Chapter 29

19 5 0
                                    


Nagising ako ng umiiyak kase narinig kong may nabasag sa labas. Inayos ko ang buhok ko at nagsuot ng tsinelas. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at nangangapa dahil medyo madilim.



Feeling ko sa kusina iyon dahil parang baso iyong nabasag. Masakit man ang mata ko dahil mugto ito ay pinilit kong palakihin ang mga mata ko para makita ng maayos iyong nasa kusina.



Napalunok ako dahil si mama iyon, umiiyak sya habang nanginginig iyong mga kamay nya, nakita kong nakabukas iyong ref at hula ko ay iinom dapat sya ng tubig pero sa sobrang panginginig ng mga kamay nya ay nabitawan nya iyong baso at nabasag.



Lumapit ako kay mama at niyakap sya. Tumulo na naman itong punyeta kong mga luha! Kailan ba mauubos ito, kapag ba dehydrated na ako? Ang sakit sa tenga at puso iyong iyak ni mama. Wala man lang akong magawa dahil pati ako apektado ng lungkot.



"Anak...parawarin mo si mama.." Hagulhol nya kaya naman napakagat labi ako.



"Ma, wala kang kasalanan okay?" Pag-aalo ko. How can we survive if the problem is our father? Ang haligi ng tahanan? Kahit sino naman siguro na gustong magtayo ng bahay ay maghuhukay muna ng malalim para itayo ang mga poste para maging matibay iyong itatayo nilang tahanan, hindi ba?



Paano kami makakatayo ng maayos kung iyong pinakaposte na dinadantayan namin ay kusa ng bumigay? Paano iilaw ng maliwanag ang ilaw ng tahanan kung wala itong pagkakapitang haligi?



Napapikit nalang ako habang dinadama iyong mga luhang dumadaloy sa may pimples kong pisngi. Ang hirap humingi dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako. Nanginginig ang balikat ni mama kaya
naman mas niyakap ko sya.



"K-kung hin..hindi k-ko ba pina..yagan ang papa n-nyo na magpunta sa...Macau... Mangyayari ba ito?" Iyak nya pa lalo. Ang hirap makita at marinig si mama na nasasaktan. Kumuha ako ng tubig at pinainom sya, pagkatapos  ay uminom din ako. Ilang minuto din kaming walang imikan ni mama kaya naman hinatid kona si mama sa kwarto nila papa at pumasok sa kwarto ko at doon pinagpatuloy ang pagdadrama ko. Nakakainis si papa, kung kailang may mga isip at muwang na kami sa buhay ni kuya ay doon pa sya nagkaganito. Nakatulog ako ng umiiyak at tumahan lang dahil napagod na ako.



Maaga akong pumasok sa school, sa katunayan ay hindi naman talaga ako nakatulog ng mahimbing. Tahimik akong umupo sa upuan ko at yumuko. Ramdam kong may tumabi sakin kaya naman tumunghay ako at si mayor iyon.



"Oh, punasan mo iyang mga luha mo. Tingnan mo iyang desk mo puno na ng mga luha mo." Sabi nya tapos umalis na. Kinuha ko yung panyong pinatong nya sa desk at ginamit ito. Pinunasan ko ang mga hula ko na umabot hanggang leeg at siningahan ang panyo dahil barado na ang ilong ko.



Pumasok si Sir beki, "Aba at ang aga mong pumasok ngayon, natatakot kana bang bumalik ulit sa guidance office?" Mataray nyang sagot kaya naman tumayo ako.



"Eh kung ireport ko po sa school principal na hindi ka po naman talaga nagtuturo at minsan lang pumapasok dito sa classroom na ito at uupo ka lang po dyan sa teacher's desk and magce-cellphone?" Mataray ko ring sabi. Punong puno na ako dito sa baklang ito! Oo, bastos na kung bastos pero nakaka-offend iyong mga sinasabi nya sakin at pati na rin sa mga kaklase ko. Umupo ako at narinig ko ang sigawan ng mga ulol kong kaklase.



"BoOm bars, bitch."

"Buuuurn.."

"Barado ang kubeta..."

Yan ang sinabi ng mga kaklase kong lalaki, nakita kong napangiti sina Rexy, Dexy, at Krixy dahil binara ko ng walang pag aalinlangan ang adviser namin.



"You, miss Yngrid! Napaka gaspang niyang ugali mo. Aba, baka hindi mo natatandaan na ako ng adviser mo at kayang-kaya kitang idrop ngayon din, walang alisan sa tayo." Hindi kona sya sinagot pa dahil baka mavideohan pa ng mga kaklase ko ang sagutan namin.



He walked away then close the door harshly. Nagsipag sigawan ang mga ulol kong kaklase at lumapit naman sakin ang
squad.



"Nice mouth, girl," puri at insulto ni Dexy.



Hindi ko sila pinansin pero pasimple akong umirap. Ang sakit na nga ng mga mata ko ay pasasakitin pa nila ang ulo ko.



Nanginginig ang laman ko sa irita. Tutal malapit na namang mag recess ay umalis na ako sa classroom at nagtungo doon sa school garden. Inilabas ko iyong cellphone ko at manonood nalang ako ng porn para gumaan ang pakiramdam ko.



Wala namang tao dito kase medyo tirik ang araw sa area na to kaya medyo madalang silang pumunta dito.



High volume ito habang hinihintay lang play iyong porn na pinindot ko. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng bigla nalang akong mapaiyak.



"Porn iyang pinapanood mo pero kung umiyak ka dyan parang inaagrabyado ang mga pornstar huh?" Walang ganang sabi nitong lalaki na ito. Boses palang kilala ko na.



Napa straight body ako habang naka indian seat dahil biglang nilapat sa pisngi ko yung malamig na bagay. Pagkatingin ko ay ang favorite flavor kong iced coffee iyon. Tumabi sya sakin at nag indian seat din habang pinakealaman nya ang phone ko, hininaan nya ang volume noon at saglit na pinanood.



"Anong g-ginagawa mo dito, Jazzer?" Tanong ko habang sinisinga ang sipon ko sa panyong binigay kanina ng mayor namin.



"Nakarinig kase ako ng ungol, professional moan to be exact." Okay?



"Tapos?" Tanong ko ulit at ininom naman ang iced coffee na binigay nya.



"So favorite mo pala ang holloween party? Trick or treat habang ang kamay ay nasa loob ng pumpkin?" Ngisi nyang sabi kaya naman nanlaki ang mugto kong mga mata.



"H-hoy! Hindi ko favorite iyon! Basta ko nalang pinindot iyong video na yon at hindi kona napanood dahil busy ako sa pag-iyak. Etchosera ka rin eh no?" Pagdadahilan ko.



"Pumpkin!" Tumawa sya at may hawak effect pa sa tyan. "Kaya mo siguro iniiyakan iyong panonood mo ng porn dahil nahuli sila ng mama nila, ano?" Pang-iinis nya pang sabi.



"Ulol! Sinabi na't hindi ko masyadong napanood iyong porn na yon!" Inis kong explain pero balewala dahil konti nalang mauutas na sya sa kakatawa.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now