Chapter 34

33 5 0
                                    

Hindi ako pumasok sa school dahil baka lang kaawaan nila ako. Ayoko ng kinakaawaan ako. Gusto kong icheer up ang sarili ko pero hindi ko magawa.


Nauubos na iyong budget namin, narinig kong magreklamo si kuya kay mama dahil may kailangan silang bayaran sa school pero hindi makapag bigay si mama ng pera. Nasaksihan ko kung paano mag abot ng pera si tita Diara kay kuya kahit na iyong pera nyang iyon ay galing sa paghihirap nya dahil nag-apply sya biglang part timer sa isang fastfood chain, nakita ko kung paano napayat si mama. At nasaksihan ko kung paano ako unti-unting nauulol.


Lumabas ako ng kwarto at nakita kong naglilinis si mama. "Anak, bakit hindi ka pumasok? Wala ka bang pasok?" Tanong nya kaya naman umiling nalang ako. Uminom ako ng tubig at tahimik na umupo doon sa hapag kainan.


"Mama, ayos ka lang po ba? Ano na pong balita kay papa?" Hirap man pero nag-aalala parin ako kahit papaano dahil papa ko parin sya.


"Ayos lang ako ito naman, si papa mo...ang sabi nya noong huling tawag nya ay gagawa daw sya ng paraan." Pumikit ako at bumuntong hininga.


"A-ah anak, kain kana. Pasensya na kung iyan lang ang pagkain, hayaan mo sa susunod ay lulutuin ko ang paborito mong adobo." Ngiti nya habang sinasabi iyon.


Binuksan ko iyong nakatakip doon sa ulam at napa ngiti ako, malasadong itlog iyon, bakit ba nag sosorry si mama? Favorite ko kaya ang malasadong itlog! Kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko at ganadong kumain.


"Ma, thank you po." Bigla kong sabi kaya naman nagulat sya at napangiti kahit na iyong ngiti nya ay may kasamang paglagpak ng luha ay pinilit kong wag umiyak.


"Nako itong bunso ko, naglalambing! Dalaga kana nga dahil naencounter mo na kung paano mag boyfriend at masaktan!" Biro nya sakin pero iyong mata nya ay nasasaktan.


"Si mama naman....fake drama lang iyon! Nothing so serious!" Pagyayabang ko at yumuko. Nagpaalam muna sya sakin dahil tatapusin na daw nya iyong nililinis nya.


Tinapos ko ang kinakain ko at naligo na.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko, buti nalang at nakaidlip ako dahil wala akong tulog kagabi dahil pakiramdam ko talaga ay may nakamasid sakin.


Natinag ng pagkakatulala ko ang katok doon sa pinto ko. "Anak, labas kana dyan sa kwarto mo at kakain na tayo!" Pilit ang masiglang tono ni mama.


"Sige ma, wait nyo lang ako."


"Hintayin ka namin sa kusina, okay?"


Kinalma ko ang sarili ko. Sinuklay ko ang kulot kong buhok at nag hilamos dahil nagbabakasakali akong matatanggal ang bakas ng mga luha ko at sakit na nararamdaman ko.


Nang makarating na ako sa kusina, may bisita kami. "Hi ate Amira! Bakit ngayon ka lang tumambay dito?" Tanong ko pero nakayuko sya.


"Ah anak, upo kana. Kain muna tayo." Anyaya ni mama kase naman sinunod ko ito.


Seryoso amg mukha ni kuya at parang pagod na pagod sya dahil hanggang ngayon ay naka uniform parin sya. Si ate Amira naman ay naka floral dress pero nakayuko naman sya sa tabi ni kuya. Sinilip ko si Diara at tahimik lang din sya.


"Kainan na, Amira anak kain ka ng madami. Pinaghandaan ko ito kase dadating ka.." Nakangiting sabi ni mama kaya naman napatango nalang si mama.


Kumuha ako ng pagkain ko habang nakikiramdam, sobrang bigat ng aura dahil napaka tahimik naming lahat. Nanginginig ang mga kamay ni ate Amira habang nagsasandok sya ng kanin kaya naman tinulungan na sya ni kuya.


