Chapter 8

36 5 0
                                    

Mugto ang mata ko kinaumagahan dahil nakatulugan ko na ang pag iyak ko. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil babalutan ko pa ng gift wrapper ang regalo ko kay kuya. Hindi ko na sasabihin kung ano iyong regalo ko dahil kailangan ko din ng privacy, isa lang masasabi ko; hindi ito condom.


"Yngrid, ayusin mo ang sarili mo. Masyado kang fake drama, hindi nakakaganda iyan." Paalala ko sa aking sarili habang naka harap sa full size mirror na nakadikit dito sa pader ng kwarto ko.


Mamaya pa namang alas siete ang celebration kaya paniguradong hupa na ang mugto kong mata, shit kase napaka fake drama ko! Kinurot ko ang sarili ko para kumalma. Habang patungo ako sa kusina para kumain dahil pinauna ko na silang kumain kase nag self drama muna ako sa kwarto ay, nakasalubong ko si papa. Tiningnan ko lamang sya pero hindi ko sya pinansin, alam kong kawalan iyon ng galang pero kung papansinin ko si papa ngayon ay baka mapaiyak lang ako.


Habang kumakain ako, hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil naisip ko na naman kung paano ko nasaksihan ang pag-aaway nila mama at papa sa bakuran. Nahihirapan akong lumunok dahil kinakapos na ako ng hininga dahil sa pagpipigil ng hikbi ko pero pinilit kong itahan ang sarili ko. Naramdaman kong may yumakap sakin, si Diara iyon kaya naman mas lalo akong naawa sa sarili ko.


"Tahan na, Yngrid." Pag-aalo sakin ni Diara.


"Nasaan sina kuya? Bakit ang tahimik nitong bahay?" Pag iiba ko ng tanong.


"Nag date sila ni Amira, ang balak pa nga sana nila ay isama tayong dalawa ngunit tumanggi ako. Nakakainggit kase dahil magkasintahan sila samantalang tayong dalawa ay tila saling pusa," pagbibiro ni Diara sakin. Minsan nagpapasalamat din ako dito kay Diara dahil kahit na madalas ko syang tarayan ay heto sya at inaalo ako.


"Tita, anong mararamdaman mo kung iyong magulang mo ay nakita ng mismo mong mata na nag-aaway dahil sa isang babae?" I asked all of the sudden.


"Alam mo ba Yngrid, hindi mo talaga ako totoong tita? Kase kinupkop lang ako nila lolo at lola. Alam mo kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Dahil nabuo lang ako sa pagkakamali." Makahulugan nyang pagpapaliwanag.


"A-anong... Ibig mong s-sabihin?" Nahihirapan kong tanong dahil barado ang ilong ko, nyemas iyak pa kase ako.


"Kabit si mama ni papa. Nabuntis si mama pero itinangggi ako ni papa, hanggang sa nagkasakit yung lola ko; nanay ni mama. Hindi nya alam ang gagawin kaya inutusan nya akong bumili ng gamot doon sa botika sa bayan pero hindi lingid sa kaalaman ko ay iniligaw nya pala ako. To make my story short, inabandona ako ng sarili kong magulang. Walong taong gulang palang ako noon, anong muwang ko?" Pagkukwento nya, pagkatingin ko sakanya ay pinangingiliran na sya ng luha nya kaya naman niyakap ko sya at ilang minuto ang nakalipas, sabay kaming napatawa dahil sa ka-dramahan namin.


"Cheers!" Sigaw ng coach nila kuya. Then they cheers for their success.


"Let's sing a happy birthday song for Denver the runner!" Pagbibida ko kaya naman nagsitawanan sila. Nagbilang sila hanggang tatlo and then we sang.
Habang nag iinuman sila at nagkukwentohan, kumuha naman ako ng pagkain ko. Ang sarap lumamon, nakakatanggal ng stress. Nang matapos akong kumain ay nagpahangin muna ako sa bakuran para na rin madigest ng maayos ang lahat ng kinain ko dahil for sure matatae ako.


Luminga-linga ako sa paligid, ang sarap ng simoy ng hangin dahil malamig ito. Sabagay pasado alas nueve na rin ng gabi at nagsisimula palang ang kasiyahan. Hindi ko parin nakikitang nag-uusap sina papa at mama, siguro it takes time para humupa yung galit ng isa't isa para makapag-usap sila ng masinsinan.


Nakita kong papalapit sakin sina ate Amira at tita Diara, wow may dala silang wine at finger foods. Ibinigay sakin ni ate Amira ang wine glass na may lamang grape wine. Hindi ako sanay, pang sosyal lamang ito kaya lulubusin ko na ngayong gabi. Hindi masarap ang lasa pero ayos na ito para naman makapag relax ako. Nag chikahan kaming tatlo at nagtawanan, may tinatago din palang sama ng ugali ang mga ito! Akalain mong lalaitin nila ang isa't isa at partida isinali pa nila ako sa litan nila kaya naman hindi kona napaigilan ang bibig ko. Wala eh, pasmado din itong bibig ko.


For the moment I scaped from the painful reality for at least an hours. Nang maubos ang isang bote ng wine at snacks namin, nagpasya na kaming makihalo-bilo kina kuya.


"Yngrid! Halika muna dito, may ipapakilala ako sayo!" Tawag sakin ni Alex, iyong kateam ni kuya. Ipapakilala? Siguro future jowa ko na ito kaya naman lumapit na ako.


"Sino iyon? Hala wala akong pera ha? Baka kotongan mo ako eh," nakalabi kong saad sakanya kaya naman natawa sya.


Hinila nya ako doon banda sa may buffet area. "Ito, saglit lang ha?" At saka ako iniwang nakatayo doon, shems natakam tuloy ako sa shanghai. Akmang kukuha na sana ako ng shanghai ay tinawag ako ni Alex.


"Yngrid ito iyong ipapakilala ko sayo," sabi nya kaya naman nilingon ko sya hanggang sa, shet am I imagining?


"Si Isaac nga pala, junior basketball player tapos ito ang pinsan nya si Jazzer." Pagpapakilala nya. Hulog ka ng langit Alex!


"Hi, I'm Jazzer and you're Yngrid right?" Jazzer said.


Tumikhim ako at pinagpagan ang kamay ko at saka inalok ang pakikipag shakehands nya.


"Yngrid. Hi Jazzer, hi Isaac. Feel at home, lamon as you can. Fighting!" Friendly kong sabi at naiilang na hinayaan silang kumain. Shet yung puso ko nagpapalpitate. Lakas naman yata ng tama noong wine at nagkakaganito ako.



:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now