~Miracle 9

293 310 21
                                    



Asan na ba yong mokong na'yon?!



" Oyy, cyst! Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa'min ni Ela", tawag ni Dane sa'kin sabay tapik sa balikat ko.



" Ha? Anong pinagsasabi mo? ", kunot noo kong tanong sa kaniya. Walang ideya kung ano ang sinasabi niya.


" Sus, kunwari ka pa! Gurl , akin na ang katibayan dali !", inilahad nito ang palad kay Ela na nasa tabi lang rin namin.



Nakita ko namang may kinuwa si Ela sa uniform ng palda niya at inabot kay Dane. Isang papel na nakatupi at kulay pink.



" Ano yan? ", nagtataka kong tinignan ang ngayo'y hawak na papel ni Dane.



" Ano ba sa tingin mo, cyst? Syempre ano pa ba e di love letter! ", napataas pa ang kilay niya habang nagsasalita na parang pilit akong pinapaamin sa kasalanang 'di ko naman ginawa.



" Ano?! pinagsasabi mo ,D? ", tanong ko saka kinuwa sa kaniya ang letter at tinignan 'yon.


" HUH! kunwari ka pang wala kang alam, eh yong totoo kinikilig ka na. Ba't di mo man lang sinabi sa'min ,nakakahurt kaya yon, bobang to! ", nagtatampong sabi niya


" Sino ba yan, A? Kaklase lang ba natin yan ha? Oyyyyy! ikaw ha", pangtutukso naman ni Ela sa'kin.



" Tsk! Tumigil nga kayo d'yan ! Wala talaga akong alam tungkol dito.. San niyo ba nakuwa 'to? ", naaasar na tanong ko sa kanilang dalawa.


" Sus! wala daw .Eh, nakita ko 'yan sa bulsa ng bag mo kanina ng hiniram ko yong ballpen mo eh! Malay ba namin kung nabasa mo na pala yan, HAHA", patuloy na panunukso ni Dane .


" Tsk! wala nga akong alam d'yan! ", asar na sabi ko pa.


" So, anong pinapalabas mo? Na may ibang taong naglagay niyan sa bag mo ha? ", sarkastikong tanong ni Dane.


" Ay! hindi malabong mangyari yon gurl, " sabat ni Ela.


" Ewan ko sa inyo! Itapon niyo nalang yan.. ", walang intresadong sabi ko pa bago niligpit yong gamit ko.



" LUH! Hindi mo man lang babasahin, cyst? Sayang naman yong effort ng admirer mo kung 'di mo man lang mababasa ", pangungulit na tanong pa ni Dane sa akin.



" Hindi na, sigurado naman akong wala lang talagang magawa ang taong gumawa niyan", walang interes na sagot ko.


" Awss! sayang naman. Kung ako binigyan nito, aalamin ko agad kung kanino nanggaling 'to", sabi pa ni Dane.



" Edi , gawin mo total ikaw naman yong mahilig d'on", sabi ko pa.


" Grabe ka don cyst ha!..HAHA", sagot niya naman sabay tawa.



Hindi ko nalang siya kinibo sa halip ay kinuwa ko ang mineral water ko at tinungga ito.


KASALUKUYAN kaming nasa playground ng school namin at nagpapractice ng cheer dance. Malapit na kasi yong intramurals ng school kaya wala na masyadong klase. Kaniya-kaniya ng practice yong bawat grade level para sa cheer dance competition na isa sa pinaka highlight na event tuwing sasapit ang Intramurals.



Iba't-ibang sports ang nagaganap tuwing Intramurals . Ilan sa mga pinakatanyag doon ay ang basketball, volleyball, table tennis, badminton, running, boxing at marami pang iba. Tatlong araw o minsan ay isang week ang pagdiriwang. Halos lahat ng estudyante ay excited na sumapit ang mga araw na'yon sa kadahilanang maliban sa walang pasok ay mapapanood nila ang mga players o tama bang sabihin na makikita na naman ng mga girls ang mga kalalakihan na kinababaliwan nila.





My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon