Chapter 27

22 5 0
                                    

"Hello, babi?" Nabalik ako sa sarili sa tinig na iyon at umayos.



"Yes," sabi ko kay Theo. Nakauniform parin ako dahil half day lang kami ngayon.



"Nandito na ako sa cafe books doon sa tapat ng milktea shop." Inform nya kaya naman paglabas na pagkalabas ko sa gate ng school ay pumara na ako ng tricycle at inarkila.



"Manong doon po tayo sa Cafe Books," sabi ko kay manong habang umaandar na iyong sasakyan.



"Sige, on the way na ako. Umorder ka na muna dahil mga 20 minutes pa bago ako makarating." Sabi ko kay Theo kaya naman nagpaalam muna ako sakanya.



Buti nalang at dala ko iyong bola dahil dinala ko na ito papasok kaninang umaga. Naka paper bag lang ito at hindi na ako nag effort na balutin. Tumigil ang sasakyan kaya naman agad akong bumaba at nag bayad.



"Salamat po!" Masigla kong sabi at umalis na. Inayos ko muna iyong sarili ko bago pumasok sa Cafe. Pag bukas ko noong pinto ay tumunog iyon kaya napatingin ang iba sa direksyon ko.



Luminga-linga ako. Nasan na kaya iyon? Shit hindi ko pa naman natanong kung ano iyong suot nya para may palatandaan ako! Dumiretso ako sa counter at umorder.
Habang naghahanap ako ng upuan ay may tumawag sakin.



"Yngrid!" Kaya hinanap ko ang tinig na iyon at si Jazzer iyon.



"Hi! Anong ginagawa mo dito?" Bati ko habang papalit sakanya. Umupo ako doon at inayos ang mga gamit ko.



"May ka meet-up ako, girlfriend ko at mahigit isang taon na kami!" Confident nyang sabi kaya naman nagulat ako.



"A-ako din...may ka meet-up," taka kong sagot. Shit iyong puso ko!



"Talaga, sino? Boyfriend mo? Ikaw ha... Pinagtataksilan mo na si Isaac my cousin!" At nag dramang masakit ang dibdib. Dumating na iyong order ko kaya naman sinimulan ko na itong ubusin.



"Excuse lang, huh? Tatawagan ko lang ang ang girlfriend ko," kaya naman tumango ako habang nasa bibig ko ang straw noong kape ko.



Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at si Theo iyon. Nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Jazzer at wala sabing pinatay ni Jazzer iyong call. Tinuro nya ako at tinuro nya ang sarili nya na parang tanga.



"I-ikaw si..Yngrid?" Gulat na tanong nya kaya naman tinanong ko din sya.



"Ikaw si Theoddore?!" Nagpapanic kong sagot habang iyong iced coffe ko ay inilayo ko ng konti.



"Walastik! All this time ikaw iyong virtual jowa ko?!" Exaggerated nyang sabi. Umirap ako at kinalma ang sarili ko dahil kung parehas kaming magiging OA, baka may tumawag sa mental hospital at ipadampot kami.



"Jazzer! Walanghiya ka! Kaya pala nag tataka ako dahil minsan sa mga updates mo sakin ay familliar na naganap sa buhay ko!" Pang-aakusa ko kaya naman tumahimik si Jazzer.



"Si Yngrid na babi ko at si ikaw na si Yngrid ay iisa! Akala ko ay coincidence lang iyong magkatulad ng pangalan nyo!" Hays, bakit naman sobrang malas ko? Parang ang nangyari ay pinatos ko ang mag pinsang Viaros!



"Sige, dahil meet up natin ito... Chill muna tayo okay?" Kinuha ko iyong regalo ko.



"Oh ayan, gift ko para kay Theo." Kumislap ang mata nya at parang bata nyang binuksan iyong paper bag.



"Wow! Original na bola ito! Yay, hulog ka talaga ng ulap, ang saya ko!" Bakla ba to?



"Anong ulap, baka langit? Shunga naman." Irap ko at dumepensa.



"Ulap lang! Hindi ka naman mukhang anghel, e..." Habang ang mata ay nasa bola. Tangina naman.



"Sorry wala akong gift, hindi naman christmas para mag exchange gift tayo e," sabay kamot nya sa ulo. Siraulo!



"Tara na, malapit ng dumilim. Uuwi na ako, tutal ay wala naman akong napala dahil kilala na naman kita." I disappointedly walk away then Jazzer offer me a ride then I grabbed it kase wala na akong pera.



"Secret lang natin ito, okay?" Sabi nya kaya naman huminga ako ng malalin.



"As if naman gusto kong ipublic yung virtual relationship natin." Tapos noong napansin kong malapit na kami sa bahay ay walang pasabing bumaba na ako at dumiretso sa bahay. Nakakapagod din itong araw na ito dahil bukod sa hindi ko pa nakikita si Isaac, nalaman ko pang si Jazzer at Theoddore ay iisa and worst pag pinsang Viaros pa ang nakabangga ko.



Nang makarating ako sa loob ng bahay, napansin kong tahimik ang buong bahay at hindi man lang binuksan ang mga ilaw kaya naman ako na ang nagbukas ng mga iyon, uminom muna ako ng tubig at dumiretso sa kwarto para mag bihis.



Umidlip muna ako at umabot iyon ng dalawang oras. Nagmumog ako at nagsuklay pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Wala paring tao, siguro ay night shift ang sched ni Diara at si kuya naman ay may thesis na ginagawa doon aa bahay ng kaklase nya. Hindi ko alam kung nasaan si mama kaya naman nagsaing na ako at nagluto ng pwedeng iulam at pumasok ulit sa kwarto.



Naghintay ako nga mahigit tatlong oras bago ko naisipang pumunta sa salas. Binuksan ko ang TV at nanood ng kdrama.
Narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong si Diara iyon.



"Hi, ang gabi mo na yata?" Bati ko sabay pagtatanong ko.



"May night shift sched ako." Simple nyang sagot at tumungo sa kwarto dahil magbibihis daw sya.



Maya-maya naman ay dumating si mama, iyong mukha nyang parang pagod ang sumalubong sakin.



"Ma? Ang pagod mo ata ngayon? Mag bihis ka na at kakain na tayo, naghanda na ako ng pagkain." Pilit kong pagaanin ang aura nya.



Naghintay pa ako ng kaunti at dumating na si kuya na magulo ang uniform at sabog ang buhok.



"Kuya, nakipag sabong kaba? Putcha yung itsura mo mukhang pang-iwan!" Natatawa kong sabi pero seryoso din sya. What the hell is happening?



Habang nasa hapag-kainan kami, napaka bigat ng aura dahil ultimo pag nguya ko ay naririnig ko. Nahihirapan din akong lumunok kase feeling ko may nakabara sa lalamunan ko.



"Ma, kuya.. Anong problema?" Panimula ko kaya naman bumuntong hininga si mama.



"Iyong papa nyo.." Nahihirapang open ni mama kaya naman kinabahan ako.



"Bakit? Kumabit na ba si Millet may papa?" Sumbat ko kaya naman sumigaw si kuya kaya napapitlag ako.



"Yngrid! Iyang bibig mo lagyan mo minsan ng preno!" Inis nyang sermon kaya naman tiningnan ko si mama.



Nagsimula na syang umiyak kaya naalarma ako at lumapit sakanya tsaka sya niyakap.



"Ang papa nyo, nalulong sya sa pagsusugal hanggang sya iyong trust funds naming dalawa ng papa nyo para future nyo ay naubos na," humagulhol sya kaya hinaplos ko ang likod nya.



"Pauwiin mona si papa dito mama," utos ko pero umiling sya.



"Bumaon sya sa utang, iyong cassino na pinagsusugalan nya ay binabantayan sya at ang lagi nyang kasama doon ay si Millet." Hikbi nya. I feel hurt, I know papa only wants to be happy and enjoy his life pero sobra naman yata sya? Hindi man lang ba sumagi sa isip nya kami nila kuya at mama?



Sinuntok ni kuya iyong lamesa kaya nagulat si Diara. Tahimik lang sya doon.



"Hindi ko... Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pang bayad-utang nya doon!" Nagulat ako.



"Nakakulong si papa?" Sigaw kong tanong kaya naman tumulo din ang mga luha ko.



"Iyong cassino na pinagsusugalan ng papa nyo kasama si millet ay kasapi ng isang sindikato. Pansamantalang ikinulong ang papa nyo at binigyan sya ng apat na buwang palugit para mabayaraan iyong utang nya." Tumigil ako sa pagkakaiyak at dahan-dahang namuhay ang galit sa sistema ako. Umalis ako doon at nagkulong sa kwarto.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now