Chapter 17

28 5 0
                                    

Habang wala sa sarili akong naghuhugas ng kamay, biglang nagsalita si ate Amira sa harap ng malaking salamin dito sa public CR ng court.



"Yngrid, ano bang nangyari kanina at bakit bigla mo nalang binangga iyong babae? Napaka laki ng space para dumaan ka ng walang binabangga pero eto ka't nansagi ka ng tao." Mahinahong sabi ni ate Amira sakin kaya naman pinatay ko ang gripo at kumuha ng tissue para punasan ang basa kong kamay.



"Wala, trip ko lang." I said then threw the tissue away. Hinihintay nalang namin na matapos umihi si Diara, siguro ay kanina pa syang nagpipigil kaya naman talagang literal na gumamit sya ng banyo.



Infairness, well maintenance itong public banyo dito sa court, iyong iba kasi ay bulod sa nakakasulasok na amoy dahil ng naipon na ihi or tae, ay wala pang tubig o maglilinis niyon. Nang makalabas na si Diara, sya naman ang nagsermon sakin.



"Ikaw Rid-Rid ha, napaka-sama ng ugali mo. Dalaga kana pero kung umasta ka ay para kang batang hamog." Psh, pake ko?

"Hindi ko ba pwedeng gawin iyon kahit minsan lang? Hindi ko naman inaaraw-araw iyon kaya take that as coincidence and 'not' accident." Bara ko pa sakanya. Lumabas na kami ng cr at pumunta na ulit sa bench ng team. Napansin kong wala ng nag-uusap doon sa lugar na kaninang kinatatayuan nina Isaac kaya naman napahinga ako ng maayos.



Iyong labanos na iyon, kung makaasta sya akala mo agrabyadong-agrabyado at iyong si Isaac naman ay parang tanga kung makapag-alala doon sa babae samantalang nadanggi ko naman sya, argh! Nakakainis! Putangina.



Buti pa si Jazzer, winelcome ako kanina kahit na kakagaling nya lang sa laro pero sya, parang wala lang ako. Nag ramdom invite lang ba sya sa IG? e tangena naman oh! Pa importante syang kupal sya.



Inis akong nanood ng game. Ang Viaros cousins ay kasama sa naglalaro ngayon third quarter, shems hindi ko man lang nasubaybayan iyong second quarter dahil sa inis ko. Pinagmasdan ko na silang maglaro.



Nakita kong maghahabulan na sina Isaac at ang kalaban na may hawak ng bola, nang dinribble ito ng kalaban at napalakas masyado ang pagtalbog nabola kaya naman sa pagtalon ni Isaac habang naka open arms ng malawak ay lumagpas sa kaliwang kamay ni Isaac iyong bola and to my surprise, nahawakan ng kanang kamay ni Isaac iyong bola at dali-daling ishinoot ang bola sa ring na para sa team nila, w-what the hell? Paanong nangyari iyon? Ang galing! Shit. Another 2 points for his team. Nagsigawan as usual ang mga tao kasama na doon sina kuya dahil napaka unique noong galaw nya!



Nang nakina Jazzer ang bola ay biglang naagaw iyon ng kalaban, sobrang init ng laro dahil alam kong medyo naiinis na yung kalaban kina Isaac. Nang nakita kong malapit ng mag time dahil napasama ang tingin ko doon sa player na tumingin din ng time doon sa screen TV, siguro mga 8 seconds nalang iyon dahil ampotchi, hindi ko man lang narinig ang time bombed ng umpire. Nasa kalaban iyong bola pero binlock sya ni Isaac kaya naman sa sobrang inis noong kalaban na hinarang ni Isaac ay imbis na ishoot iyong bola ay gigil nyang ibinato sa mukha ni Isaac iyong bola and shit, pumito ang referee at sumenyas gamit ang kamay pagkatapos sinabi ng game official na may hawak ng mic na iyon ay violation at hanggang natapos ang last seconds para sa third game, tie ang score ng dalawang team.



Nagpahinga muna sila then may sinabi iyong coach nila habang may idino-drawing sa maliit ng white board. Nakita kong dumudugo iyong labi nya na malapit doon sa scar nya, parang wala ako sa sarili dahil nabalik nalang ako sa sarili ko noong hawak ko na yung pisngi ni Isaac habang may hawak ang isa kong kamay na wet wipes then pinupunasan ko na yung dugo sa labi nya. Ang tangkad nya kaya naman naka tingkayad ako pero hindi ko na pinansin iyon dahil focus ako sa pagpupunas ng labi nya. Nang makuntento na ako ay binitiwan kona ang mukha nya at tinapon iyong wipes sa gilid.



Hindi parin ako nagsasalita at aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko ng may konting higpit kaya naman napa straight body ako, shit basa pa naman iyong kili-kili ko. Pumunta sya sa harap ko at ang walang hiya ngumiti lang sakin, wow siguro lagi itong nasa dentist nya dahil ni wala man lang tinga ang ngipin nya, sana all.



"Being concern huh, My venus?" Ngisi nya. Abat ang kupal masyadong mag assume. Neknek mo!



"It's Yngrid, not Venus. Shunga mo naman," pak! Ang taray ko, kaya naman pwersahan kong inalis iyong kamay nya sa braso ko dahil sadyang tagaktak na yung pawis ko sa kili-kili, nakakahiya kung dadampi iyon sa malapag nyang kamay na may mahahabang mga daliri, though hindi malambot dahil magaspang ito ng konti pero mainit.



"Wow, ang taray mo naman po..." Yuck, ang baklang mag po! So, kikiligin na ba ako?



"Pake ko? Pakihanap nalang." Prangka kong sabi at aalis na sana pero hinarang nya ako kaya naman malakas kong sinuntok iyong braso nya, shet nadislocate ata yung buto ko.


"Kuya, help!" Sigaw ko kaya wrong decision dahil nakatingin na pala sila samin. Itong Isaac na ito ang papatay sakin sa kahihiyan! Argh, tinadyakan ko ang sapatos nyang pang basketball talaga dahil jordan ang tatak noon, siguro original iyon dahil parang iyong sandals ko ang bumigay.



"You're now making a show, my Venus." Yuck, ang kapal nyang palitan ang maganda kong pangalan at angkinin ito! Hindi man lang humingi ng permission sakin.



"Show-showin mo mukha mong kupal ka!" Hindi na ako natutuwa ha? Tiningnan ko si kuya pero ang gago! Nanonood lang habang ang baba nya ay nasa balikat ni ate Amira. Argh, fuck this life!



Nang tawagin na ulit sila para sa final game ay doon lang ako nakaalis sa harapan ni Isaac. Hindi ko na pinanood ang laro dahil tunay na ang inis na nararamdaman ko.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now