~Miracle 4

369 368 38
                                    

[ Dane's POV]

"Being happy is finding strength in forgiveness, hopes in one's battles, security at the stage of fear, love in disagreements."

Being happy is not having a sky without storms, or roads without accidents, or work without  fatigue, or relationship without disappointments. But being happy is to recognize that it is worthwhile to live, despite all the challenges, misunderstanding and times of crises.

Happiness is not about having a perfect life but about using tears to water tolerance, losses to refine patience, failures to carve serenity, pain to lapidate pleasure, obstacles to open the windows of intelligence.

Never give up... Never give up on the people you love. Never give up from being happy because life is an incredible show. And you are a special human being.

58...

59....

60--------krngggggg!!!

"Yes! Class dismiss!" pasigaw ko at agad nang tumayo sa klase.

Finally uwian na!

KANINA pa kasi ako nagbibilang ng oras at naghihintay kung kailan matatapos ang lecture sa last period subject namin which is 'PerDev' (Personal Development). Sa wakas natapos din!

Wala naman akong masyadong maintindihan sa libro na binasa ko. Kung tatanungin ako kung ano ang nakuha ko roon sa nabasa namin, yon ay yung 'Never give up on the people you love.'

Well, agree talaga ako roon. Kapag may mahal ka hindi mo dapat siya sukuan kahit na ano man ang mangyari.

Right!

Goshh.. Galing ko talaga! Hahaha.

Kukunin ko na sana yong bag ko nang napahinto ako at napatingin sa mga kaklase ko. Bakit sila nakatingin sa'kin lahat? Masyado na ba akong maganda para mapatingin talaga sila sa'kin?

Well, maliit na bagay!

"Whutt? Halerr guiz uwian na, wala kayong planong umuwi?" I tried to ask them.

Walang sumagot sa tanong ko. Sinubukan kong tignan sila Aya at Ely pero nakapikit na si Aya na parang nahihiya. Agad naman akong hinila ni Ely paupo ulit.

"Geezz.. Dane, ano ka ba?! Nakakahiya ka, umayos ka nga! Hindi pa nga nakakalabas si Miss Arnibal inunahan muna! Oh, tignan mo!" Gigil na bulong sa'kin ni Ely habang nakanguso ang bibig sa paligid ko.

Agad na nanlaki yung mata ko sa narinig. Dahan-dahan akong lumingon sa harapan at kitang-kita kong napapailing si Ms. Arnibal dahil sa ginawa ko.

"A-uhm... I'm s-sorry Miss. I'm just kidding, hehe." Sinubukan ko pang tumawa pero wala ring sumabay sa'kin!

Bobaaaaa mo selppp!

"It's okay Ms. Gonzales, please take your seat nalang ulit. Anyway as I've said, I just want to inform everybody to please passed your portfolio right on time before the first sem ends. Any questions?" Pagre-remind pa ni Miss sa amin.

"Nothing, Miss." Sabay na sagot ng mga kaklase namin.

"Oh right! Kung wala ng tanong, class dismiss." Pagtatapos ni Ms. Arnibal bago napatiuna ng lumabas.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon