~Miracle 22

155 142 3
                                    


DECEMBER month has finally arrived. Buwan kung saan pinakahihintay ng karamihan. Napakadaming events ang nagaganap. At sabi pa nila, marami kang gift at foods na matatanggap.

Sanaol...

Well for me, December is fun not until I'd realized that I'm  still stuck into someone.

" So, tutunganga  na lang ba tayo dito  o pupunta na tayo sa school? Malapit na mag 4 pm oh, malilate na tayo sa christmas party natin, cyst ", putol ni Dane sa pagkakatulala ko.




Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niyang iyon. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakapamaywang nato't nakataas ang kilay habang  nakatingin sa'kin. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan ng room ko.





" Oy! Ano ba naman yan, cyst ? May plano ka bang umattend o wala ?" tawag niya pa ulit.


" Tsk! Tinatamad akong gumalaw, " asar kong sagot.


" Ayst! Umayos ka nga cyst, Christmas party natin ngayon kaya 'wag kang KJ d'yan. Kung bitter ka pa rin dahil doon kay Neon, abah... wag mong idamay yong party natin. Once in a year lang 'to, cyst!", asar na aniya.



" Tsk! Sinong nagsabi na bitter ako ha? Tinatamad lang talaga ako ngayon, kapagod kaya magdesign doon kahapon." Depinsa ko pa.



" Sus , kunwari ka pa. Hanggang kailan ba kasi yang drama mong 'yan ha?Kung ako sayo lalabas na ko dito sa napakaliit kong room at ipapakita ko sa lahat na kahit nasasaktan ako, hindi pa rin ako magpapatalo. Wag kang pahalata, cyst " aniya .




Napatingin ako sa kaniya nang binanggit niya ang mga salitang iyon. Tama siya doon!




Mag-iilang weeks na rin noong last time na nagkausap kami ni Neon. After kasi non ay hindi na kami masyadong nag-uusap. Nag-uusap  lang kami kapag kagrupo namin ang isa't-isa . Dahil sa sinabi kong iyon noon, mukhang nakuha niya naman yong ibig kong sabihin dahil  naramdaman kong sinusubukan niya rin akong iwasan matapos ng nangyari.



Pero may mga beses na sinusubukan niya pa rin akong kausapin pero ako na yong umiiwas. Kailangan kong panindigan yong mga desisyon ko!


Tama naman 'yon 'di ba?



" Oh my goodness! Ilang oras pa ba bago mo planong tumayo d'yan, cyst?Hello! " inip na talagang tanong niya.


"  Oo na, ito na!  Masyado ka namang atat e ," napatayo na agad ako sa pagkakaupo ko sa harap ng salamin.




Napahinto ako sa paglalakad patungo sa kinaroroonan niya nang  makitang nakataas pa rin ang kilay habang nakatingin sa akin.


" What?" tanong ko.


" Sure ka ba talagang pupunta ka sa party, cyst? Wala man lang kaayos-kaayos yang mukha mo. Para kang manang e, gosh.." maarte pa niyang tanong.

" Oo naman, bakit?  Maayos naman 'tong suot ko, ah?" balik kong tanong sa kaniya bago napatingin sa kabuuan ko.



Nakasuot lang ako ng isang simpleng jeans kung saan nakatuck in ang isang puting shirt doon at tinernuhan ng puting sapatos. Itinirintas ko lang rin ang buhok ko habang suot ko  na naman yong round glass ko.




" Cyst, hindi interview yong pupuntahan mo ,party yon! Tignan mo nga ang suot ko at suot mo?Malayo sa linyada 'yang suot mo, oh" sita niya pa sa suot ko.


My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now