Chapter 33

26 5 0
                                    

"Oh anak! Bakit naman ganyan kang umasta?" Tita asked while her tone is a bit exaggerated. Isaac ignored her because he is busy dragging me out of there house.



"Bitaw na, ang sakit na ng braso ko," mahina kong utos pero mas hinigpitan pa nya. Tangina, mahirap bang pumick-up ng utak nya?



"Sabing bitaw na! Oo na, malandi at haliparot na ako! Pero tangina Isaac, hindi naman ako ganon katanga dahil lang gusto kita!" Sigaw ko at pikit inaalis ang kamay nya.



"Wag kang sumigaw! Nasa teritoryo kita!" Bawi nya kaya naman humarap ako sakanya, malapit na kami sa daan kaya naman konti lang ang tao.



"Hindi porket nasa teritoryo mo ako ay gaganyanin mo na ako! Isaac, tao parin ako! Respeto naman!" Sabi ko kaya naiinis syang tumawa.



"Tanginang respeto na iyan! Ako ba nirespeto mo? Tangina pinatos mo pa nga iyong pinsan ko!" Sumasakit na iyong tenga ko sa kakasigaw nya.



"Edi wag, pake ko naman sayo? Tapos ka na bang maglaro? Ang bakla mo naman pala, akala ko kase babae lang iyong naglalaro ng barbie, ikaw din pala." Walang buhay kong sabi kaya naman tumalikod na ako sakanya.



Habang naglalakad ako sa daan, may nakasalubong akong tricycle kaya naman pinara kona ito. Dahil sa kapraningan ko, kinuha ko muna iyong plate number at isinend kay kuya at Laikyn. Ewan pero kapag talaga sobrang lungkot ko na ay nagiging praning na ako at ultimo kulay ng sasakyan kasama ang plate number ay isesend ko sakanila.



Tinanong ako ni manong kung saan ako pupunta kaya naman sinabi ko sa garden resto nalang. Nagpalipas ako doon ng sama ng loob at umorder ng lomi, iyong regular lang dahil wala na akong pera kase bumili ako ng cake kaso nasayang lang iyon dahil hindi naman nakain at itinapon lang. Cheap lang iyong cake na binili ko kase wala na talaga akong pera.



Naglakad nalang ako pauwi samin kase ubos na iyong allowance ko next week. Nakarating ako sa bahay ng masakit ang paa dahil mahigit isang kilometro din iyon at parang mas humaba pa iyon dahil ako lang mag-isa, sumabay pa ang sakit ng paa ko sa sakit ng puso ko.



"Anak... Kamusta ka? Gabi ka ng umuwi, saan ka galing?" Mahinahong tanong ni mama.



Uminom ako ng tubig sa kusina at niyakap ko sya at umiyak.


"Ma, ang sakit sakit na po.." Kaya naman niyakap nya din ako at nakinig sa lahat ng pighati ko.



Hindi ko pa nakikita si kuya dito sa bahay, siguro ay busy pa rin sya sa thesis nya dahil malapit na ang end of school year.



Hawak ko iyong cellphone ko pero di ko alam kung anong gagawin ko doon. Gustong gusto kong tawagan si Laikyn para ilabas itong dinaramdam ko pero hindi ko magawa, paniguradong buay iyon dahil tunay syang mag-aaral. Naalala ko ang sabi nya sakin, na dapat daw ay magseryoso na ako sa pag-aaral dahil kapag maghahanap na ako ng trabaho ay isa sa mga tinitingnan ay kung saan ang natapos mo.



Nagpasalamat ako dahil kusa ng tumigil ang mga luha ko. Ginamit ko ang pagkakataon na yon at maglinis ng buong katawan at kahit na malungkot ako ay hinding hindi ko makakalimutan ang mag skincare routine.



Humarap ako sa full size mirror ko at naalala ko kung paano nabasag ang salamin ni Isaac at kung paano dumugo iyong kamay nya. Gusto kong gamutin iyon dahil hindi ako makapali kapag mag dugo akong nakikita pero kahit gusto kong gawin iyon ay paniguaradong tatanggi iyon at sasabihan ako ng masasakit na salita.



Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin at naaawa ako para sa sarili ko. Tama ba itong desisyon ko? Napapikit nalang ako at buong puso kong inalala iyong masasayang memories ko kasama si Isaac. Kung paano nya ako tawaging kanyang venus. Pilit kong maging masaya pero sa kabila ng pagrereminisce ay biglang sumagi sa isip ko iyong mga problemang kinahaharap ko.



"Bakit naman ako pa? Bakit naman sunod-sunod iyong sakit? Hindi pwedeng may appointment iyong sakit? Pwede ko bang iresched iyong sakit? Konti nalang sasabog na ako!" Sigaw ko habang naka siksik sa baba ng dulo ng kama ko.



Sinabunutan ko ang sarili ko at paulit-ulit na iniuntog ang ulo ko. Ang sabi noong nurse sakin ay ingatan ko iyong ulo ko dahil natahi na iyon at kapag daw nabagok ang ulo ko ay baka maging komplikado na daw ito, minsan ay coma at kinahihinatnan okaya blood clot. Pake ko naman don?



Umiiyak at nakayakap sa aking mga binti habang bigla nalang pumapasok sa loob ng isip ko ang suicidal thoughts and ways pero pilit kong nilalabanan. Ayokong magkasala sa Diyos, kahit naman napakasama nitong ugali ko ay hindi ako magpapakamatay para lang matakasan itong mga kinahaharap kong problema.



"Napaka fake drama mo talaga, Yngrid! Nakakasawa iyang pagdadrama mo! Hindi naman nakakaganda iyan e, tahan na.." Baliw kong sabi sa sarili ko.



Kung may makakarinig siguro nito at may makakakita sakin, iisipin nilang takas mental ako! Napatawa naman ako sa sarili ko dahil nagfi-fake drama na naman ako!



Magdamag akong napraning, feeling ko may nakasunod sakin tapos kapag lumilingon ako sa direksyon na yon ay wala naman. Binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko at doon sa banyo ko, tinakpan ko ng kumot at kurtina ang full size mirror ko at iyong mirror ko sa banyo. Ayokong makita ang sarili ko dahil baka umiyak na naman ako dahil naawa ako sa sarili ko.



"Damn you, Isaac Viaros! Anong karapatan mong gawin ito sakin? Ang sakit sakit na.." Sigaw ko habang sinusuntok iyong unan ko.



"Make it stop, it hurts. Yung pakiramdam ko unti-unti akong pinapasok sa grinding machine," iyak kong sabi.



Naaawa ako sa sarili ko, awang-awa ako.
Gusto ko palang si Isaac pero ganito na kasakit, paano pa kaya kapag mahal ko na sya? Pero hindi na iyon mangyayari dahil ayaw na nya sakin.



"Lintik na dare yan! Bakit naman ang sakit?" Hagulhol ko habang inis kong sinusuntok iyong unan at minsan ay nadadaplisan ako.



"Make it stop, please?" Nanghihina kong sabi at yumuko.


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now