Chapter 14

29 5 0
                                    

"Hi papa! Kamusta ka dyan? Wow, parang bumabata looks natin ah?" Energetic kong tanong sakanya. Nakakamiss si papa, hays bakit naman kase kung kailan matanda na sya ay doon pa nya naisipang magliwaliw?



"Eto anak nag-eenjoy ako dito. Sayang at hindi ko kayo kasama, nakakamiss din naman pala kayo," natatawa nyang sagot. Wow, feeling bagets.



"Wait lang papa, pupuntahan ko sina mama at kuya. Nako pa, sinasabi ko sayo ha? Wag kang mangangabit dyan," seryoso kong paalala. Last time kase, nag-away sila ni mama tungkol doon sa first love ni papa, si Millet...sarap nong pagkain, omelet...kidding aside, I went to our salas to inform mama at kuya that papa is over the phone, video call to be exact.



"Mama, kuya! Si papa nagfifeeling bagets!" Sigaw ko habang tumawa kaya naman nakita ko si papa na sinamaan ako ng tingin. As if masisindak nya ako?



"Hi pa, oh ano nag-enjoy kana dyan..." Bati ni kuya then kinuha sakin ang phone ko para itutok ang makapal nyang mukha sa camera ng phone ko.



Iniwan ko muna sila doon dahil nakausap ko na naman si papa. Pinuntahan ko si Diara sa kanyang kwarto pero kumatok muna ako bago binuksan ang pintuan ng kwarto nya. Nakita kong nag cecellphone sya kaya naman tinabihan ko sya. Maganda at malawak ang kwarto ni Diara, ang ganda ng pastel color theme ng pintura sa buong kwarto at may malaking salamin din sya na naka stand sa pader. Nakabukas ang mga binta at wala iyong kurtina. May sarili syang flatscreen TV na siguro ay mga 45 inches ang lapad. Mamayang gabi ay aayain ko syang mag movie marathon at ang papanoorin namin ay sakin manggagaling, I smirked because the naughty movies flash through my pretty mind.



"Diara, anong ginagawa mo sa phone mo? Pa-chika naman ako!" Sabi ko at nakichika. Wow, may kausap sya through her IG account.



"Ay nga pala, kinulit na naman ako ni Jazzer tungkol doon sa last request nya. Gawin mo na kasi para matigil na sya at tigilan na nya din ako. Napaka kulit ng batang iyon." May inis na sabi ni Diara.



"Sige mamaya, na kina kuya pa ang phone ko kase nagvivideo call sila ni papa." Mahinahon kong pag-iinform sakanya. Two weeks from now ay pasukan na, as usual hindi ako excited dahil bago pa man magsimula ang klase ay nareview kona ang lahat ng lessons namin from first up to last semester. Hindi ako matalino pero alam ko sa sarili ko na minsan ay may natututunan din naman, depende lang iyon sa mood ko.



"Edi college kana nyan sa pasukan, D?" Usisa ko. Shems mas excited pa akong mag college kesa pumasok bilang high school.



"Oo, kaya hayaan mo at may ipapakilala din ako sayong boyfriend ko. Impaktang to, alam mo bang nakakaoffend iyong tanong mo last time?" Naiinis nya sabi sakin habang nakatutok ang mata nya sa cellphone nya. I rolled my eyes then release some bad breathe.



"Nag sasabi ako ng totoo. Para ka kayang tuyong damo, kung may gutom mang kabayo o baka na madadaanan ka ay baka lagpasan ka lang," natatawa ko sabi.



"Etchosera ka! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Sabi nya kaya naman sinabi ko na ang agenda ko.



"Movie marathon tayo mamayang 9 PM, please? Bonding time," pagpapa-cute ko kaya naman sumang-ayon na sya para hindi kona daw sya kulitin. Nagpaalam na ako at umalis sa kwarto nya, siguro ay tapos na silang mag-usap kaya naman kuluhanin ko na ang phone ko dahil kilala ko si mama, parang detective din iyan at hindi alam ang privacy.



"Ano? Tapos na kayo? Akin na ang cellphone ko." sabi ko habang patungo sakanila.



"Iyang cp mo walang kwenta. Aba nag-uusap pa kami ni papa ay biglang nag shut down, itapon mo na yan," sabi ni kuya at binato sakin ang phone ko. Pota! Buti nalang nasalo ko dahil kung hindi ay kakatakan ako ni mama na hindi marunong mag-alaga ng gamit.



"Hoy kuya, konti nalang masasabunutan na kita. Kung ihagis mo itong cellphone ko akala mo ay ikaw ang bumili." Mataray ko sermon sakanya at ang ogag nag 'nyenye' face lang.



Pumasok na ako sa kwarto at chinarge ang cellphone ko. Dahil bored ako, binuhay ko ang phone ko at ginamit ko ng nakacharge. Habang nag sscroll ako at minsan ay natatawa sa mga memes, biglang nag appear sa screen ng phone ko ang pangalan ni Theoddore.



For the first freaking time ay naisipan nyang tumawag sakin ng hindi nag papaalam. Well, I deactivated my account kaya naman excuse accepted.



Sinagot ko ang tawag at nagkunwaring bored ang boses pero partida, sabik na sabik ako!



"Yngrid, spea---" hindi kona natapos ang phone call line ko dahil narinig ko ang pagiistrum ng gitara at maya-maya pa ay kumanta na sya. Ang cool ng boses nya, ang astig pakinggan. Klwkn yung kinakanta if I am not mistaken. Shit, feel na feel nya ang bawat lyrics.



Napahawak ako sa labi ko at pinisil pisil ito. Shit na malagkit, kinikilig ako! Mahina kong ipinadyak ang mga paa ko at parang baliw na nagpipigil ng irit.



"Hey, kamusta kana babi? Namiss kita. Sorry if nawalan ako ng time sayo, alam mo naman diba na may basketball league akong sinalihan ngayon hindi ba?" Pag-eexplain nya. Hindi ako marupok kaya naman sinagot ko agad nya.



"Ahm, okay lang. Busy din naman kasi ako dahil nanonood din ako ng basketball game." Pasmado 'tong bibig ko. Ang nasa isip ko ay ang dapat kong isasagot ay 'okay' lang pero trinaydor ako.



"Really? So para palang pinapanood mo na din pala ako. Nakakakilig naman..." Bakla nyang sabi. Cringe.



"Wag mong pababayaan ang sarili mo, okay? Kapag may practice or game kayo ay lagi kang magdala ng towel at extra shirt para hindi ka matuyuan ng pawis." Maharot kong paalala. Bakit kasi hanggang ngayon ay sabik na sabik parin akong kausap sya marinig iyong boses nya?



Bumawi sya sakin sa paraang alam nya, kumanta sya ng kumanta habang nag gigitara. Kaya naman umabot kami ng mahigit apat na oras na magkatawagan, paniguradong ubos ang load nya kaya naman nag paalam na muna sya at tatawag nalang daw sya kapag may free time sya.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now