ang coat niya at ibinalot sa sarili ko.
" Thank you", 'yon nalang ang nasabi ko.
Tumango lang siya sa'kin at umupo na rin sa tabi ko, medyo may gap sa pagitan namin 'yon. Wag kayong OA d'yan! Tsk!
" Hindi ko alam na ang ganda pala dito, HAHA" , sinubukan kong basagin ang nakakailang naming katahimikan.
" Oo nga e, kasingganda mo.. ", napahinto ako sa pagtawa ng sambitin niya yon. Agad ko siyang nilingon dahil d'on at pinukol ng masamang tingin.
" Oh, what's with the look,dude? I'm just telling the truth here, HHAHA", tanong niya at sa wakas ay medyo nawala na yong ilang sa pagitan namin ng tumawa siya.
" Tsk! Babaero kana nga, mambobola ka pa! You're really a great player huh?! ", sarkastikong sabi ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
" Outchh! Sakit naman n'on, dude ! Namumuro kana ah? HHAHA. Yes, aminado akong player ako.. sa bola--
" And sa girls rin! ", putol ko sa sasabihin pa niya pa sana.
" Ang sama mo talaga sa'kin, dude! Bespren mo ba talaga ako or not? ", madrama niya pang tanong.
Hindi! Gusto kasi kitang bwesit ka!
BINABASA MO ANG
My Living Miracle (COMPLETED)
Teen FictionCOMPLETED '𝑊ℎ𝑒𝑛 𝑜𝑛𝑐𝑒 𝑖𝑛 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑎 𝑚𝑖𝑟𝑎𝑐𝑙𝑒 𝑐𝑎𝑚𝑒, 𝑤ℎ𝑎𝑡 𝑤𝑎𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑙𝑎𝑠𝑡 𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔 𝑦𝑜𝑢 𝑤𝑎𝑛𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑎𝑠𝑘 𝑓𝑜𝑟?' Living everyday life is a battle for her. A women who is made to be a fighter of...