Ang Prologo

9.5K 96 7
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

Hoy! Ikaw. Oo, ikaw nga. Pansinin mo ako!!! Pag binalewala mo ako baka magsisi ka mamaya kaya bago ka lumarga sa pagbasa dyan basahin mo muna tong babala ko. Ang akdang natuklasan mo na maaring dulot ng pagkabagot at walang magawa mo sa buhay ay produkto ng malikot na kaisipan ng inyong lingkod. Bweno, nangangahulugan lamang ito na ang lahat ng napapaloob sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lang. Sa madaling salita walang katotohanan o hindi naangkop na ikonekta sa totoong buhay ang lahat ng naisulat. Maaring may mga nabanggit na tauhan at lugar na nag-eexist sa reyalidad ngunit sila ay hinulma sa katauhan na naayon sa kagustuhan ng inyong lingkod wala talagang koneksyon sa kanila sa pangkalahatan. Ginawa ito para maging isang FANFICTION at upang makapagbigay aliw sa iba. Ngayon, nais ko lang ipunto na ang iyong mababasa ay isang kwento tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng dalawang BABAE o sa madaling sabi, isa itong GIRLXGIRL na kwento kung saan itatampok ang dalawa sa pinakasikat na collegiate volleyball players sa bansa ngayon bilang punong tauhan walang iba kundi sina Mika Aereen Reyes at Victonara S. Galang.  Kung naligaw ka at hindi mo ka kumportable sa kwentong ito marapat lamang na magsearch ka na lang ulit ng ibang kwento na papatok sa iyong panlasa. At para naman dun sa magugustuhang bigyan ng tsansa ang aking akda, ngayon pa lang ay lubos na ang pasasalamat ko sa'yo. Yun lamang at nasa sa'yo na ang desissyon kung magpapatuloy ka o lilisanin mo ang pahinang ito.

___________________________________________________________      

-Mika's POV-

Halos magtatalon sa tuwa si Mika pagkatapos ng huling exam n'ya hindi lang para sa araw na iyon kundi para sa buong sem. Sa wakas kasi ay makakatulog na s'ya ng matiwasay pagkatapos ng sandamakmak na exams, papers, projects, presentations at kung anu-ano pang requirements. Pero halos magpantig ang tengga n'ya ng marinig ang usapan ng isang grupo ng estudyante sa gitna ng hallway.

"Friends anong sagot n'yo dun sa number 17?" Tanong nung isang lalaki

"A(?)" Hindi siguradong sagot nung apat na kaumpukan nito.

"Ha? Bakit A sagot n'yo? D kasi sagot ko." Akala mo nalugi sa negosyong sagot nung isa.

"Yaan na nga. Pasado naman siguro tayo."

"Sana nga."

"Tama-tama.

Agad s'yang umalis nang marinig ang mga ito para na din maiwasang marinig pa ang maaring maextend pa nilang diskusyon patungkol sa katatapos lang ng exam. Hindi kasi katulad ng mga ito ay ayaw n'yang pagnilayan pa ang mga sagot n'ya kung tama ba o mali at mas  lalo namang ayaw n'yang paglamayan ang exam n'ya. Masyado s'yang masaya at alam na alam n'ya na pag ginawa n'ya yun ay masisira lang ang kanyang mood. Sa ngayon ay gusto n'ya lang magpakayolo. Excited na s'yang umuwi para makapanoud ng tv at makapag-internet na uli. Nagdodorm kasi s'ya para na din iwas hassle. Sobrang effort naman kasi kung mag-uuwian pa s'ya sa Bulacan. At dahil dormer s'ya, para s'yang isolated at taong kweba sa loob ng mahigit isang buwan. Hindi na nga n'ya maalala kung kelan s'ya huling nakapanoud ng balita man lang at kung kelan s'ya huling nakabisita sa social networking sites. Gustong-gusto na n'yang makauwi kaya't dali-dali s'yang dumiretso sa dorm kung saan nadatnan n'ya roommate na si Liz.

"Oi girl kamusta exam?" Agad na bati nito sa kanya.

"Ayun ayos naman." Nakangiting tugon naman n'ya.

"Ay nga pala girl nagpapatwag ng meeting si tita." Pagbabalita ng kanyang roommate.

"Bakit daw? Pwede bang wag ng umattend uwing-uwi na kasi ako."

Nagkibit-balikat si Liz bago sumagot.

"Ang sabi n'ya lang attendance is a must. Importante daw."

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now