~Miracle 24

127 121 6
                                    


Life is full of unexpected surprises.

Hindi mo malalaman ang susunod na mangyayari. Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Ang magagawa mo lang ay sumunod sa agos ng buhay.

" Hey Aye, tara na sa loob nand'yan na ypng Math teacher natin." Tawag sa'kin ni Trisha.

" Sige mauna ka Sha, susunod nalang ako." Tugon ko sa kaniya.

"  Okay, sunod ka ha! " Aniya bago pumasok ng tuluyang sa room namin.


KASALUKUYAN akong nakaupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking punong kahoy. Napagdesisyunan ko kasing tumambay nalang muna dito dahil vacant naman namin sa English subject kanina.

Malalim akong napabuntong hininga habang sinusuyod ko ng tingin ang kabuuan ng bagong campus na meron ako.


Mahigit anim na buwan na rin simula noog lumipat ako as Third year HS transferee student sa bagong school na ito. At aaminin kong ang daming ganap sa loob ng mga buwan na narito ako. Mga dalawang buwan rin ang itinagal bago ako nakapag-adjust .

Mahirap kapag bagong salta ka lang lalo na kung wala kang kakilala na pwede mong asahan. Hindi mo alam kung saan ka pupunta o ano ang una mong dapat gawin.

Nasanay kasi ako na si Dane lagi ang kasama sa bawat pagpasok ko sa school, kaya ngayong hindi ko na siya kasama sa iisang school, nahirapan talaga ako ng sobra!


Maliban kasi sa lumipat ako ng school ay lumipat rin kami ng bahay. Napagdesisyonan ng parents ko na lumipat kami dahil sa nangyari sa Ate ko after noong recognition ko.

Naalala ko noong araw na 'yon kung saan wala akong kaalam-alam sa nangyari dahil kakagaling ko lang sa farewell party namin sa school.

Kinausap kaming magkakapatid ni Mama at Papa na kailangan daw namin lumipat ng bahay.

Gulat na gulat ako dahil sa narinig,  parang hindi rin maproseso ng utak ko ang malamang nabuntis ang Ate ako ng boyfriend niya. At kailangan naming lumipat ng bahay malapit sa city para hindi mahirapan si Ate sa pagbyahe. Dahil sa one month pregnant pa daw naman siya ay pinagpatuloy pa rin niya yong pag-aaral niya as 1st year collage student.

Sinubukan kong kausapin sina Mama about sa study ko dahil sa ayoko talagang lumipat ng school. Iniisip ko kasi that time yong mga maiiwan kong kaibigan at si Noah, hindi pa rin niya ako binibigyan ng pagkakataong makausap siya tungkol sa nangyari sa amin. Bagsak balikat nalang akong napaupo sa upuan dahil sa mga sinabi ni Mama.

" Ma, ayoko pong lumipat ng school. Paano po ang pag-aaral ko dito? At staka si Dane, ayok-------

" Wag ka ng magreklamo pa Aya, walang problema yong pag-aaral mo dahil nalipat na kita sa isang Mega school doon. At yong tungkol  naman kay Dane, hindi naman dagat ang pagitan niyo para hindi kayo magkita, 'di ba? Pwede pa din naman siyang pumunta doon anytime na gusto niya."

" Pero Ma----

" Tama na Aya, huwag mo ng dagdagan pa ang problemang dinulot ng Ate mo sa akin." Stressed niyang sabi at agad na akong tinalikuran.

My Living Miracle (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz