~Miracle 8

296 317 21
                                    

'Real friend is just like your family, you're the one who choose. They are the one who make you laugh louder, cry harder and smile better.'


PARANG kailan lang nong una akong pumasok sa school na'to. Sa loob ng isang buwan na lumipas, hindi ko maipagkakailang ang laki na ng pinagbago. 'Yong dating maingay na classroom ay dumoble pa ang ingay ngayon. Marami kaming nakilalang bagong kaibigan lalo na 'yong mga kaklase naming galing sa ibang school.

Kasalukuyan akong mag-isang nakaupo sa ilalim ng naglalakihang puno ng mangga kung saan may isang bench na nakapwesto sa gilid nito. Masyadong mainit ngayon kaya pinili kong doon umupo dahil kumpara sa loob ng room namin mas malamig ang simoy ng hangin doon na napakasarap sa pakiramdam.


Katatapos ko lang gawin yong report paper  para bukas sa science investigatory project namin. Magkaiba kami ng grupong tatlo ni Dane at Ela so doon nalang ako tumambay kasi hindi pa tapos sa kanya-kaniyang report yong dalawa.

Pinilit kong tapusin yong report namin ng mag-isa kahit na groupwork dapat 'yon.  Wala naman kasi akong magagawa dahil 'majority always win' ,ako yong napili ng grupo  na maging leader ng report namin.

Sa totoo lang ang hirap maging group leader, hindi mo pwedeng iasa sa member yong mga dapat niyong gawin sa katotohanang hindi maiaalis sa isip ng member na kapag leader, siya yong magaling. Siya dapat yong responsible sa lahat ng gagawin at higit sa lahat, siya ang masisisi kapag hindi nagawa ng tama yong report!

Kaya mabuti nalang talaga natapos ko na yong report namin pero nag-aalala pa rin ako. Hindi ako nag-aalala sa content ng report namin, ang inaalala ko ay 'yong reporter ng group namin!

Walang gustong magvolunter na magreport sa gitna! Sabi kasi ng teacher namin hindi na pwedeng yong leader lang lagi ang magrereport, dapat daw member naman. Kaya ngayon ang inaalala ko sa lahat ay yong sinabi ni Maam na dapat daw lalake yong magrereport para maiba naman!

Haist! Ang daming arte!

NAPATINGIN ako sa list ng grupo ko, tatlong lalake lang ang meron sa'min at yon ay sina Mark, Izaach at Neon. Napapikit nalang ako sa katotohanang isa sa kanila ang magrereport at wala na kaming choice doon!



Hindi pwedeng si Mark kasi maliban sa laging tulog 'yon sa klase, napakatahimik lang nito lagi. Ekis na rin si Izaach kasi sa anim na taon ba naman naming magkaklase sa Elementary, saksi talaga ako kung papano niya sinisira ang report kahit gaano pa kaganda ang content nito. At  kahit tumambling pa siguro ako ng dalawang beses, hinding-hindi ko mapapareport 'yon sa gitna! Isa nalang talaga yong pag-asa ko at iyon ay si Neon.


Pero hindi ko rin naman alam kung papayag 'yon o hindi.  Aaminin kong sa loob ng isang buwan ay minsan ko lang talaga nakakausap ang lalaking yon at tuwing may groupworks or activity lang na nangyayari!

Naputol lang yong iniisip ko nang biglang may tumabi sa gilid ko.

"Bakit nag-iisa ka lang dito? Nas'an yong dalawa?" tanong ni Paul sa'kin.

Kaklase ko siya at isa rin siya sa mga masasabi kong matalino talaga pagdating sa klase.

"Hindi pa kasi tapos yong dalawa sa report nila  so since natapos ko na yong report namin, dito nalang muna ako. Ikaw? Bakit ka nandito?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"Auh.. ganon rin. Masyasong mainit e, bakit bawal ba akong maupo rin dito?" tanong niya pa habang napakamot sa batok niya .

"Wala naman akong sinabi ah?! Ikaw talaga! Hahaha." Natatawa kong sagot sa kan'ya.


My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now