Chapter 11

40 5 0
                                    

Alas dos palang ng umaga ay ginising na ako ni mama dahil ngayong araw na ito ang flight ni papa papuntang Macau. Bangag parin ako dahil parang umidlip lang ako dahil 12:40 am na ako nakapag decide na matulog kaya eto ako ngayon, hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos o iiyak ako dahil aalis na si papa. Noong isang araw, napansin kong medyo ayos na sila kaya naman okay na sakin na umalis si papa para naman makapag saya sya.



Bangag akong umupo sa sofa at ipinikit ko ang aking mata habang hinihintay silang matapos mag-ayos ng mga kailangang dalhin. Nakasuot lang ako ng pastel green na hoodie then black na leggings at naka tsinelas dahil sadyang badtrip ako dahil babahagya palang akong nakakatulog ay ginising naman ako ni mama.



Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at naamoy ko ang bench na pabango nito kaya matik si kuya iyon. Ang likot nya tangina!



"Kuya, please wag kang malikot." Utos ko habang nakapikit parin.



"Sungit mo, hindi nakakaganda yan Yngrid." Sabi nya at maya-maya bigla nyang nitakpan ng kamay nya ang ilong ko kaya naman nag panic ako! Punyeta!



Dali-dali kong tinggal ang kamay nya sa mukha ko at sinuntok sya.



"Potares ka kuya! Ang baho ng utot mong kulugo ka! Aaargh mama si kuya! Pinaamoy nya sakin yung utot nya! Mama, nasu-suffocate na ako, mama! Amoy imburnal!" Naiiyak kong sigaw habang nagsusumbong kay mama at si kuya naman ay halos mamatay na sa kakatawa nya. Wow, happiness na nya yon? Yung ikulong nya sa kamay nya ang utot nya at ipalanghap sakin lahat? Masaya na sya don?



"Hoy Denver ang tanda mo na pero kung umasta ka ay para kang kinulang sa utak," sabi ni mama. Bakit ganon lang? Pota pano nalang kung iyong utot nya ang cause of death ko? Kung sakali mong mamatay ako sa utot nya ay ang gusto kong kabaong ay iyong katulad ng kabaong ni snow white, iyong clear na glass? Shems tapos mala sleeping beauty ako non habang nakikinig iyong kaluluwa ko sa bawat eulogy nila.



Pinalagpas ko na ang ginawa sakin ni kuya dahil wala talaga akong energy ngayon para makipag wrestling sakanya. Nang mag alas tres na ay bumyahe na kami papunta sa airport at syempre, dinaanan muna namin si ate Amira sa bahay nila dahil malandi ang kuya ko.
Habang nasa loob kami ng van, nakita ko si ate Diara na naglalagay ng collagen mask sa kanyang mukha kaya naman nakigaya ako sakanya. Kumuha ako sa skincare pouch ko ng watermelon face mask at nilagay ito sa maganda kong mukha, at pagkatapos ay itinutok ko ang aircon sa aking tapat para may cooling sensation sa pakiramdam. Inabutan naman ako ni mama ng sandwich kaya naman nilantakan ko agad ito at humingi ulit ng isa pa dahil egg sandwich pala ito.



Nilingon ko sina kuya at shems, sana all. Nakita kong akbay si kuya sa balikat ni ate Amira at ang ulo naman ni ate Amira ay nasa balikat ni kuya habang nanonood ng netflix sa phone ni kuya. Yuck, kadiri sila. Hindi ko masabing PDA iyon dahil personal namang samin itong van at legal naman sila both sides kaya imbis na maging bitter ako ay kinalma ko ang sarili ko dahil nagbi-beauty rest ako, atsaka magbe-break din naman sila kaya lubusin na nila.



Ipinikit ko ulit ang aking mata. When I was in a middle of my imagination, Diara is poking me and said something to make my full attention awakened. My pretty eyes widen then my lips parted.



"Yngrid, Isaac DMed me on my IG then he said that follow him back and accept his friend request as well as Jazzer." Sabi nya na parang pabulong.


"What do you mean? Ako? They followed me and sent a friend request on my social media accounts?" Hindi ko gets na sabi nya. Kaya naman sunod-sunod syang tumango at ngumiti ng para bang may alam sya.



"Ikaw ha, napapansin kong parang malapit kayo noong magpinsang Viaros huh? Alam mo bang may tito sila sa team ng kuya mo? Iyong si number 12?" She informed. Pake ko? Nung last akong nanood ng game ni Isaac ay napahiya ako dahil sya lang nakapagpasigaw sakin ng malakas sa loob ng basketball court.



I fished my phone on my mini bag then open my data, buti nalang nagload ako kahapon dahil nanood ako porn. I opened my accounts then it's really true! They freaking followed me then put their names on my friend request lists. Dahil maganda ako, I ignored their request and I did'nt said to Diara that I did'nt followed them back and confirmed their friend request.



I turned off my phone kase walang kwenta ang battery nitong phone ko, aba 40% nalang samantalang fully charged na noong bago ako matulog.



"Pa, matagal pa ba tayo? Nasaan na ba tayo?" Bagot kong sagot. Ang sakit na kase ng pwet ko.



"Malapit na, siguro 30 minutes nasa Airport na tayo." Sabi nya.



Naisipan kong tawagan si Laikyn, iyong bestfriend ko na walang ambag sakin pero kahit wala iyong ambag mahalaga sakin si Laikyn dahil parang mas anak pa sya ni papa sa sobrang close nila. Kung dati ay shiniship ko lang sila ni kuya dahil ang sarap nyang asarin! Bigla nalang syang tatahimik tapos seseryoso na iyong mukha nya and ang matindi, bigla nalang syang iinom ng tubig kaya naman habang umiinom sya ng tubig ay patatawanin ko sya at ang marupok! Bigla nalang tatawa kaya minsan sa mukha kong maganda ang sabog ng tubig na iniinom nya mula sa bibig nya. Minsan ay kapag nati-tyempohan namin si kuya, bigla ko nalang tatawagin si kuya at sasabihin crush na crush sya ni Laikyn at partida, kaya mahal ko si kuya minsan dahil sasakyan nya ang trip ko at bigla nalang ngingitian ni kuya si kyn-kyn habang tumataas-baba ang kilay ni kuya. Kaya itong si Laikyn ay magiging seryoso na naman kaya panay ang tawa namin ni kuya.

:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now