~Miracle 7

305 323 17
                                    

#Entry 20 

'Mr.Unknown' yon ang pwede kong itawag sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung kaklase rin ba namin siya o hindi.Basta ang alam ko lang kaibigan siya ni Izaach.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin sa mga oras na'yon, ang alam ko lang when I laid my eyes on him para akong nahihipnotismo sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ba yung nangyayari sa'kin?! Pero ang mas nakakainis ay yung hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung heartbeat ko nang makita ko siya.

Nakakainis. Tsk!


KASALUKUYAN akong nagsusulat sa Diary ko habang nakaupo sa bench kung saan palagi kaming tumatambay nila Dane at Ela.

Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Wala akong ideya kung bakit ganon nalang ang epekto sa akin ng lalaking yon!

Naniniwala naman ako sa spell ng love pero maliban nalang sa sinasabi nilang 'love at first sight or Destiny'. Kasi walang ganon,may mga tao lang talaga na pinipilit at sadyang wagas kung maniwala doon. Walang destiny, tayong mga tao ang gumagawa ng sarili nating tadhana.

"Oyy ang aga natin cyst ah?! Himala, anong nakain mo?!" pangbubulabog ni Dane sa iniisip ko.

"Malamang kanin at ulam, D. Sumabay ako kay Ela na gumising ng maaga kanina kaya ayon nandito na ako." Sagot ko sa kaniya.

"Hmm. Naks... Keep it up, cyst! Mga konting push mo pa for sure kakabogin muna si Yanne sa pagiging 'most punctual' na student Hahaha." Sabi niya na sinabayan pa ng palakpak.

"Ewan ko sayong baliw ka." Napailing nalang ako sa kaabnormalan ng kaibigan kong ito.

"Oh asan si Ela?" tanong niya nang makitang walang Ela na nakaupo sa tabi ko.

"Ayon nasa cr, mag-aayos daw. Kasi naman hindi ata nakapag-ayos bago pumunta dito. Alam mo na, masyadong punctual din yung isang yon kaya kahit pagsuklay sa buhok nakalimutan." Napatawa pa ako ng konti dahil sa kabaliwan din ng pinsan ko.

"As always hindi naman talaga nagsusuklay yon kunwari pang mag-aayos. Mabuti sana kung tulad mo ang isang yon na walang arte sa katawan at halatang hindi mahilig mag-ayos e di sana walang problema. Haha."

"Grabe ka sa salita mong 'hindi nag-aayos' , D ha! FYIA nag-aayos din naman ako."

"Sus, sa usual attire mo na yan, cyst... sige sabihin mo kung saang banda ka nag-aayos? Hahaha." Sabi niya pa sabay sinipat ako simula ulo hanggang paa.

Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng black t-shirt na medyo malaki sa'kin at itinuck-in ko sa jeans ko na tinernuhan ng white shoes.

Nakamessybun ang buhok ko gaya ng lagi kong nakasanayan at hindi ko na pinaglalaanan pang ayusin ang ilang hibla ng medyo makulot kong buhok na nalalaglag sa gilid ng mukha ko. Wala ring kahit anong kulorete ang makikita sa mukha ko sa kadahilanang hindi ako mahilig sa mga 'girls thing' nayan. Ang tanging makikita sa mukha ko ay yung round eye glasses ko. Lilinawin ko lang hindi ako nerd, sadyang napagdesisyunan ko lang na isuot ito paminsan-minsan.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon