~Miracle 11

286 297 16
                                    

Iiwasan ko ba muna siya o wag ko nalang kaya siya pansinin?

Hayaan ko nalang kaya na siya na mismo ang makatuklas na------NOOO!!

Hindi niya pwedeng malaman, hindi dapat kasama sa option yung hahayaan ko nalang na malaman niya!

Hindi maaari!

Arhhhh!!!  Ano ba talaga? Mababaliw na ako neto e!



NAKAHARAP ako sa salamin ng cr namin sa school habang pilit na pinahihinto ang digmaang nagaganap sa isip ko.



Kanina pa  ako dito nagpapabalik-balik sa kakalakad umaasang masasagot na yung mga tanong ko pero sa kasamaang palad ..WALANG NASAGOT NI ISA!

Kanina pa  nagsisimula ang practice namin sa cheerdance pero nandito padin ako ngayon sa Cr. Wala akong ideya kung ano yung gagawin ko.

Aminado na ako sa sarili ko na bumalik na nga yung nararamdaman ko sa babaerong kaibigan ko. Nalaman ko to sa mga inaakto ko this following days. Hindi kona kayang makita or makasama siya ng matagal sa isang place dahil naiilang na ako. Bigla nalang bumibilis ang pintig ng tarantado kong puso!



Akala ko kasi tuluyan ko ng naibaon to noon? Hindi pa pala! Nakatulog lang ata tapos ngayon na ulit nagising.


Sigurado akong sa oras na lumabas ako sa cr nato makikita ko na ulit siya. Good thing lang kasi hindi kami nagpapansinan ngayon dahil sa nangyaring away samin last week.

Sinusubukan niya akong lapitan pero iniiwasan ko siya. Mas mabuting isipin niyang galit padin ako sa kanya dahil sa nangyaring away namin pero yung totoo hindi na big deal sakin yon. Kailangan ko lang talagang magpanggap ngayon na galit ako para tumigil muna siya sa kakalapit sakin hanggang sa mabura kona tong nararamdaman ko sa kanya!

Pero wala ding kasiguraduhan kung hanggang kailan to. Alam ko na sa oras na lumabas ako sa cr na to, maghahanap na naman ako ng reason para iwasan siya. Tsk!


Medyo kalahating oras din akong nagstay sa cr ng mapagdesisyonan ko ng bumalik sa practice namin. Mahirap na noh,  ayoko ding mahuli sa mga steps namin since this coming Friday na ang Intramurals.


Nang makarating ako sa field ay nakita kong nandon na nga siya at kinakausap yung isang babaeng kaklase namin. Mukhang focus na focus pa siya sa sinasabi ng kausap.

Damn! Anong gagawin ko?


Hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin .Pilit ko nalang kinalma yung sarili ko at agad ng lumapit sa kinaroroonan kung saan kami nagpapractice.


Nakita kong tinuturuan ng trainor namin kung pano ang tamang steps nung ibang mga kaklase ko na na-assign as flyers.




Napatampal nalang ako sa noo ko ng marealize na nag-iba na yung formation namin at halos lahat ng kababaihan ay may partner ng lalake at nagpa-practice kung paano ang tamang pagsampa sa likuran ng boys. Nang tumingin ako sa pwesto ng dalawa kong kaibigan ay nakita kong ganon na din yung ginagawa nila.

Damn! Paano na ako?!

Sinong partner ko dito?!



Nang pumalakpak na ang trainor ay agad ng umayos ang mga kaklase ko at pumosisyon ayon sa instruction ng trainor namin.

Naloko na!

My Living Miracle (COMPLETED)Where stories live. Discover now