Chapter 28

20 5 0
                                    

"My venus, are you okay? Kanina kapa nakatitig dyan sa lomi mo, ayan tuloy medyo lumamig na," napabuntong hininga ako. Kinuha ko iyong tinidor at hinalo ang lomi, wala talaga akong gana ngayon.



"O-okay lang...a-ako," pero bigla nalang akong napaiyak dahil sa sobrang bigat nitong nararamdaman ko ay hindi ko na kinaya.



Naalarma sya noong lumakas na iyong pag-iyak ko. Niyakap nya ako ng mahigpit at tinatahan habang hinahaplos ang ulo ko. Ipinaling nya ang ulo ko sa mukha nya at pinunasan iyong mga luha ko gamit ang mahahaba nyang daliri.



"Shh, tahan kana please? Pati kase ako naiiyak at nasasaktan.." His sad voice lingers around. Pinipilit kong itahan ang sarili ko pero mas napaiyak ako at niyakap nya mg mahigpit.



"Ang sakit-sakit, Isaac. Pakiramdam ko sasabog ako.." Hirap kong hagulhol.



"Kung gusto mo ikwento mo sakin para naman maibsan iyang mabigat mong dinaramdam," paliwanag nya kaya ako na mismo ang nagpunas ng luha ko.



"Si p-papa kase, napaka s-selfish nya! Pinayagan na nga namin syang mag-enjoy dahil iyon... Iyon ang gusto n-nya," at nagpatuloy sa pagkukwento lahit barado na iyong ilong ko.



Hinayaan nya akong magsalita ng mga rants ko habang sya ay nakayakap parin sakin, alam kong hindi makakatulong ito sakanya dahil may regional meet game sya bukas pero heto ako't imbis na icheer sya ay ako iyong nagpapabigat ng damdamin nya.



"Hays, hindi ko alam kung paano kita pasasayahin dahil hindi ko ito inaasahan.." Bumuntong hininga ulit sya.



He cares my head then pull me into his arms. He comforted me until I finally stop crying.



"Ano ba yan... Dapat pinapalakas ko ang loob mo dahil may laban kapa bukas pero heto tayo, imbis na nagdi-date ay nagdadrama ako..." Pilit ako tumawa pero wala, hindi ko kaya lase barado na iyong ilong ko.



"So you call this a date? Yes! Alam mo bang sumaya ako bigla? Masyado mo akong pinapakilig, my venus!" Parang tanga to! Kaya naman ako na mismo ang kumuha ng braso nya at iniakbay sa balikat ko tapos pinagsalikop ko ang kamay namin.



"Siraulo! Hindi porket gusto kita, dumada-moves ka.." Kaya naman hinigpitan nya ang paghahawak kamay namin.



"Gusto din naman kita.. So tayo na nga?" Bugok ba sya? Tiningnan ko sya ng masama.



"Ang bata mo palang pero ang harot mo na!" Tinawanan nya ako. Thankful ako kase kahit papaano ay gumaan ang paliramdam ko.



"So...tuloy na natin ang date natin?" Taas baba ang kilay nyang sabi kaya naman tumango nalang ako para hindi na kami magtalo.



"Say 'Ah'.." Ang loko, parang ungol iyong narinig ko! Napalunok ako at kinagat ang mga labi ko.



"Say 'Ah', susubuan kita. Ito kung anong naiisip! Ipagpatuloy mo lang iyan at baka iba ang isubo ko sayo." Tumawa ng mala-demonyo itong si Isaac kaya naman sinundot ko ang adams apple nya dahilan para masamid nya.



"Oh, you want me to be choke? Wild mo naman po ate Yngrid!" Matinis nyang sabi. Arghhh ano ba itong si Isaac, mas madami pa yata syang alam kaysa sakin!



"Hoy Isaac, iyang bibig mo pwede ko ng tahiin. Pano nalang kapag may makarinig sayo? Isipin na napaka harot mo at ipagkalat yon, well totoo naman na maharot ka pero iyong ipagkalat nila? Paniguradong trending ka," kaya naman mas lalo syang tumawa at parang may magic sya kase napatawa na din ako dahil nakakahawa.



Napansin kong nakatingin na ang ibang mga costumers na malapit dito sa lamesa namin ni Isaac kaya naman kumuha aki ng tissue at tinakip sa bibig ni Isaac, natigil iyon pero namumula na sya kase pinipigilan nya lang ang tawa nya kaya naman ang ginawa ko, hinalikan ko sya sa pisngi at doon lang nawala ang tawa nya.



Shoot, bakit ko ba kasi ginawa iyon? Nanlaki ang mata ko dahil sa kahihiyan at tumingin kay Isaac na nakangisi.



"Kapag ba tumawa ulit ako ng malakas... Ikikiss mo ulit ako--" sinapak ko sya.



"Ewan ko sayong kupal ka," mabilis kong sabi at inubos na iyong lomi at tapsilog ko habang si Isaac naman ay humihigop sa straw para makainom sya ng iced tea ko.



"Hoy akin yan! Ang kapal mo talaga!" Kaya inagaw ko ito. Tumawa na naman ang loko, clown ba ako? Joker na ba ako sa paningin nya?


Binayaran lahat ni Isaac iyong mga kinain namin dahil nakatoka sya ngayon. Pauwi na kami dahil tapos na ang 'date' namin.



Nalungkot na naman ako dahil uuwi na naman ako sa bahay tapos makikita ko lang kung paano mamugto ang mga mata ni mama. Financial problem lang ito pero bakit naman ganon kabigat? Financial problem lang ba talaga o pati yung pagiging magkasama nila papa at ni Millet sa Macau?



Habang nakaangkas ako sa mio ni Isaac ay bigla ko syang niyakap at isinandal ang ulo ko sa likod nya. Humigpit ang yakap ko sakanya kasabay ng pagtulo nitong mga traydor kong luha, kahit na masaya kaming umalis ni Isaac doon sa garden resto ay umuwi naman akong malungkot.



Bakit kahit mas lamang iyong sayang narararamdaman ko ay lahat ng iyon ay tila napawi dahil sa pagkalungkot ko? Bakit sobrang sakit naman yata at hindi ko man lang magawang alalahanin iyong masasayang memories?



Nakarating kami sa bahay ng nakatungo ang ulo ko. Hinalikan muna ni Isaac ang ulo at likod ng palad ko bago sya magpaalam sakin,



"Sorry at hindi kita masamahan ng magdamag, bad timing kase dahil may regional meet kami... Hayaan mo, sa isang araw mag date tayo sa garden resto alas singko ng hapon, okay? Hihintayin kita doon dahil pagkauwi na pagkauwi namin, didiretso na ako doon. Smile kana, my venus please?" Pampalubag loob nyang sabi. Tumango nalang ako at hinintay syang makaalis.



Tumayo lang ako doon ng ilang minuto bago pumasok sa loob ng bahay. Binuksan ko ang ilaw sa salas at nalungkot na naman ako. Naalala ko noong may laro si kuya, laging nandito sa spot na to sina mama at papa para lang salubungin kami pagkatapos ng laro ni kuya. Napaiyak na naman ako, pinipigilang wag humikbi.



Pinatay ko na iyong ilaw sa salas at tumungo na ako sa kwarto. Nakita ko ang sarili ko sa full size mirror, ang lungkot ko dahil namumula pa iyong ilong at mga mata ko. Habang nasa banyo ako, hindi ko magawa ng maayos iyong skincare routine ko dahil panay ang tulo ng mga luha ko.



"Fake drama ka, Yngrid!" Sabi ko habang nakaharap sa salamin kaya mas lalo akong naiyak.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя