~Miracle 28

83 76 2
                                    

'Kaya mo yan bal, huwag mong hayaang madistract ka ng mga matang nasa paligid mo.Kung naiilang ka dahil sa mga matang nakatingin sayo just closed your eyes,feel the lyrics of the song .Kantahin mo yon ng may emosyon at iparamdam mo sa lahat yung meaning ng kanta.Performed on stage like you own it, bal. Shine like a shooting star."

NAKAPIKIT kong kinanta yung lyrics ng song habang inaalala yung sinabi sakin ni Kent before ako pumunta sa Prom nato.



No one can rewrite the stars,

How can you say you'll be mine?

Everything keeps us apart,

And I'm not the one you were meant to find.

Its up to you

And its up to me,

No one can say what we get to be,

And why don't we rewrite the stars?

Changing the world to be ours, tonight.

"Bravo cyst! gosh , ang galing mo talaga! naol singerist HAHAHA", masiglang bati ni Dane habang todo palakpak sakin pagkababa ko ng stage.



KATATAPOS lang naming magperform sa harap ng madaming estudyante. Seniors prom namin ngayon at isa ako sa napiling manguna sa pagkanta ng community song namin na 'Rewrite the stars by Zach Efron'.



Wala sana akong planong sumali sa prom at manguna sa pagkanta namin ngayon dahil sa hindi ako sanay sa mga ganto kaso nga lang dahil sa pangmomotivate at pamimilit sakin ni bal na sumali ay wala na akong nagawa pa para tumanggi.

"Oy cyst, magpaiwan tayo after ng program, sumali tayo sa party for sure masaya yon ,gosh!", excited na sabi sakin ni Dane.


"Ayoko, wala din naman akong gagawin doon, ikaw na lang", walang gana kong sabi bago tinungga yung mineral water.

"Ayst! Ang KJ mo talaga cyst, minsan lang naman to e ", asar niyang sabi  habang nakabuntot sa likuran ko.


"May pupuntahan kasi ako D, alamo na yon.Mas gusto kong magstay don kesa dito", I reasoned out.

"Fine, hindi na kita pipilitin pa.Basta always take care.Magtext ka kay Jeana na pauwi kana para at least alam nila", parang nanay na bilin niya sakin.



"Tsk! Oo na ang ingay mo talaga!", yon nalang ang huli kong nasabi dahil sa tinawag na siya ni Ely.

Napasunod nalang ako ng tingin sa kanila ni Ely habang tumatawang nag-uusap.

Parang kailan lang noong lumipat ako ng school mag-isa at lumipat dito.Nung nahirapan akong mag-adjust kasi nagkaiba kami ng school na pinasukan ni Dane.Pero ngayon parang ang bilis lang ng pangyayari.Magkapareho na ulit kami ng school .


Lumipat na kasi si Dane sa school namin this year as a grade 11 student at napagdesisyonan naming piliin yong HUMSS as our strand.



Nakapagtataka lang talaga kung bakit parang ang bilis niya naman mag-adjust sa bagong school nato kumpara sakin na halos anim na buwan pa bago nakapag-adjust.

Malaking tulong yung pagiging madaldal niya.

-,- 

My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now