Chapter 30

25 5 0
                                    

"Russel, anong oras na?" Pagpaparinig ng aking kaklase dahil over time na itong teacher namin, puro lang sya dikit ng visual aids sa board without even instructing us to what to do or do we need to answer some questions on her visuals. Dahil masipag at mabuti akong estudyante, humiram ako ng ballpen kay mayor dahil sponsor sya ng ballpen dito sa classroom at kinuha ang notebook ko na napaka linis then nag sulat.



"Ha? 4:49 pm na!" Sigaw na inform naman ni Russel. Walang hiya talaga ang dalawang ito! Magpaparinig na nga lang tatanga-tanga pa.



"Haysss, patingin nga ng relo mo at baka mali!" Pasigaw na parinig naman ni Charlie. Mga kupal!



"Maam! Time na po," sabi ni mayor kaya naman napa relax ang paghinga ko.



Bigla akong tumayo at nag-unat. Inayos ko iyong mga gamit ko diretsong naglakad papunta sa teachers desk then ipinasa ng notebook ko. Ang effort ko talaga! Pinasan ko iyon kahit na hindi naman nya sinabing ipasa iyon. "Ang effort ko, maam!" Sabi ko at lunabas na sa classroom.



"Hoy Yngrid, wait mo kami!" Dexy said it his pitchy bitchy tone.



"May date ako!" Sabi ko nalang dahil ngayon ang date namin ni Isaac, my baby. Shit ang harot ko!



Habang pababa ako ng hagdanan, nakita kong nakasandal sa railings si Jazzer habang nagcecellphone at nakikinig ng music dahil nakapasak na naman sa mga tenga nya ang earphone nya.



Bastos kong hinila ang earphone nya kaya naman ang atensyo nyang nasa cellphone ay nalipat sakin. Ngumiti sya, endorser ba sya ng colgate? Umirap ako.



"Pumpkin!" Putangina, naalala ko na naman iyong porn na pinlay ko habang umiiyak ako.



"Tarantado!" Pinakyuhan ki sya kaya naman hinila nya ako pababa ng hagdan. Gago to ha?



"Tara, lomi tayo. Libre mo ako, wala na anong pera kase bumili ako ng sapatos." Putaragis!



"Wala na din akong pera! Gipit na gipit na ako..." Madrama kong sabi pero totoo iyon, short kami ngayon dahil nabawasan ng kalahati iyong mga baon namin ni kuya.



"Wow, parang noong nakipag meet ka sakin ay original na bola ang regalo mo. Pasosyal ka din pala minsan, ah?" Pero ang lokong to! Joker naba ako sa mag pinsang Viaros?



"Pake mo. Minsan lang ako mag-effort kaya ang swerte mo dahil ikaw si Theoddore." Bwisit na to, inungkat nya pa iyon?



"Babi, babi..." Isa pang salita nito bubungian ko 'to!



"Alam mo, tangina mo," tsaka nag lakad ng mabilis. Hinanap ko yong sasakyan pero hindi ko mahanap.



"Hoy babi, anong hinahanap mo?" Tangina talaga nitong lalaki na to.



"Manahimik ka nga, kapag ako napuno puputulin ko iyang etits mo!" Prangka ko. Kaya ay loko napahawak nalang sya sa birdy nya.



"Ang harsh mo kay giant! Tara na, mag arkila na tayo ng tricycle." Napatingin ako.



"Naghihirap kana ba, bakit hindi mo dala iyong sasakyan mo? Sayang pang hakot chix din iyon." Kaya naman inirapan nya ako, abat ang bakla!



"Ginamit ni tatay," plain nyang sagot kaya naman ako na ang pumara ng tricycle doon sa terminal.



"Sa garden resto po." Sabi ko at umarangkada na iyong sasakyan. Mag-isa ako sa loob ng tricycle dahil nasa backride si Jazzer.



Nang nakarating na kami doon sa garden resto, nag banyo muna ako dahil kailangan kong ayusin ang itsura ko. Chinat ko si Isaac na nandito na ako dahil alas singko na. Medyo malilate daw sya kase nasa byahe palang daw sila.



"Order kana, libre mo naman kaya ikaw na ang bahala," nakakainis tong si Jazzer!



Umiling ako at kumuha ng dalawang baso ng tubig doon sa fish pond, de joke lang doon sa water dispenser at padabog na sinerve kay Jazzer iyong isang baso ng tubig, ininom ko naman ang sakin.



"Stay hydrated, bitch," walang hiya kong sabi. Tumawa sya at sinabing ganon na daw ba talaga ako kagipit at dumayo pa daw kami ng inom ng tubig dito sa garden resto.



"Jazzer... Pwede ba tayong mag-usap tungkol doon sa pagiging mag virtual in a relationship natin?" Tanong ko kaya naman pumunta kami doon sa spot kung saan malayo doon sa kainan at dumiretso sa may fish pond area.



"So, anong plano mo? Tuloy pa ba iyong plano?" Sabi nya kaya naman tumango ako.



"Tapusin na natin iyong relasyon natin through virtual tutal magkakilala na naman tayo." Nakayuko kong sabi kase ang awkward.



"Ayoko." tangina.



"P-pero Jazzer... Ayoko na, I mean ano.." Paano ko ba ipapaliwanag ito?



"Isang taon na mahigit iyong relasyon natin kahit na virtual lang iyon..." Panimula nya kaya naman nalungkot din ako at nanghinayang.



"Seryoso ako kay Yngrid kaya doon sa loob ng isang taon at mahigit, hindi ako nag entertain ng iba kahit na laro-laro lang iyon para sayo. Tangina sineryoso ko iyon kahit noong nagdesisyon kang mag deactivate ng account mo at hindi sinasagot iyong mga tawag ko ay hinintay parin kita..." Shit, bakit naman nakakahawa iyong pagdadrama nya? Ang sakit sa puso kase feeling ko dinaanan iyon ng kidlat.



"Jazzer...Theo.. Ano kase--" nagpatuloy parin sya.



"Nag-effort akong magpatuloy sa kakaupdate ng mga nabmngyayari sakin sa loob ng isang linggong wala kang paramdam. Para akong tanga na vinivideo ang sarili ko habang kumakanta at naggigitara tapos ieedit ko iyon at tatakpan ng kulay black para surprise iyong itsura ko  kapag nag meet na tayo... Hindi ako nag sawang mag send sayo ng mga vm kase ang sabi mo... Sabi mo mas lalo mo akong ginugusto dahil sa boses ko." B-bakit naman sya umiiyak? Nakakainis pati ako ay naiiyak.



"N-noong nalaman kong Yngrid din ang pangalan mo, biglang bumilis iyong tibok ng puso ko. Nababakla ako pero noong inapproach mo ako para sabihing turuan kitang magbasketball, tangina kinilig ako doon." Make him stop, please?



"Pero pinigilan ko iyon kase alam ko sa sarili ko na seryoso na ako kay Yngrid, tapos malalaman kong iisa lang kayo. Tangina ang sayang! Sayang iyong mga panahon na shiniship ko kayong dalawa ng pinsan ko para manatili iyong atensyon at nararamdaman ko doon kay Yngrid, iyong babi ko... Tangina, ang sayang!" Humagulhol na sya maya naman niyakap ko sya. Umiiyak na din ako pero pinipigilan kong lumakas iyon.



"Ang s-sayang..Yngrid.." Niyakap nya din ako at napatingala nalang ako at napabuga ng hininga.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن