~Miracle 23

148 135 2
                                    



TAHIMIK lang akong nakaupo sa gilid ng hospital bed habang nakatingin sa maamong mukha ni Neon habang natutulog.


Mag-iisang week na rin after noong birthday ko kung saan isinugod sa hospital si Neon. Naalala ko noon na halos takbuhin ko ang hospital nang malamang naaksidente daw siya. Nakaschool uniform pa ako ng araw na'yon pero hindi ko na naisip 'yon nang makita ko ang walang malay na mukha ni Neon.


Ang kwento sa'kin ni Izaach ay papunta na raw sila sa school noon nang mabangga si Neon ng isang motorsiklo at direkta siyang tinamaan. Tumilapon daw ito sa lakas ng pagkabangga sa kaniya at napuruhan ang dalawa niyang binti sa railings na nandoon.



Hindi ko alam ang gagawin ng araw na'yon. Iyak lang ako ng iyak habang ginagamot siya ng Doctor. Naabutan pa ako ng parents niya sa ganoong sitwasyon. Sinubukan nila akong tanungin sa nangyari pero dahil sa hindi ko na kayang magsalita ay si Izaach nalang ang nagkwento sa parents niya.



Ayoko sanang iwan si Neon sa mga oras na iyon kaso dahil birthday ko ng araw na'yon ay pinauwi muna nila ako para mag-ayos ng sarili at para makapagpaalam ng tama sa mga magulang ko.


Bago kami umuwi noon ay dumaan muna kami sa school para ipag-alam sa adviser namin ang nangyari kay Neon. Pagkatapos ay sinamahan na ako ni Dane pauwi sa bahay namin.



May kaunting inihanda sina Mama at Papa para sa birthday ko kaya pinagsaluhan namin iyon ng gumabi na. Natapos ang araw na iyon na hindi ko man lang ramdam ang birthday ko. Dahil sa mga oras na iyon ang inaalala ko lang ay ang kalagayan ni Neon.




KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Mama na hindi muna ako papasok. Pinaalam ko sa kaniya ang nangyari kay Neon kaya pumayag siya sa pakiusap ko. Pero bago pa ako tuluyang pumunta sa hospital ay pinaalalahanan niya lang ako na wag ko lang daw pabayaan ang pag-aaral ko.


Nang mga sumunod na araw ay kinausap ako ng parents niya na kailangan ko ng pumasok sa school at huwag daw ituon kay Neon lahat ng atensyon ko. At dahil doon, gumawa ako ng schedule para sa everyday routine ko. Papasok ng maaga sa ekswela , magtitake down notes sa dalawang notebook, kay Neon yong isa doon, at pag-uwian ay tumatambay ako ng dalawang oras para bantayan siya.


Dalawang araw din siyang tulog dahil sa fracture at bogbog na natamo niya. Ako yong nasa loob ng room noong araw na magising siya. Halos mapasigaw siya sa sakit ng oras na'yon nang aksidente kong matamaan ng konti ang binti niya sa sobrang tuwa ko.


Tuloy, hindi ko na alam kung saang parte ko ba siya dapat hawakan.




DAHIL sa kakaisip ko ng mga nangyare noon sa kaniya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kaliwang gilid niya.


Nagising lang ang diwa ko nang maramdaman ko ang mahina niyang pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakasandal na siya sa head board ng hospital bed habang matamang nakatitig lang sa akin.

" Hi, nagising ba kita? Matulog ka pa kaya? " tanong niya sa'kin ng nakangiti.


" Hindi,ok lang. Kumusta yong pakiramdam mo? " tanong ko pabalik.


" Hmm, feeling better kasi nandito ka. Ang galing mo talaga mag-alaga,"  biro niya pa.

" Tsk! Ang sabihin mo bolero ka lang talaga! Gutom ka ba? May gusto kang kainin? May dala ako d'yan para sayo." Sunod-sunod kong tanong.


" Wohh, kalma lang luv, busog pa ako. Ikaw, hulaan ko hindi ka pa nakakain bago pumunta dito noh? " panghuhuli niya naman sa'kin.


" Auhm, Oo pero ok lang, mamaya na ako kakain sa bahay." Pang-aasure ko pa.

My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now