~Miracle 1

516 424 85
                                    


"Tumakbo kana! Huwag kang lilingon, iligtas mo ang sarili mo!"

SIGAW ng isang boses na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

Kasalukuyan akong tumatakbo ng mabilis sa isang lugar na wala akong makita kahit ano. Sa sobrang dilim ay ilang ulit na akong nadapa ngunit pinipilit ko pa ring bumangon. Hindi kona alam ang nilalakaran ko dahil sa mga oras na yon ang gusto ko lang ay makatakas. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko sa paa.

Takot, pangamba, at pag-aalala.

Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa samo't-saring emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Ano bang gagawin ko? Asan na sila?!

Pareho kaming napunta sa lugar na'to kaya hindi ako papayag na hindi kami sabay na makatakas dito.

Huminto ako sandali at nagpalinga-linga ako sa paligid umaasa akong may makita kahit na ano o kahit sino pero wala talaga.

"Hindi! Hindi ko sila pwedeng iwan!"

Napaiyak nalang ako dahil sa kawalan ng pag-asa.

Hanggang dito nalang ba ako?

"Mamatay na ba ako sa lugar na'to? Mawawala nalang ba ako nang walang nakakaalam? Nang walang sapat na dahilan?"

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko yong mga tanong na iyon. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay ang pagsasalita ng kung sino.

"Tumakbo kana, hindi mo pa oras."

Gulat akong napatingin sa paligid, sinubukan kong hanapin ang taong may-ari ng boses na nagsasalita.

"S-sino ka?! M-magpakita ka sa'kin!"

Kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko, sinikap ko pa ring tapangan ang boses ko para hindi halatang takot na takot na ako sa mga oras na 'yon.

Nakita ko ang isang anino sa hindi kalayuan at bigla akong napa-atras nang nagsimula na siyang humakbang papalapit sa akin.

Sinubukan kong tignan ang kaniyang mukha pero hindi ko makita nang tuluyan dahil sa dilim ng paligid.

Isa lang ang sigurado ako, isa siyang lalaki!

Nang unti-unti na siyang nakalapit nang tuluyan ay inihanda ko na ang sarili ko sa isipang baka anong gawin niya sa'kin. Sinikap kong maging matapang at hindi nagpatinag.

Unti-unti ko nang nakikita ang kaniyang kabuuan at tama nga ako isa siyang lalak. Ngunit nang malapit ko ng makita ang kanyang mukha ay biglang–

Alarm clock ring!

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Pawisan akong tumingin sa paligid at napatuon agad ang tingin ko sa alarm clock na insaktong tumunog ng 5:00 am. Ibig sabihin oras na para gumising at mag-ayos para sa school.

Tumingin ako sa bintana para lang makita na maliwanag pa rin ang paligid dahil sa buwan kahit malapit ng mag-umaga.

Napagdesisyunan ko na lumabas ng kwarto para sana magluto na pero bigla kong naisip yung panaginip ko.

Bakit nanaginip na naman ako ng ganon? Bakit para talagang totoo?

Nabalik ako sa ulirat nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon