Chapter 12

33 5 0
                                    

[Hello..] Inaantok na sagot si Laikyn sa call ko.


"Hi Kyn-Kyn! I miss you too! Mwah," advance kong sabi kaya naman napatawa ako sa sarili ko.


[Pakyu ka Rid-Rid! 5:34 AM palang kung hindi mo na alam kung paano bumasa ng oras. Myghad! Kainis kang babaita ka.] Daming kinatak.


"Inform lang kita na papunta na si papa sa Macau, bali 2 years din iyon dahil kailangan nyang mag enjoy sa buhay nya kase alam mo na... tumatanda na sya." Sabi ko at medyo pabulong iyong huli kong sinabi dahil kapag narinig iyon ni papa ay raratratin nya ako.


[We?! Nagfifeeling bagets ba si papsi?] OA nyang tanong. Papsi daw. Kaya naman niloud speak ko para marinig ni papa ang sasabihin ni Laikyn.


"Aba! Kwarenta anyos na iyang si papsi pero parang sixty years old na hehe kaya bakit naman naisipan nyang mag relax at sosyal! Macau pa." Sabi nya without hesitation at biglang sumabat si papa.


"Laikyn-g laging uhaw! Ano iyang pinagsasasabi mo na parang sisenta anyos na ako? Aba! Kung ganyan ka lang din pala sakin ay dapat siningil na kita doon sa tubig na lagi mong iniinom!" Nagkukunwaring pagalit na sabi ni papa. Pota, konti nalang talaga maiisip kong nawawalang kapatid ko si Laikyn dahil mas close pa sila ni papa.


[Hi there, papsi! Aba nagsasabi ako ng totoo! Atsaka anong singil-singil? Gusto mong ipagkalat ko ang secret mo?] Pantakot nya, secret? Ano naman iyon?


"Anong secret?" Pagtatanong ko.


[Secret ni papsi! Ako talaga ang tunay nyang anak at hindi ikaw Yngrid,] natatawa nyang sabi. Sabunutan ko'to eh.


Nagkunwari akong umiiyak "Paano mo naitago samin ito, papa?" Lights, camera...action!


"Anak, pagpasensyahan mo na si papa dahil inilihim ko," wow, feeling artista naman itong si papa.


[P-pero papsi, okay lang na wag mo akong ipakilala sa mga anak mo. Bigyan mo nalang ako ng allowance every week.] Tumatawang saad ni Laikyn kaya naman napatawa na din ako! Luka-luka talaga 'tong bruhilda na to.


"Bye na Laikyn! Wala kang kwentang kausap, aba't peperahan mo pa si papa e wala naman syang wallet!" Kaya naman napatawa na din si papa atsaka niyakap si mama na tumatawa ng patago, sus chismosa din si mama ng taon! Nagpaalam na ako kay Laikyn at sinabi nyang tutulog na daw ulit sya dahil puyat daw sya.


"Pa, mag-iingat ka doon ha? Kung pwedeng minu-minuto ay tawagan mo kami ay gawin mo. Lagot ka sakin kapag kinita mo iyong first love mong ni Millet!" May banta kong sabi. Kinwento kase ni papa na si Millet daw ang first love nya, pero super duper love naman daw kasi nya si Minerva, ang aking ina kaya under sya.


"Sus, itong bunso namin oh! Magtatrabaho ako doon at hindi makikipagkita kay Millet. Pero kung papayagan ako nitong mama mo... Ay baka idate ko pa iyon!" Tumatawa nyang biro kaya naman kinurot sya ni mama ang selosang asawa ng taon.


Nagchikahan naman sila ni mama at papa. Habang sina kuya at ate Amira ay tulog na magkayakap. Si ate Diara naman ay nakikinig ng music habang nakasuot ng sleeping mask. Iyong driver namin ay masinsinang nagmamaneho at kasama nya ang isa naming kasambahay na umaalalay sakanya.


Nag stop over muna kami ng dahil talagang naiihi na ako, tapos nagpabili na din ako kay mama ng ice cream at chips delight dahil matakaw ako. Nang makuntento na ako at nakapag cr na kaming lahat ay dumiretso na kami sa Airport.


We helped papa to carry his luggages then we waited while seating at the waiting area then papa went inside the passenger area to wait for the announcement of his flight. I saw mama shed her tears because I know it's so hard for her as well as for us because this is the first time that papa would go abroad alone. I sighed then checked my face using my hairbrush mirror then fixed myself. I let Diara borrows my hairbrush and give her some perfume because she left her perfume in our house.


After an hour of waiting, the announcer is now calling all the passengers who are going to Macau and that includes papa. We waved our hands to bid our goodbyes then he waved back.

I smiled then I was mentally praying for my papa's safe trip as well as ours. We decided to have our lunch here at Manila because it's already lunch time. We ate at the nearest restaurant that we saw while we are finding one. I order everything that I want then.


"Hoy Yngrid, siguraduhin mo lang mauubos mo itong inorder mo." Paalala ni kuya habang tinatanong nya si ate Amira kung ano ang gusto nya.


"Hayaan mo na Denver, bumabawi lang iyan ng kain dahil alam kong stress iyan kase halata naman sa itsura nya," bully naman nitong si mama.


"Tita Diara hati nalang tayo dito sa inorder ko, alam mo na sharing is caring! Kuya Leo, ate Meanne order lang kayo ng gusto nyo dahil minsan lang manlibre si mama." Anyaya ko sakanila at saka naman ako tumawa dahil sa wakas! Ang kuripot kong mama ay manlilibre.


Nag-enjoy kaming lahat sa pagkain dahil good choice ang restaurant na ito kase parang buffet ito, eat all you can tapos mura pa. May sea foods din sila! Kaso badtrip, allergic ako sa sea foods kaya naman bumawi nalang ako sa desserts at alam ko bukas na bukas din daw diabetic na ako.


Nagparamihan pa kami nila kuya ng makakain at ang konti ang kakainin ay sya ang magbabayad pero syempre si mama parin naman ang magbabayad noon kaya sobrang saya ko kase doon lumabas ang tunay na kain nila kuya Leo at ate Meanne. Busog na busog akong nakauwi ng bahay kaya ang ending, laman ako ng CR.

:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now