~Miracle 5

353 361 25
                                    

KASALUKUYAN kong tinatahak ang hallway papunta sa room namin. Good thing maaga akong nagising ngayon kaya save ako sa spotlight moment na kadalasan kong nararanasan tuwing umaga. Friday ngayon kaya free day. Nakasuot lang ako ng simple black shirt na may print ng 'My friday shirt' tapos tinernuhan ng black skinny jeans at white shoes. Bitbit ko rin ang bag pack ko na black n white sa likuran ko.

Malayong-malayo yung style ko ng pananamit kumpara sa ibang estudyante na kung makasuot ng damit ay ubod ng eksi . Akala mo talaga naubusan ng tela ang Pilipinas! Hindi ako mahilig magdamit ng mga ganon.

Paakyat na ako ng hagdan nang makita ko yong isang kaklase namin na si Eunice. Katulad ko ay mukhang papaakyat pa lang rin siya ng room namin bitbit ang napakadaming art materials. Member kasi siya ng Art club sa school kung saan puro mahilig at magagaling sa painting, sketch, drawing, etc. yung mga nandon.

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa kitang-kita ko kung paano siya nabangga ng mga lalakeng pasalubong sa kaniya. Base sa nakita ko, nasa Junior High pa lang ang mga ito.

Nagkalat ang mga paint brush, cardboard at madami pang iba sa sa daanan. Agad siyang humingi ng sorry don sa mga nabangga niya o dapat bang sabihing nakabangga sa kaniya!

Bigla akong nakaramdam ng inis nung nakita kong imbes na tulungan siya ng mga lalake ay tinawanan lang siya ng mga ito.

Dali-dali ko siyang pinuntahan at tinulungang ligpitin yung mga gamit niya. Hindi ko nalang sana papansinin yung mga lalakeng nakatayo pa rin sa harapan namin na wala namang ibang ginawa kundi pagtawanan lang kami. Pero dahil sa sinabi nung isa sa kanila ay parang nagpanting yung tenga ko sa narinig.

"Ano ba yan? Tatanga-tanga kasi e ayan tuloy, Hahaha." Sabi nung isang lalaki na sinabayan pa ng tawang pagkalakas-lakas. Nakisabay din yung mga tropa niya.

Hanep!

Kung nakamamatay lang ang tingin sigurado akong kanina pa nakabulagta ang lalaking ito. Agad akong tumayo at tinignan siya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sa nakita ko kasi mukhang hindi naman siya yung tanga dito, kundi ikaw." Kalmanteng sabi ko sa kaniya.

Dahil sa sinabi ko ay kitang-kita ko kung paano manggalaiti sa galit yung lalaking kaharap ko.

"Abah! Ang tapang mo Miss, auh?! Para sabihin ko sayo pumapatol ako sa babae!"Mayabang niya pang sabi.

Para sabihin ko rin sayo, pumapatol rin ako sa lalake!

Napangiti naman ng konti sa sinabi niya. Haist! Bakit ba may mga taong pasikat? Yung kunwaring matapang pero puro salita lang naman.

Nakita kong tumayo na si Eunice at nararamdaman kong kinakabahan siya sa pwedeng mangyari sa amin ngayon.

"Bakit ka ngumingiti diyan? Baliw ka ba ha or tomboy ka?! Sayang ka maganda ka pa naman sana." Napailing-iling pa siya kunwari na akala mo sobrang nanghihinayang.

"Bakit ko sasabihin sayo? Baka kapag sinabi ko.. magkagusto ka pa." Pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Abah ang angas mo a—" naputol yung sasabihin niya nang biglang dumaan si Miss A— subject teacher namin sa komunikasyon.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon