~Miracle 18

242 240 17
                                    

" So, hanggang kailan mo planong iwasan yong dalawa cyst, ha? ", tanong ni Dane sa'kin habang nakatayo sa gilid ko .

" Hindi ko alam D ,siguro hanggang kaya ko silang iwasan gagawin ko na lang." Sagot ko sa kaniya habang tinatali  ng ponytail yong buhok ko.




KASALUKUYAN  kaming nasa cr ngayon dahil sinamahan niya akong mag-ayos para sa game ko mamaya.

Nakasuot ako ng yellow jersey  na may naka imprint sa gitna na 'Sophomore'  at  'Vellana 30 Table tennis player'  sa likuran.


I matched it with my white Nike shoes which again, it highlights my black pair of socks. And like my everyday routine, I used to tied my hair into a ponytail and  wear a white headband on it.

Ito ang huling araw ng INTRAMURALS namin  at ito rin yong pinakahighlights sa lahat. Dito nangyayari ang labanan ng champion by champion sa ano mang uri ng sports. Ang tatanghaling mga players na mananalo sa overall games ang siyang magiging representatives namin sa Interschool na magaganap this year.



I won last day sa table tennis single(girls) kung saan nakalaban ko yong 3rd year HS player at natalo ko siya. Kaya isa ako sa mga lalaban ngayon para sa championship.


Ang seniors ang nanalo sa cheer dance competition at natalo yong  sa amin kaya wala ng gagawin ngayon ang mga kaklase naming sumali doon kondi gumala at manood nalang sa mga games.

Natalo man kami sa cheer dance pero bumabawi naman kami on the other side dahil mas madaming nananalong representatives namin sa iba't-ibang sport games.

" Bakit kasi hindi ka nalang pumili sa kanilang dalawa, cyst? Nang sa ganon mas magiging madali sayo ang lahat." pangungulit pa rin niya sa akin. Agad ko siyang hinarap dahil sa sinabi niyang 'yon.

" At kailan pa naging madali ang pamimili D, ha? " taas kilay kong tanong sa kaniya.

" Goshh, ang sinasabi ko lang naman cyst, kung sana kasi pumili ka na lang sa kanila noong araw na pinapili kita, sana hindi ka na namomroblema ngayon," pagpapaliwanag pa niya.

" Anong magagawa ko e sa hindi ko rin alam yong isasagot ko doon sa tanong mong boplak ka . Good thing talaga na perfect timing yong pagsundo sa'kin ni Kuya! " sagot ko pa.


Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari ng araw na 'yon...


**

" Aya you choose, Izaach or Neon?! ", Dane asked.


Hindi ko alam ang isasagot sa tanong na yon ni Dane. Pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng hangin sa katawan. Parang natutop yong dila ko dahil kahit isang salita ay hindi ko man lang magawang bigkasin.


Hindi rin nakatulong sa akin ang tatlong pares ng mga mata na nakatingin sa akin ngayon at naghihintay ng sagot ko.

Damn it !

Anong sasabihin ko?!

" Ano na cyst? Choose between them para matapos na ang lahat ng 'to, " Dane added.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon