Sabi nila masarap yong magmahal pero bakit parang hindi naman ata totoo?
Sabi nila nagbibigay daw 'to ng kakaibang kasiyahan sa tao pero bakit n'ong naranasan ko na imbes na sumaya ay nasaktan pa ata ako?
" Oyy cyst! this Friday na yong prom natin ah, nakapili kana ba ng kapartner mo? ", bungad sakin ni Dane ng makapasok siya sa room namin.
" Tsk! wala akong planong sumali sa prom e ", sagot ko.
"Luhh! bakit naman? Alamo yong feeling na halos excited na ang lahat at kaniya-kaniya ng preparation sa events tapos ikaw parang tanga lang, walang balak sumali? Ayst! sarap mong kutusan cyst! ", sarkastikong sabi niya pa sakin.
" Eh, sa wala akong ganang sumali e ", walang interesadong sagot ko.
" Bakit? Dahil pa rin ba yan kay Neon cyst, ha ? Ba't di mo nalang kasi pansinin eh. Ilang weeks kana ring kinukulit n'ong tao", aniya at tamad na umupo sa mesa ko.
" Oy Dane, umalis ka nga diyan! umayos ka ng upo. Tss! parang hindi babae to eh ", pagsaway ni Ela sa kaniya na papalapit na rin sa'min.
" Tss.. oo na! Bobang to, akala mo hindi rin ginagawa eh ", padabog na umalis si Dane sa harap ko at umupo nalang sa gilid ko ulit.
" Saan ka nanggaling ?", tanong ko kay Ela na umupo rin sa kabilang gilid ko at halatang pawis na pawis.
" Auh, sa ano lang A------
" Sus ! tinatanong pa ba yan, cyst? Malamang sa seniors na naman yan galing, nakita ko kaninang hinahabol niya si Niko eh ", putol ni Dane kay Ela.
" Tss! body guard, secretary, informer kita , gurl? Sinagot mo na lahat eh ", sarkastikong tanong naman nito kay Dane at napataas pa ng kilay.
"Eh sa totoo naman e, pinipilit mo si Niko na pumayag na kayo ang magpartner sa prom ", pambubuking pa nito kay Ela.
" Abah! Welengyee ka, Dane! pa inosente ka d'yan akala mo ba hindi ko rin alam na niyaya mo yong isang senior natin na si Mark para maging partner mo rin? Ayy nako, wag ako gurl! ", pang-lalaglag rin nito kay Dane.
" SANDALI!!! ", pasigaw kong awat sa kanilang dalawa.
Paano ba naman kasi kung magbangayan akala mo walang tao sa gitna nila, mga baliw talaga!
" Pwede tumahimik muna kayong dalawa? Naririndi na ako sa mga boses niyong palaka, pwede pakihinaan niyo konti? ", asar na sabi ko sa kanila.
" Ikaw kasi gurl eh"
" Anong ako na naman abah---
" Awat na nga e, ano ba?! ", inis na talagang sabi ko. Agad naman silang umayos ng nakitang naiinis na nga ako.
" Sorry na cyst, ang sinasabi ko lang naman kasi sumali kana sa prom, minsan lang naman to eh.. YOLO cyst. Kung ayaw mo talagang kausapin pa rin si Neon, di bahala ka, madami namang pwedeng i-partner d'yan maliban sa kanya eh ", mahabang aniya.
" Oo nga A, sumali kana! Kung galit kapa rin sa kan'ya dahil don sa nangyari sa birthday mo, hayaan mo nalang siya..", dagdag pa ni Ela.
![](https://img.wattpad.com/cover/235039512-288-k23280.jpg)
YOU ARE READING
My Living Miracle (COMPLETED)
Teen FictionCOMPLETED '𝑊ℎ𝑒𝑛 𝑜𝑛𝑐𝑒 𝑖𝑛 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑎 𝑚𝑖𝑟𝑎𝑐𝑙𝑒 𝑐𝑎𝑚𝑒, 𝑤ℎ𝑎𝑡 𝑤𝑎𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑙𝑎𝑠𝑡 𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔 𝑦𝑜𝑢 𝑤𝑎𝑛𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑎𝑠𝑘 𝑓𝑜𝑟?' Living everyday life is a battle for her. A women who is made to be a fighter of...