~Miracle 3

399 392 61
                                    

[ Ely's POV ]

"Hindi na kailangan, mukhang okay na rin naman siya. At staka... mahirap hanapin yong taong hindi naman gustong magpahanap."

TAHIMIK lang akong nakaupo sa upuan ko habang nakapangalumbaba at tinatapik-tapik ang ballpen ko. Sinusubukan kong mag-focus sa lecture namin pero wala talaga akong maunawaan. Parang lumilipad ang isip ko at paulit-ulit umaalingaw-ngaw sa'kin yong mga sinabi ni Vince. Hindi pa rin ata ako nakamove-on sa nangyari sa'min kanina.

Bakit ganon? Akala ko okay na ako pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Pilit kong sinusubukang hindi magpa-apekto sa nangyaring pagkikita namin kanina pero imbes na makalimutan parang pilit lang ulit akong binabalik sa nakaraan.

Nakaraang pilit kong kinakalimutan pero patuloy lang ata akong nahihirapan.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganon na lang kalamig ang trato niya sa'kin. Kasalanan ko rin naman ang nangyari sa'min noon tatlong taon na ang nakalipas. Ako rin naman yong dahilan kung bakit naging ganon siya ngayon....

Kasalukuyan akong nasa school at nagle-lecture yong teacher namin nang biglang tumawag si Mader sa'kin.

Malakas ang tunog ng ring tone ko kaya halos napatingin talaga sa'kin ang lahat. Sinubukan pa akong tuksuin ng mga kaibigan ko dahil akala nila si Vince yong tumatawag. Napatawa nalang ako sa mga boplaks na 'to. Agad akong lumabas ng room para sagutin yong tawag.

"Hello, Ma? " sagot ko sa phone.

.......

Ilang minuto ang lumipas at napakunot yong noo ko nang hindi siya sumagot. Sinubukan kong tignan ang phone, baka kasi pinatay niya na ang tawag pero kasi hindi e! Nasa linya pa rin sa kabila si Mama.

"Ma, hello? Nandiyan ka pa ba?" tanong ko pa.

Wala pa ring sumagot! Ibababa ko na lang sana ang call nang marinig ko ang mahinang pag-iyak ni Mama.

"Ma?! Ano pong nangyari? O-okay ka lang ba dyan?!" pinilit kong maging kampante pero hindi ko na rin mapigilan ang pagkabog ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Bigla akong kinabahan!

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon