Chapter 32

21 5 0
                                    

As usual, I went to school that I have a swollen eyes. I quietly step my feet on the long staircase and sadly open the door of my designated classroom. Late ako at nadatnan ko si Sir na nagkaklase, himala iyon pero wala ako sa mood para puriin sya.



"Miss Yngrid, you're 13 minutes late. I'll give a de--" sumabat agad ako sa sasabihin ni Sir.



"Sir...please? Not now." Sabi ko kaya naman tumahimik sya, umupo ako sa upuan ko.



"Are you okay, Yng?" Rexy ask me with a concern tone coming from her. I just nodded.



"Please, dont ask me anymore. I am not in the mood to have chika." Iyon nalang ang sinabi ko at hinintay na matapos ang klase ko ngayong araw.



Tulala lang akong nakatingin sa bukas na binta dito sa classroom. Puta naman, hanggang kailan ba itong sakit na nararamdaman ko? Bakit hindi man lang maibsan kahit konti iyong sakit? Imbis na kumonti iyong sakit, mas lalong nadadagdagan. Dali-dali kong pinalis iyong mga lintik kong luha. Putcha naman, dehydrated ang cause of death ko pag nagkataon.



Nang matapos ang huli naming klase, dumiretso ako goldilocks at bumili ng cake. Pupuntahan ko si Isaac sa bahay nila para icelebrate iyong game nya, babawi na din ako sa nangyari kahapon.



"Hi, good afternoon maam. Welcome to goldilocks!" Masayang bati ni manong guard pero imbis na sumaya ako dahil sa masayang welcome nya sakin ay mas lalo akong nalungkot at naiyak. Puta naman, Yngrid!



"What kind of cake do you want to have, maam?" Kaya naman mas lalo akong napaiyak, puta kung mavivideohan man ako ay paniguradong viral ako!



"A-a cake...for a s-small c-cele..bration.." Napaiyak na ako kaya naman inalo ako ni ate habang inaayos iyong napili kong cake.



"Maam, tahan na po." Pag-aalo nya sakin.



Kinalma ko ang sarili ko at nang pwede ng iclaim iyong cake, agad ko itong binayaran at kinuha.



"Thank you po," sabi ko kaya naman ngumiti si ate.



"Enjoy your celebration, maam! Be happy." Sabi noong guard kaya naman nagpaalam din ako sakanya.



Pumara ako ng sasakyan at habang nasa byahe ako, inayos ko ang sarili ko. Kinalma ko ang paghinga ko at sininga ang naipon kong sipon gamit ang panyong dala ko. Itinahan ko ang sarili ko sa pag iyak.



"Manong, dito nalag po." Kaya naman tumigil ang sasakyan at bumaba ako tapos nag bayad. Umalis na agad iyong driver.



Inilibot ko ang paningin ko sa compound ng Viaros. Ang gaganda ng mga bahay nila, buhay na buhay iyong mga kulay ng pintura sa bahay nila. Lumakad ako at kumatok sa pinto ng bahay nila Isaac.



Wala siyang pasok ngayon kase pinagpahinga sila ng coach nila. Bumukas iyong pinto at bumungad sakin ang mamang ni Isaac.



"Hija! Grabe na miss kita dito sa bahay!" Masiglang bati ni tita pero napansin nya atang namamaga iyong mga mata ko, pinapasok nya ako at binigyan ng malamig na tubig.



"Tita, si Isaac po?" Magalang kong tanong kaya naman sumagot sya agad.



"Ay, ayon nasa kwarto at nagkukulong. Badtrip daw sya." Tumawa pa sya para gumaan iyong aura pero walang nangyari.



"Tita, tulong naman po. Prepare po natin itong cake na binili ko para sana icelebrate iyong game ni Isaac kahapon." Sabi ko kaya naman tinulungan nya ako.



"Thank you po," magalang kong sabi.



"Osya, puntahan mo na iyong anak ko at pasayahin mo na." Kaya naman umakyat na ako sa pangalawang palapag at tumungo sa harap ng pinto ng kwarto ni Isaac.



Kumatok ako ng tatlong beses, "Isaac?" Tawag ko. Pinihit ko ang door knob at hindi iyon naka lock, pumasok na ako at hinawakan ng mahigpit itong cake.



Nakita ko syang nakadapa sa kama nya at naka tabon ang ulo sa unan. "Isaac, kausapin mo naman ako, oh," malungkot kong sabi at bumangon sya sa pagkakahiga.



Boring iyong ekspresyon ng mukha nya, "Anong ginagawa mo dito? Hindi dito ang bahay ni Jazzer, Yngrid." Shit.



"I-ikaw ang ipinunta ko dito. Tara, celebrate natin iyong game mo. May dala akong cake." Pilit kong pinapasaya ang boses ko habang inaaya sya. Inilapag ko muna iyong cake doon sa study table nya at nilapitan sya.



"Icelebrate? Tanginang iyan, naglaro lang naman ako at nag-enjoy kaya nakapag celebrate na rin ako." Mapait akong ngumiti at hinawakan iyong kamay nya, hinayaan nya lang ako pero parang wala syang pake na nandito ako.



"Sorry.... Isaac mag papaliwanag ako, okay?" Itutuloy kona sana ang sasabihin ko para magpaliwanag pero naunahan na nya ako.



"As if I care? Sino kaba? Ni hindi nga kita girlfriend kaya bakit ka magpapaliwanag? Ano kaba sa buhay ko?"



"Isaac, gusto kita!" Sigaw ko dahil ang sakit na talaga, sino daw ako? Tangina ang sakit naman.



"Pake ko? Obligasyon ko pa ba iyang pagkagusto mo sakin?" Inalis nya iyong pagkakahawak ko sa kamay nya. Nanghihina ako.



"Isaac naman, please wag kang ganito. Ang sakit kase, diba gusto mo din ako?"



"Bobo mo naman kung ganon.." Kaya naman nagtaka ako sa paraan ng pagsasalita nya.



"Tangina, akala mo ikaw lang pwedeng maglaro? Ipapaalala ko lang na kaya ko ring maglaro, dahil doon ako magaling. Laro-laro lang iyong mga pinapakita ko sayo, Yngrid." T-totoo? Tangina!



"Ang sakit mo namang mag salita, Isaac!" Nagsisigawan na kami at bigla syang tumayo at binangga ako.



"Sinakyan ko lang iyong acting mo. Sa tingin mo ba ay papatol ako sayo?"
Makahulugan nyang sabi kaya naman tumulo iyong hula ko.



"A-anong ibig mong..sabihin?" Hirap na akong magsalita.



"It's just part of the game, it is just a dare!" Sagot nya, ako rin naman dinare ako pero hindi ko iyon sineryoso.



"E tanginamo ka naman pala e! Gusto kita tapos ganyan ka naman pala! Ang sama ng ugali mo.."



"Ako pa iyong masama ang ugali? E sino kaya iyong malandi na kahit yong pinsan ko pinatos mo?!" Sigaw nya kaya naman sinampal ko sya.



"Malandi? E tangina ka naman pala, pinili kita kase gusto kita tapos eto ka at sa mismong bibig mo pa manggagaling iyong salitang malandi ako?" Napatawa ako.



Bigla nalang nyang sinuntok iyong salamin nya at naman napatalon ako dahil katabi ko lang iyong salamin nya. Mas mapalakas ang pag-iyak ko. Umiiyak na rin sya pero tangina ang sakit naman nyang magsalita.



Kinuha nya iyong cake at hinagis nya lang, "Tanginang cake mo na iyan, ang cheap." Binuksan nya iyong pinto at hinila ako palabas.



"Umalis kana dito, bakit nagpapasok si mama ng malanding haliparot dito?" Pagpaparinig nya kaya naman tinggap ko lang kahit na sobra na yung sakit.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now