Chapter 6

41 6 0
                                    

"Great job, love!" Proud na pagkakabigkas ni ate Amira kay kuya.


"Good game!" Sigaw ng coach nina kuya at nagpunyagi sila dahil sila ang champion. Nagpahinga muna sila at saka ininda ang sakit ng katawan dahil sa nangyari sa loob ng court.


Kasali sa mythical five si kuya, naks may medal and trophy din naman. MVP si number 12, gwapo din pero hindi ko bet dahil ayoko ng masyadong batak sa paglalaro ng basketball dahil kung sakaling jowain ko ito, baka sa basketball court kami mag date nito dahil mukhang nakadikit na ang pagkatao nya sa court at bola. Nag-aya ang teammates ni kuya na mag celebrate and to my surprise, kasali kami doon ni Diara at ate Amira dahil supportive daw kami, tsk.


Paniguradong double celebration ito dahil birthday ni kuya sa isang araw, alam ko na ang gusto nyang regalo dahil ito ang madalas nyang sabihin kapag may nagtatanong sakanya kung ano ang gusto nyang regalo, 'chix with empi' wow ang demanding nitong Denver panget na 'to. Hinanap ko si Isaac sa kumpol ng tao na unti-unti nang nagsisialisan dahil tapos na ang laro, pero bigo ako dahil wala akong nakitang Isaac.


Nang makauwi kami ay ang masayang aura ni kuya ang laman ng sasakyan namin, first time nya bang makasali sa mythical five? Bakit ganon nalang ang reaksyon nya? Sabagay, new experience din iyon. Nakita kong nagpalit ng damit si kuya habang nasa loob kami ng sasakyan, buto-buto naman ang katawan tapos kung ibalandra nya samin ay akala mo pang magazine ang body, at ito namang si Amira akala mo taga bundok na ngayon lang nakakita ng hubad na tae---este lalaki.


"Kuya, ano nga palang gusto mong regalo para sa birthday mo?" Tanong ko pero ang mata ko ay nasa bintana ng sasakyan. Ayoko syang purihin ngayon dahil baka mas lalong lumaki ang ulo nito kaya sa mismong birthday nya nalang ko sya pupurihin.


Narinig ko ang tawa nya, iyong tawa na parang may masama syang balak kaya naman itinuon ko ang pansin ko sakanya, nakadamit na sya at nakasandal sya kay Amira, tangina ang korni ng magjowa na ito! Nakakainis bigyan ng atensyon tong dalawa, hayok na hayok sa pansin.

"Condom." Pinal nyang sabi tsaka sya nagpa cute sakin. The fuck? May balak ba syang ipahiya ako sa iba kung sakali mang bumili ako ng condom nya? Nakakahiya sya, ako pa ang papabilhin nya ng condom sya samantalang sya naman ang makikinabang. Hindi kona pinigilan ang sarili ko at sinabunutan ko na sya, lintik na lalaking ito! Sa ganda kong ito, pabibilhin nya lang ng condom nya? So kailangan pati sex life nya may ambag ako?


"Alam mo kuya, tangina ka rin minsan!" Sambit ko, wala akong pake kung kababae kong tao, nagmumura ako. Fuck! Shit! Damn!


"Bobo ka pala, tinanong mo pa ako kung ano gusto kong regalo tapos eto ka't naghihimutok at partida sinabunutan mo pa akong lintik ka," walang gana nyang sermon, tiningnan ko si Amira and guess what? Kunsintidor din tong babae na to eh nakakainis, masyado nyang babyhin si kuya samantalang kayang kaya na ni kuya na bigyan sya ng anak.


Nagdadabog akong lumabas ng sasakyan at dumeretso sa bahay, hindi kona hinintay si tita dahil konti nalang ang pagtitimpi ko kay kuya at bubunutan ko na talaga sya ng bulbol! Nakakainis putangina. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko sina mama at papa sa salas nanonood ng TV, hindi kona sana papansinin pero nakakagigil si kuya


"Ma, iyang anak mong panganay konti nalang chochop chopin ko na! Aba't lintek din, ang gusto nyang iregalo ko ay condom? Nakakahiya sya!" Walang hinga-hinga kong sumbong. Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil pumunta na ako sa kwarto, argh nakakainis! Hindi ko na nga nasilayan pa si Isaac dahil masyado akong nag focus sa laro ni kuya tapos babanatan ako ni kuya ng gusto nyang regalo ay condom? Fuck sya!


Chineck ko ang phone ko kung meron na bang reply sakin si Theo or baka tumawag sya sakin pero wala, walang kwenta itong phone ko. Naiinis parin ako kaya naman uminom nalang ako ng tubig then chinarge ko na itong phone ko. Nag half bath ako then ginawa ko na ang routine ko, frustrated man ay pinipilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka matriggered face ko at mag break-outs ako.


Ihahanda ko nalang ang susuotin ko sa celebration nila kuya dahil sa pagkapanalo nila at alam kong itatapat nila iyon sa birthday ni kuya para sina mama iyong gumastos ng handa at pulutan nila, napaka utak din nila dahil alam ko pagkatapos ng selebrasyon na iyon ay kinabukasan ako ang maghuhugas ng mga hugasin, fuck! Kailangan kong mag relax, masyado akong stress lately kase ewan trip ko lang.


Lumabas ako sa kwarto para sana puntahan sina mama sa kwarto pero may narinig ako


"Tangina naman oh, bwisit na buhay to! Wala ka na ngang silbi tapos pipigilan mo pa ako sa gusto ko?" Nanggagalaiting sabi ng isang tinig


Lumagpak ang luha ko dahil alam ko, sa oras na ito may problema. Kaya pala hindi sila sumipot para isupport si kuya dahil ito sila at abala. Tumalikod na ako at umalis, akmang papasok na sana ako sa aking kwarto ng may yumakap sa'kin.


"Kuya, okay p-pa ba...tayo?" Humihikbi kong tanong kay kuya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, gusto ko lang magmukmok at magdrama.


"Shhh, away mag-asawa lang iyon Rid. Wag mong dibdibin dahil wala ka naman noon," nagbibiro nyang sabi pero hindi ako nadaan doon. Inalis ko ang pagkakayakap nya sakin at tumingin sakanya.


"Oo nga kuya, away mag-asawa iyon at maya-maya ay mag lalabingan na sila," pilit akong ngumiti at tinalikuran sya.



:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon