~Miracle 6

318 343 27
                                    

*6 yrs ago

"NO to jowa, YES to studies."

KASALUKUYAN akong papasok sa campus habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko yong mga salitang iyon.

First day ko as a freshmen sa isang sikat na school na gaya nito at hindi ko maiwasang kabahan na ma-excite sa mga pwedeng mangyari sa buhay highschool.

Sabi nila sa Highschool life raw nangyayari ang mga pinakahindi malilimutang buhay ng isang estudyante na tulad ko. Dito daw nabubuo ang solid na pagkakaibigan, roller coaster na journey at ang pinaka-interesadong part ay yung magkagusto ka sa isang tao.

Well, hindi naman ako bitter pagdating sa usapang pag-ibig kasi naniniwala rin naman ako roon. Sa katunayan mahilig akong magbasa ng mga novel at manood din ng iba't-ibang teleserye sa Tv. Pero sa mga panahong tulad nito, ekis muna sa'kin ang love life at study muna dapat ang priority ko.

At staka, I much prefer to read books than to entertain some boys.

Patingin-tingin lang ako sa paligid at hindi ko maiwasang ikumpara ang elementary life ko kaysa sa Highschool.

Kumpara sa Elementary mas malalaki at madami ang room sa Highschool. Mas madami ring mga estudyante na makikita sa paligid. May naglalaro sa malawak na playground, may mga nakatambay sa gilid ng hallway at nagkikwentuhan. At mayroon ding nakaupo lang sa mga bench ng school habang nag-aaral.

Ang dami kong nakakasalubong at kasabayang mga estudyante na pasok-labas sa campus.

Base sa narinig ko isang Mega school daw ang tawag dito. Isa sa tinaguriang 'Home of sports' at hindi nagpapahuli when it comes on Education ang school na'to. Mas marami pa namang mas malalaki at sikat na school dito sa bayan namin pero ito ang napiling school ng parents ko para sa studies ko since malapit lang 'to samin. Hindi rin basta-basta ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Mix ata ang nandito; may mayayaman, mahihirap, o yung nasa average lang.

Nakakaexcite na nakakakaba!

ILANG minuto pa yong lumipas habang diretso lang ang lakad ko sa mahabang hallway ay biglang may humila sa braso ko. Nabigla ako sa nangyari at nang hahampasin ko na sana ang mapangahas na humila sa'kin ay bigla siyang sumigaw.

"Ayaaaaa!!! Sabi na e, hindi ako nagkamali! Ikaw nga yan, good thing dito ka rin talaga mag-aaral. Goshh... bespren pa rin talaga tayo. Haha." Sabik na sabik na sabi ni Dane habang nakayakap sakin ng mahigpit.

"Tsk! Umayos ka nga dyan D, ang ingay mo! At staka bitawan mo nga ako, ang higpit ng yakap mo e para mo naman akong sasakalin!" Reklamo ko sa kaniya at agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Sorry naman, masyado lang akong happy now kasi alam ko na magkasama ulit tayong papasok sa iisang school." Sabi niya pa sabay hawak sa braso ko.

Ang OA talaga ng baliw na ito!

"Nga pala, may dalawa akong chika sayo, cyst. Guess whutt?" Masiglang tanong niya na halatang excited sa ikikwento niya.

"Ano ba yon?" tanong ko habang patuloy kaming naglalakad papunta na sa room ng freshmen.

"Alam mo na ba?" napahinto pa siya.

"Baliw ka talaga, magtatanong pa ba ako kung alam ko na? Tsk! Sabihin mo na kasi may pa suspense ka pang nalalaman diyan!" inip na sabi ko.

"Orayt Haha, ganito kasi.. yong una kong chika dito mag-aaral ang team. Kumpleto tayo ditong lahat!" sabi niya. Yung team na tinutukoy niya ay yong grupo naming kababaihan sa sayaw. Binubuo yon ng siyam na miyembro. At katropa lang namin ang lahat ng nandon.

My Living Miracle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon