Simula

681 26 6
                                    

"Neil!" tawag niya sa pangalan ko, hinawakan niya ang kamay ko at saka inilagay sa kaniyang pisngi. Ang luha ay unti-unti ng pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi ko maunawaan ang kinikilos niya. Masyadong wirdo iyon sa pakiramdam. Umiiyak siya sa di ko malamang dahilan, nasasaktan ako sa di ko alam kung saan nagmula.

"Neil! " muling pagtawag niya sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko, pinakatitigan ang lumuluhang mata ni Khalil. "There comes a time when walking away is the best for everyone." aniya, hindi ko maintindihan ang pinupunto niya. Naiintindihan ko ito pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng emosyong pinakita niya habang sinasabi niya saakin iyon.

'He's going to break up with me? ' tanong ko sa aking isipan, nguni't pati ito ay hindi kayang sagutin, masyadong naguguluhan sa kanyang sinasabi.

" Pain is inevitable. Suffering is optional." muli na naman siyang nagbitiw ng salita. Pinakatitigan ko ang kanyang mukhang lumuluha habang patuloy na hinahalik halikan ang aking kamay.

"K-Khalil... " utal na pagtawag ko sa pangalan niya. Nasasaktan ako sa emosyong pinapakita niya. Sa bawat paghikbi niya ay madadala ka. Sa mga mata niyang puno ng sakit, mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya. Mula sa paghagod niya sa aking kamay, madadama mo ang matinding paghihinagpis. Nalilito ako, hindi ganito ang Khalil na nakilala ko. Hindi ganito ang Khalil na minahal ko. Dahil ang Khalil na minahal ko, ang Khalil na nakilala ko, masayahin at hindi ganito kahabag ang itsura.

"Khalil... " muling pagtawag ko sa kanyang pangalan. Gusto ko mang itanong kung ano ang gusto niyang iparating, nguni't nararamdaman ko na iyon, at alam ko na ang sagot sa aking katanungan. Nasasaktan ako.

"A-Ano bang g-ginagawa mo? H-Hindi ko- kita maintindihan dahil ganyan ang kinikilos mo. May mali sayo Khalil." sa wakas ay nasabi ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.

"Neil..." muling pagtawag niya sa pangalan ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi, inilapit ang kanyang noo saakin at ipinagdikit ang aming mga ilong. "There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be." muli niyang sabi at doon ay nag-init na ang ulo ko. Kusa kong kinalas ang aking mukha mula sa pagkakadikit sa kaniya. Tinitigan ko siya ng deretso.

"Pwede ba Khalil! Kung may sasabihin ka wag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Dahil nalilito ako sa pinapakita mo. Hindi ganitong Khalil ang nakilala ko. Hindi ganitong Khalil ang Minahal ko. Ibang Khalil ang nasaharapan ko ngayon. Mahinang Khalil ang nasa harapan ko, hindi ang Khalil na kilala at minahal ko." sigaw ko at unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Pilitin ko man itong patigilin ay nagkukusa itong tumutulo. Parang gripong sira, patuloy sa pag-agos ng tubig..

"I-I'm b-breaking up w-with you." sa sinabi niyang iyon, biglang huminto ang pagluha ko. Nangunot ang noo ko at pinakatitigan ang kanyang mga mata. Blangko na ito ngayon, wala na akong makitang emosyon pa. Agad na kumalat ang sakit at kirot sa puso ko. Parang biglang dinambo ng malakas ang puso ko para makaramdam ako ng sakit na ganito.

"A-Ano yung s-sinabi mo? " naguguluhang tanong ko. Hindi makapaniwala, 'Baka nabingi lang ako kaya tila iba ang nadinig ko. Baka iba ang sinabi niya at iba ang nadinig ko.' luminga ako sa paligid upang alamin kung may iba pabang tao bukod sa amin. Iniisip na sa iba nagmula ang salitang iyon, at hindi kay Khalil. Nguni't wala. Wala akong makitang ibang tao kundi kaming dalawa lang. At ang masakit pa dito, sa kanya mismo iyon nagmula.

"I-I'm breaking up with you. It's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does. I-Im~~" hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng pigilan ko siya.

"S-Stop it, tigilan mo na. Ayoko ng marinig pa. Nasasaktan ako, makikipag break ka sakin ng di ko alam ang dahilan." lumuluhang pigil ko sa kanya. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang bumabalot sa aking mga mata.

"Sabihin mo saakin k-kung ano ang rason mo k-kung bakit mo g-ginagawa to!"

"I don't have a reason, kaya ko nagawa ito." walang emosyong aniya nguni't hindi ako naniniwala.

"H-Hindi ako naniniwala. Lahat ng bagay may rason Khalil. Wag mo na akong pagmukhaing tanga. Dahil matagal na akong tanga."

"Di kita pinagmumukhang tanga! Sadyang umayaw lang ang puso ko kaya naghanap ako ng bago. Bagong kayang ibigay ang gusto ko, ang bagong kayang ibigay ang mga hinahanap ko... Ang mga hinahanap ko na hindi ko makita sayo." sa sinabi niyang iyon ay halos di na ako makaramdam pa, namanhid ang aking puso, nabingi ang aking tenga, nanlabo ang aking paningin. Sobrang katahimikan ang bumalot sa aking paligid. Wala akong makita, wala ring madinig. Sobrang tahimik, maliwanag naman nguni't malabo ang aking nakikita. Sobra akong nasasaktan sa mga sinabi niya. Masakit mang isipin, nguni't hindi parin ako sapat para sa kaniya. Kung sabagay, maraming kagustuhan ang mga lalaki, maraming hinahanap ang lalaki. Marami siyang gusto na hindi niya makuha saakin. Marami siyang hinahanap na hindi niya makita saakin. Maraming bagay ang hindi ko kayang ibigay sa kaniya. MASAKIT MAN ISIPIN, HINDI AKO NAGING SAPAT SA KANIYA.

"It's so hard to look at you and think we were so close. We were in a relationship . And now. I'm nothing to you." walang emosyon, nguni't ang luha ko ay patuloy na pumapatak habang sinasabi ang linyang iyon sa kaniya. "Just give me time and I will get over you." huling salitang binitawan ko sa kanya saka ako kumaripas ng takbo. Wala akong naririnig na mga yabag ng paa. Buo na talaga ang disisyon niya.

'The most painful memory I have is of when I walked away and you let me leave.'

Muli akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa hindi ko inaasahan ang sasakyang sumasalubong saakin. Nguni't huli na ng mapagtanto ko na ako ang maling daang tinatahak. Narinig ko ang sigawan ng mga tao, nguni't mas nangingibabaw ang malakas na sigaw ni Khalil sa pandinig ko. Naramdaman ko na lamang ang katawan kong bumangga sa poste, naririnig ko ang pagkataranta ng mga tao. May naramdaman akong bisig na bumalot sa aking ulo, humahangos ang boses nito, lalo akong nasasaktan. Hindi ko na kayang imulat ang aking mga mata. Mukhang sa ganitong buhay na ata magtatapos ang buhay ko.

Memories Of Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon