~Miracle 19

190 186 14
                                    

TAHIMIK kong binabaybay ang hallway papunta sa room namin. Mag a alas-sais na ng gabi pero nandito pa rin ako.

Paano ba naman kasi, kakatapos lang ng awarding sa overall na mga nanalo sa sport fest na naganap. At dahil ako ang nanalo sa table tennis single game for women, isa ako sa mga compulsory na a attend sanaturang awarding.

Pabalik na ako sa room namin para kunin ang naiwan kong mga gamit. Mag-isa lang ako ngayon kasi nauna nang umuwi si Dane dahil may importante pa daw gagawin.

May mga mangilan-ngilan pa akong nakikitang estudyante pero karamihan doon ay nagmamadali na ring umuwi dahil sa lumalagano na nga ang dilim.

Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil ayoko rin namang umuwi ng gabi. Mahirap na, baka makatikim pa ako ng sermon kay Mama.

NANG makarating ako sa room namin ay medyo madilim na talaga pero good thing kasi nakabukas naman ang mga ilaw ng bawat room kaya  hindi na ako nahirapan.

Agad kong niligpit at inayos ang mga gamit ko. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan ang pagpasok ng kung sino.

Bitbit  ang malaking bag ay tutungo na sana ako sa pintuan nang magulat ako sa taong  nakasandal doon.

" N-neon! A-auh anong ginagawa mo d-diyan?" gulat kong tanong.

Hindi ko siya maiwasang pagmasdan sa suot niyang yellow jersey na basa na. Kitang-kita ko rin ang mga natirang pawis sa maugat niyang balikat at braso.

Akala ko ba umuwi na'to?

" You're going home now ?" untag niyang tanong sakin.

"Auh..Oo , i-ikaw ba? B-bakit nandito ka pa?" sagot ko pero hindi ko pa rin maiwasang mautal.

Damn it! Umayos ka nga selp!

" Hulaan mo?" pabalik niyang tanong  at mahinang humakbang papunta sa direksyon ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon nalang kabilis tumibok ang tarantado kong puso sa simpleng mga salita at galaw ng lalaking 'to!

" H-huh? may naiwan ka ba dito?" panghuhula ko pa at sinubukan kong magpalinga-linga sa paligid.

Napasinghap ako nang makitang sobrang lapit niya na sa'kin at medyo nakayuko pa siya para lang magpantay ang paningin namin.

" Hmm, yeah.." sagot niya pero hindi ko nga lang alam kong sagot rin ba yon o hindi. Parang patanong rin kasi yong tono ng pananalita niya.

" Auh,  ganon ba?" hindi ko na alam ang isasagot ko.

" Wala ka bang planong malaman kung ano yun?" tanong niya pa ulit.

" Ahh, k-kailangan ko pa ba m-malaman yon?".

" I think you should know."

" O sige ano ba yong naiwan mo?".

" You..."

Hindi ko alam kung ano yong gagawin ko dahil sa sagot niyang 'yon. Parang natameme ako dahil sa sinabi niya. Hindi rin nakatulong ang mga tagos kaluluwa niyang mga tingin.

Naloko na! Kalma lang heart please!

" Auhh, medyo late na. Hindi ka pa ba uuwi?" wala sa linyang sabi ko at pinilit kong maging kaswal ang boses ko habang tinatanong ko siya.

Umakto rin akong papaalis na at  nang lalampasan ko na sana  siya ay nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

Nakatalikod ako sa kaniya at ganon rin siya sakin habang pigil niya ang braso ko sa pag-alis.

My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now