"S-salamat," ilang na sabi nya kay kuya. Nag-away ba sila? Bakit ganon ang pakikitungo ni kuya? Para syang naiinis na ewan.


"Ate Amira, bakit ngayon ka lang napagala dito? Alam mo bang malungkot si kuya noong mga araw na wala ka dito sa bahay at--" nagulat ako dahil sinuntok ni kuya ang lamesa.


"Yngrid! Tumahimik ka nga dyan ay kumain nalang?" Inis nya sakin, buti nalang at kahoy iyong lamesa namin dahil kung babasagin iyon ay tiyak na mapapagalitan sya kila lolo at lola.


Inirapan ko sya kahit na masakit ang mata ko. Sinaway kami ni mama kaya nagpatuloy kami sa pagkain. Tahimik parin si Diara pero alam kong wala syang ganang kumain dahil halatang halata iyon.


"Tita Diara, kain kana oh? Ang sarap kaya ng luto ni mama..." Kaya naman napatingin sya sakin at nagsimula ng kumain kahit na napaka konti lang noong kinakain nya.


"Ahm...tita,Yngrid, ate Diara, b-babe.." Panimula ni ate Amira kaya naman naging sentro sya ng atensyon, si kuya ay nagpapatuloy sa pagkain nya.


"Bakit, ate?" Usisa ko. Sumubo ako ng pagkain ko at mgumuya.


"Buntis ako.." Nanlaki ang mata ko at nabilis ng lumunok. Biglang tumulo iyong luha ko at binitawan ko ang kutsarang hawak ko.


"T-talaga? Hala, kuya magiging papa k-kana.." Umiiyak kong sabi. Nakita kong umiiyak na din si mama.


Seryoso parin ang mukha ni kuya kaya naman pinilit kong ientartain ang pamilya, "Diba sabi ko k-kuya...ako amg unang tatawa kapag...kapag naging b-batang ama ka? Nakakainis ka naman e, b-bakit mo ako pinapaiyak?" Lumabi ako at umiyak. Tumulo iyong luha ni kuya at tumingala sya.


"Pero..." Kaya naman napabaling ulit ako kay ate Amira. Napansin kong nakakuyom ang mga kamao ni kuya.


"Hindi sya.. Hindi sya ang a-ama nitong p-pinag...bubuntis ko.." Hagulhol nyang sabi kaya naman biglang tumayo si kuya at sinuntok ang pader to let his fruatrations out.


"Jusko! Amira, Denver! Ano bang nangyari sainyo?" Tanong ni mama habang kinakalma nya si ate Amira.


Lumabas si kuya kaya naman sinundan ko sya, nakita kong sinuntok nya iyong bilog na lamp shades sa harap ng gate namin. Nabasag ito kasama noong bumbilyang nakapaloob doon.


"Aaah! Bakit ba ganito ang buhay ko?!" Sigaw nya kaya naman nilapitan ko sya. Dumudugo na iyong kamao nya, sinipa nya iyong puno ng mangga at napaupo nalang sya habang hawak nya ang ulo nya.


"Kuya..." Nanginginig na ang mga labi ko.


"Tanginang buhay to!" Sigaw na iyak nya kaya naman niyakap ko sya.


"Shhh.. Shhh...tahan na kuya, kalma lang." Sabi ko habang pilit na hinaharap iyong ulo nga sakin.


"Tangina, Rid...mahal ko iyon e! Sigurado naman akong hindi ako nagkulang..pero bakit ganon? Bakit naman...ganon?" Nasasaktan na sabi nya, nagpatuloy lang sya at nakinig ako.


"Shit, ang sakit naman. Pinangarap ko iyon e! Yung magkakaroon kami ng pamilya tapos..tapos magdadalang tao sya sakin pero tangina! Nabuntis sya pero hindi sakin iyong pumasok sa doon sakanya. At gusto mong malaman kung sino iyong ama? Huh? Lubusin ko na itong sakit na ito! Tangina, binuntis sya noong kaibigan nya!" Kaya naman nagulat ako. Kaibigan ni ate Amira iyong tatay ng bata? Tangina nga...ang saklap non. Napagtanto kong...mas masakit iyong pinagdaraanan ni kuya kaysa doon sa sakit na nararanasan ko..

:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now