Chapter 5

49 7 0
                                    

At exactly 8 pm, the game officials are now complete and any moment the championship game will start. I am with Diara, sitting pretty here at my kuya's team bench area. I saw how his team being friendly to the other team, and when their coaches requested last minute practice throwing, I encourage Diara for accompany because I will buy snacks for us and drinks for the team.


"382 pesos po miss, I received 500 pesos, and here's your 118 pesos change miss. Thank you and come again." Kuda ng cashier. Saludo ako, siguro part timer si girl dahil mukhang estudyante palang sya. Buti nalang at may malapit na convinience store dito sa basketball court dahil malapit ng magsimula ang game.


"Yngrid bilisan natin at baka nagsisimula na," nagmamadaling sabi ni Diara. Alam kong malapit ng magsimula kaya nga nagmadali na kami.


"The game will start at exactly 8:30 pm, coaches please gather all your players," the game announcer said then the music began to play.


"So ang first five natin sa first quarter ay kayo, number 12, 8, 3, 00, 25." Pinal na bigkas ng coach nila kuya, so bali hindi kasali si kuya dahil ang inuna ng coach nila ay pasok sa 5 footer ang height, then their coach began to talk na parang pwet ng manok.


I'm scanning the whole area when someone caught my sight, shit my heart. I bit my lips then force myself not to scanned him. I automatically poke Diara's arm and form my lips like pointing into someone. Then when Diara gets my lip pointing sign, her eyes widen. This bitch, can't she just pretend like nothing is going on?


"Uy, ikaw ha. Kailan kapa naging observer? Bet na bet mo talaga si Isaac 'no? Nako, kung ako sayo ay titigilan ko na ang pagnanasa ko dyan dahil bata pa iyan at ang balita ay repeater iyan ngayon school year," nangungutyang saad nya. This bitch! Napaka judgmental nya, e ano kung mas bata sya? As if may pake ako. Kung sigurong hindi sya repeater ay kabatch ko sya, hays sayang naman. Isaac? Iyon pala ang name nya, pero bakit sabi ni Diara ay hindi nya ito kilala? She's a freaking liar.


"Diara, pakihanap ng pake ko." Walang gana kong sabi sakanya. Napansin kong magsisimula na ang game dahil pinaggigitnaan na ng dalawang teams ang referee na may hawak ng bola, itinaas ng referee ang bola at nang pumito ito ay ito na ang simula ng laro, ng itoss ng isang kalabang player mula sa kanilang team ang bola ay awtomatikong nag agawan na ang magkabilang team.


The first quarter game went well, as usual the crowd are so tense and cheering for their bias team. Habang hindi pa naglalaro si kuya ay nakita kong kausap nya si Amira, ang girlfriend nya. Edi sila na ang sweet, magbe-break din naman sila kaya lubos-lubosin na nila ang pagiging sweet ng isa't isa.


Puno ng sigawan, tulakan, at chismisan ang bawat kumpol ng mga tao dito sa loob ng court. Kanya-kanyang opinyon na hindi naan talaga kailangan. Second quarter palang ay tensyonadong-tensyonado na, 58-64 ang score at anim ang lamang ng team nila kuya. Kung sakanila sasang-ayon ang tadhana ay mananalo sila ngayon at tatanghaling champion ang team nila dahil dalawang players sa kabilang team ang lumabas sa gitna ng laro; yung isa ay kinisig samantalang yung isa graduate or disqualified dahil ang dami ng fouls or violations.


Nang mag time out na, 5 minutes rest then proceed na sa third game at doon na nakasali si kuya. Aaminin kong malaki ang ambag ni kuya dahil advantage sakanya iyong pagiging 6 footer nya kase mabilis syang tumakbo kaya naman minsan ay nakukuha nya ang bola sa kalaban okaya naman ay itatakbo nya ang bola upang makapuntos. Hindi maiiwasan sa larong ito ang sakitan; pang depensa man o pandaraya, minsan ay nahuhuli ng mga referees ang player at bibigyan ng violation na syang ililista ng umpire o game officials.


Minsan ay planado ang laban, kahit alam nilang may nalabag na violation sa rules ang player ay hindi ito papansinin ng referee dahil minsan ay bayad o bias. Sa bawat laro, may iba't ibang personalidad ang bawat manlalaro kaya dapat may paninindigan at determinasyon ka.


Sa loob ng sampong minuto sa thrif quarter, madaming naganap. Violations, subtitutions, time outs, free throwings, at hindi mawawala ang paglalabanan ng dalawang coaches dahil ang ibang players nila ay nanakit at nasaktan and that's how to play a game because a game is a game.


5 minutes rest ulit bago ang final and fourth quarter. Dito sa puntong ito ay kailangang seryosohin ang laro. Mapapansing pito sa labing dalawang players dito sa team ni kuya ang madalas maka-shoot at yung iba ay nakaka three points kaya naman naghahabulan lang ang scores ng dalawang team, kung hindi lalamang ng tatlong puntos ang isang team ay dadagdagan naman ito ng limang puntos ng kabilang team.


97 - 95 ang scores at lamang ng dalawang puntos ang kabilang team, sa susunod na sampong minuto ay focuse na ang lahat sa laro. Nang matapos ang limang minutong pahinga ay agad nang isinalang ng dalawang coaches ang pambato nilang players. Sa limang players na iyon ay kasama si kuya doon at iyong si number 12 dahil sya madalas ang maka three points, sa kabilang team naman ay puro 6 footers ang isinalang dahil may potensyal ang mga ito.


Nang pumito na ang referee ay ito na ang sign na sisimulan na nila ang fourt quarter game at maya-maya pa'y nagsimula nang mag-agawan sa bola. Nakuha ng kalaban ang bola at naishoot ito, additional 2 points para sa kalaban. Nang mapasa ang bola sa team ni kuya ay agad na itinakbo ni kuya ang bola at ipapasa sana nya ang bola ngunit naagaw ito ng kalaban, hindi nagpatalo ang team ni kuya at sa huli naishoot ni number 12 ang bola, three points.


Doon na nagsimula ang tunay na laro, 99 - 98 at isang puntos nalang ang lamang ng kalaban. Hanggang sa nakapuntos na naman ang kalaban, 101 - 98. Nang napatingin ako sa oras nakita ko last 10 seconds na at ang bola ay nasa kalaban, shit kuya kailangan nyong manalo.


"Last 8 seconds." Paalala ng announcer. Shit, fuck, napahawak ako sa inuupuan ko ng mahigpit, pinagpapawisan na din ako kahit hindi naman ako ang naglalaro.


Naagaw ni kuya ang bola at ipinasa ito kay number 12 hanggang sa....


"2....1," pagbibilang ng anouncer.


The crowd shouted! Shoot! Three points!


"Three points!" Mahabang sabi ng announcer.


It's a tie score. 101 - 101.


"Additional 5 minutes for the final and fifth quarter!" Masiglang saad ng announcer at maya-maya pa ay nagsimula na naman ang laro.


At sa huli, team ni kuya ang champion at ang score ay 103 - 105. Umani ng samu't saring reaksyon ang magkabilang panig.



:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon