Chapter 16

28 5 0
                                    


"Yngrid ano na ba? Ang tagal mo, wag kang paimportante!" Sigaw na tanong ni kuya sa labas ng pintuan ko. Nagmamadali akong nag pabango, nagsuklay habang sinusuot ang sandals ko. Eto namang si kuya pine-pressure ako kaya mas lalo akong bumabagal!



"Wait lang kase! Patapos na, ano ba yan nakakainis akala mo naman.." Nag tatarning kong katwiran at saka binuksan ang pinto, nakita ko syang inip na pasulyap sulyap sa relo nya habang nakasandal sa pader. Wow, feeling gwapo.



"Tara na! Ikaw naman itong makupad! Nakakainis, kung pagmadaliin ako akala mo naman sasabak sa trojan war!" Nanggagalaiti kong sabi habang nag dadabog na lumalakad.



"Diara aalis na tayo, wag ka ng magdala ng pera kase ililibre tayo ni kuya." Sabi ko habang dire-diretsong lumabas ng bahay. Hindi namin gagamitin ang van dahil masyadong malaki ang space na makukuha kapag nag park malapit sa court kaya naman nag arkila nalang kami ng tricycle at ayon, late na kami dahil nagsisimula na ang laro. Siguro ay 5 minutes nalang ay matatapos na ang first quarter. Tanaw ko si Jazzer sa loob ng court, ang galing nya!



Nakita ko kung paano nya habulin at makuha ang bola sa kalaban then dribbled it with matching ikot then dribbled again at ang astig dahil pagtalbog ng bola ay dali dali syang tumalon ng mataas para ishoot ang bola at sinabayan din ng talon ng kalaban si Jazzer at sa kasamaang palad ay matumba ang kalaban dahil sa malakas na impact ng pagkakasalpok nya kay Jazzer at biglang nagsigawan ang mga manonood. Nai-shoot naman ang bola ni Jazzer at nakapag dunk pa sya dahil siguro napalakas ang talon nya. Ang sabi ng iba ay foul daw iyon pero tumalima ang referee at sumenyas gamit ang kamay, hindi ko alam kung anong meaning ng senyas na iyon pero ang alam ko ay nasaktan iyong isang player mula sa kabilang team at alam kong nasaktan din doon sa nangyari si Jazzer.



Nang makalapit kami sa team bench area ay narinig kong nanghingi ng time out ang coach ng kabilang team dahil siguro ay kakamustahin nila ang teammate nila na nasaktan at sigurado akong hihingi ng pahintulot sa game officials para sa subtitution.



Binati kami ng mga kateam ni kuya kaya naman binati namin sila pabalik. Lumayo ako ng kaunti para tingnan kung sino ang kateam nila Jazzer at Isaac ng may tumawag sakin.



"Yngrid!" Hinihingal pero may galak sa boses ni Jazzer kaya naman nilingon ko sya at ngumiti.



"Hi! Nice game, nakita ko kanina yung astig mong pag shoot and dunk. Ayos ka lang ba?" Nakita ko din kasing sumalpok ang ulo noong kalaban sa baba ni Jazzer kaya naman tiningnan ko ang mukha nya at walang paalam na pinisil ang baba nya kaya naman napa aray sya.



"Aray naman! Sadista ka pala, Yngrid.." Kunwaring tampo nya. Sus, akala nya susuyuin ko sya.



"Para hindi mo sabihin sakin na okay ka lang kahit ang totoo ay hindi kaya naman pinisil ko na ang masakit sayo kase nakita kong tumama ang ulo nya sa baba mo." Katwiran ko.



Nakita kong ngisi nya at naloko na, "Masakit din itong nasa baba ko, pisilin mo din Yngrid." Sabi nya atsaka tumingin sa baba nya doon sa private part nya kaya naman lumabas ang kabrutalan ko.



Kinurot ko sya ng maliit sa braso kaya naman nasinghap sya at hindi magkanda ugaga kung sisigaw ba o titiisin nga kaya naman nakarinig ako ng tawa sa gilid. Nilingon ko ito at nakita kong sina Alex iyon. Nahiya ako kaya iniwan ko si Jazzer at lumapit kina ate Amira at Diara. Maya-maya pa'y nag simula na ulit ang laro kaya naman nag focus na kami. Hindi ko nakita si Isaac kanina, siguro ay hindi sya maglalaro ngayon o baka naman may pinuntahan lang.



The first quarter game went well, lamang ng apat na puntos sina jazzer. Nang tumunog ang buzzer, sign iyon na tapos na ang first quarter at may 5 minutes silang rest para sa second quarter. Nakita kong pawisan at hinihingal ang limang players kasama si Jazzer, binigyan sila ng coach nila ng gatorade at nilagay nya ang isang jug doon sa maliit na lamesa at sa katabi noon ay ang plastik na disposable na baso.



Nilibot ko ang mga mata ko and voila! Si Isaac! Nanlaki ang mga mata ko dahil may kausap syang maputing babae, makinis ang balat at nakasuot ng spaghetti strap dress na checkered. Nakita ko kung paano namula iyong babae dahil sa kaputian nya, si Isaac naman ay nagkibit balikat ay nakita kong gumagalaw ang pisngi nya na parang may sinasabi doon sa babae. Nakakairita iyong view na ganon, naiinis kong binuksan ang mogu-mogu na dala namin at ininom at nginuya ang nata. Nakakabwisit, sya itong nag invite sakin na manood ng laro nya tapos iba naman pala ang ieentertain nya. Dahil sa kabwisitan na nararamdaman ko ay inis akong tumayo kaya naman napatingin sakin si Alex dahil katabi ko sya sa upuan.



"Oh, Yngrid saan ka pupunta at ganyan ang itsura mo?" Taka nyang tanong, hindi ko sinagot ang tanong nya bagkus ginatungan ko pa iyon ng isa pang tanong.



"Kuya Alex, nasaan ang papuntang cr dito?" I asked then his finger pointed the direction.



"Ate Amira, tita Diara samahan nyo ko magccr lang ako." At sumunod naman sila.



Shit, yung direksyon papunta sa public CR dito sa court ay ang direksyon kung saan nandoon sina Isaac at iyong babaeng labanos.



Napipilitan pang kalmahin ang sarili ko ay mabilis akong naglakad kahit na alam kong kasama ko sina Amira at Diara. Diretso ang tingin ko kina Isaac at hindi ko alam kung saan nagmumula itong pagkabwisit ko, kuyom ang palad kong sinadyang banggain iyong babaeng kausap ni Isaac kaya naman muntik na itong ma out of balance pero ang kupal na si Isaac ay biglang inalalayan itong si labanos kaya ang ending, hindi successful ang planong pag bangga kay labanos.



Tiningnan ko lang sila at alam kong wala ng kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ko, bored kong ineksamin si labanos na nagpapabebe kay Isaac. Kung kusa lang nagsasalita itong utak ko, mapapasabi nalang ako ng 'tangina ka'.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon