Chapter 20

24 5 0
                                    

"Anak, may bisita ka nga pala doon sa may salas." Inform ni mama pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ko at saktong nakasalubong ako ni mama.



"Sino namang iyong bwisita ko? Wow, may pagkain bang dala?" Amaze kong tanong pero inalog ako ni mama. Wow, ano ako alikansya?



"Lalaki, ang alam ko ay tropa din ito kuya mo dahil may dala syang bolang pang basketball kaya nagtaka ako dahil ikaw ang hanap." Chismis nya sakin kaya naman pumasok ulit ako sa kwarto at nagpabango then chineck ang sarili kung may muta ba or panis na laway.



Pagkapunta ko sa salas ay nakita ko si Jazzer, ang porma nya paring tingnan kahit na naka white t-shirt and grey sweat shorts lang sya tapos may dalang bola at pota, naka tsinelas lang pero parang napaka astig na nya! Nakita nya ako kaya naman tumayo sya then voila! Bumakat yung ano, wow pinagpala ng lubos.



"Eyes up, Yngrid!" Sabi nya at tumawa. Ih, nakakahiya. Nakasuot lang ako ng oversize shirt na may print na dragon para astig tapos nakashorts lang kase nandito lang naman sa bahay atsaka diko inaasahan na may bisita ako.



"Witwiw, kinis ng legs ah," manyak din pala 'to, e. Pinitik ko ang noo nya.



"Wait moko mga 30 minutes, bibihis lang ako, ayos ba?" Sabi ko habang nag thumbs up pa ako kaya naman tumaas baba ang kilay nyang may guhit sa kaliwa, astig!



Mabilis akong nagpalit ng shorts at kinuha ko iyon sweat pants ko na kulay black tapos may linings na kulay red. Nag-ayos ako ng buhok, high ponytail to be exact then I brush my teeth once again then and nagperfume ulit. Okay nato, maglalaro lang naman kami.



"Hi," bati ko ulit kay Jazzer habang busy sya sa phone nya. Sana all may kachat. Mabilis nyang pinindot ng home then turned off his phone, akala mo naman makiki-chika.



"Ayos ha! Ang agenda ko ay tuturuan lang kitang mag basketball pero sige, dahil ang attractive mo ngayon ay idedate nalang kita!" Tangenang to, balak pa yata akong patusin. Binatukan ko sya kaya napa aray sya.



"Gago! Ang sabi ko ay turuan mo lang akong mag basketball, hindi iyong makipag date sakin." Taray ko kaya naman umayos na sya.



"Asa ka namang seseryosohin ko iyon, may girlfriend na ako okay? Almost 8 months na nga kami." Sana all ulit.



Nang makarating na kami doon sa pinagpapractice-an nilang court, aba! Exclusive yata ito dahil sa loob pala ito ng subdivision dito sa bayan. Parang kakapintura lang ng sahig sa sobranh kinis at linis, sana all makinis. Ipinatong ko ang sports bag na dinengkwat ko sa kwarto ni kuya at nilagyan ng gamit ko like, towel, extra shirt, perfume, suklay, then sunscreen. Hindi kona sinama iyong phone ko dahil mabilis iyong malowbatt.



"So first kailangan alam ko kung paano humawak ng bola at pano ito idribble.." Explain nya pa with matching acting then ang pogi nya! Sarap nyang kagatin.



"Like this, watch me." Then he professionally dribble the ball then pa crisscross dribble ata iyon sa likod nya then pinalabas nya yung bola sa pagitan ng nakabukas nyang mga hita then gewang gewang  habang dinidribble ang bola and ng malapit na sya doon sa may curve na linya ay shinoot nya ito, that means three points iyon kung hindi lang ito practice ay sadyang sisigaw ako sa sobrang pagka amaze. Pumalakpak ako ng parang tanga.



"Ang galing naman! Parang ayoko na tuloy magpaturo, panonoorin nalang kitang mag laro!" Kaya napatawa sya.



"Bilib kana?" At saka ako tumango. Lumapit ako sakanya at ihahagis kona sana ang bola sakanya pero may kumuha nong bola sa kamay ko.



"Ang basic lang noong pinakita nya pero bumilib kana? Pano pa kaya kapag ito ang nakita mo," nagmamayabang na saad ni Isaac kaya naman hinayaan ko syang magpa-bida.



Drinibble nya iyong bola at tumakbo sya, hinabol sya ni Jazzer at nag eenjoy na akong panoorin kung paano matatalo ni Jazzer si Isaac nang kukunin na sana ni jazzer iyong bola kay Isaac ay biglang umikot patalikod si Isaac at hindi nakuha ang bola sakanya kaya naman pinatalbog nya iyong bola ng malakas at hinagis sa ring pero tumama iyon sa board kaya bumalik iyong bola sa pinang-galingang direksyon, akala ko ay hindi na maii-shoot ni Isaac iyon pero mabilis syang tumakbo at tumalon then nakuha nya ang bola sabay dunk sa ring and shoot! Then lumagapak sya at akala ko ay nag iinarte lang sya pero nagpanic si Jazzer kaya pinuntahan ko agad si Isaac then ika-ika syang naglakad habang inaalalayan sya ni Jazzer.



"Yan, pabida pa more. Katangahan iyan, Isaac pero bilib ako dahil naishoot mo parin iyong bola pero ang kapalit noon ay ang bali mong paa." Sermon ko. Bakit ba ako concern? Kasalanan naman nya iyon.



"Venus, ang sakit dito oh," turo nya sa paa nya, feeling ko na dislocate ito dahil natapilok iyong paa nya pagkabagsak nya sa ground. Ganito iyong nangyari kay kuya kaya naman umupo ako sa tabi nya at walang pasabing binuhat ang isa nyang paa at inapply ang RICE method, naks may natutunan din naman kasi tapos tamang harot lang ganon.



"Jazzer, bili ka naman ng yelo sa tindahan oh. Baka kase kapag hindi ka nakabili ay tuluyan ng maputol itong paa ng pinsan mo." Panakot ko kaya naman talima nya akong sinunod. Nang makaalis na sya, tiningnan ko ang paa ni Isaac, hays di 'ko alam kung anong sign kung nadislocate ba ang paa nya or what.


"M-masakit pa ba? Bakit ka naman kasi nagpabida ng ganoon?" Sermon ko. Nagulat ako ng alisin nya ang paa nya sa mga hita ko at saka lumapit sakin.



"It's just a prank. Pinaalis ko lang si Jazzer para masolo kita. Nagseselos ako, my venus." Punyeta! Naprank ako doon ah? Pero potares sya! Nag-aalala ako tapos ganon ganon nalang?



"Hoy Isaac! Kupal ka talaga! Alam mo bang kinabahan ako dahil akala ko ay pupunta na naman ako sa hostpital para ipasemento iyang paa mo?" Asar kong sabi kaya naman kinuha nya ang kamay ko at hinalikan naman nya ang likod ng palad ko. Nakakadalawa na to!



"Sorry na, prank lang naman. Please? My venus, sorry na. Tara libre kita ng lomi." Sabi nya, nauto ako doon ha? Hindi na namin hinintay si Jazzer dahil itinext na sya ni Isaac.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon