Chapter 24

25 5 0
                                    

Nandito parin kami nila kuya sa hospital, pota balak pa yata akong ipaconfine. Nakahiga ako sa hospital bed at wow sosyal, nasa private room pa kami tapos ayon si kuya katabi ko habang nagbabalat ng orange at nakatutok ang mata sa TV.

"Hoy kuya, usog doon! Putcha naman konti nalang mahuhulog na ako." Ungot ko kaya naman umusog sya ng konti, inangat nya lang ang pwet nya tapos pinagpatuloy ang pagbabalat nya ng orange.

"Bakit kase ang tagal natin dito? Akala naman basag talaga ang bungo ko. Konting butas lang naman." Inis kong bulong tapos kinaltukan ako ni kuya! Aba't ang potares na ito, masakit na nga iyong ulo ko tapos kakaltukan pa ako. Napahawak ako sa ulo ko, may bandage iyon dahil super dami talagang dugo ang lumabas sa ulo ko kanina.


"Ay sorry," tapos nahihiya syang tumawa, ang kapal ng mukha. Nasan naba si mama? Konting sugat lang iyong nangyari sa ulo ko, bali pina CT scan ako tapos kahit nahihilo pa ako noon ay pinadapa ako ay tatahiin daw itong ulo ko. So ako, pota kinabahan kase iyong butas ko sa ulo ay nasa lower part then malapit sa spinal cord.


Tiningnan ko ang swero sa kaliwang bahagi ng kamay ko at hinawakan pero shit, ang sakit.


"Kuya, sabihin mo kay mama bumili ng pain reliever. Ang sakit na nga ng ulo ko tapos masakit pa din iyong kamay ko," sabay taas noong kamay kong may swero. Nag type si kuya sa cellphone nya, siguro ay tinext nya si mama.


"Yngrid, kain ka muna. Ang dami-daming dugo ang nasayang mo dahil sa katangahan mo tapos nagsuka ka pa kaya baka mamatay ka ng maaga," tumawa naman ang gago. Sinubuan nya ako dahil masakit kapag nagagalaw iyong kaliwa kong kamay at yung kanan kong kamay naman ay nanghihina.


Habang nginunguya ko iyong sinubo saking pagkain ni kuya ay parang bumaliktad ang sikmura ko kaya naman hindi kopa ito nalulunok ay nagsuka na naman ako, and worse si kuya ang sumalo noong suka ko.


"Yuck! Iw, kadiri! Tangina naman oh, Yngrid!" Nagpapanic na sigaw ni kuya kaya naman mabilis syang umalis sa hospital bed at mabilis na tumayo habang ang isa nyang kamay ay nakasahod dahil may suka din iyon at ang isa pa nyang kamay ay nagpapagpag sa kanyang damit.


"K-kuya..tubig," pigil ang hininga ko dahil feeling ko ay magsusuka na naman ako.


Naghugas sya ng kamay doon sa may sink then kumuha ng mineral water, nang uminom ako ay napahawak nalang ako sa ulo ko at sumuka na naman. Putcha naman, magiging malnuorish ako nito!


Bumukas ang pinto at nakita ko si mama, nanlaki ang mata nya at pinuntahan agad ako. Hinagod nya ang likod ko at inutusan si kuya na tumawag ng nurse. Hindi ko alam kung OA lang ako pero nanghihina talaga ako.


"M-ma... Nanghihina a-ako," tapos feeling ko namumutla ako. Nang dumating ang nurse, sinabihan niya kami na mag stay muna daw ako dito hanggang 15 hours tapos inumin ko daw yung mga gamot na nireseta sakin ng doktor.


Nagpaalam muna na uuwi si mama dahil walang kasama si tita Diara, hindi naman kase sya pwedeng pumunta dito dahil may limit ang visiting hours. Naidlip muna ako, kampante naman ako kase binibantayan naman ako ni kuya habang nakaupo sya doon sa may sofa.


Naalimpungatan ako noong may tumabi sakin sa hospital bed, iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Isaac na nakaupo habang nilalaro ang hibla ng buhok ko. Minsan naiisip ko naiinggit sya sa buhol ko.


"My venus, okay kana ba? Sorry ngayon lang ako nakapunta, nagpaalam muna kasi ako kay papang at sinama si Jazzer para may sasakyan kami," explain nya, wow. Umupo ako at hinampas ang kamay nya sa buhok ko, kapag kase nahihila nangangati ang anit ko.


Hinawakan nya ang kamay ko ag hinalikan ang likod ng palad ko, namimihasa na sya sa kakahalik pero kinikilig naman ako kaya ayos lang sakin.


"Medyo nahihilo parin ako pero buo pa naman daw iyong ulo ko." Biro ko pero ang loko, hinalikan nya ang ulo ko.


"They say, a kiss can ease the pain. Effective ba?" Hindi ko sya sinagot, hindi ako mag papauto sakanya. Kapag sinabi kong masakit parin ang ulo ko, hahalikan nya ulit ako at kapag nangyari iyon ay baka mangisay nalang ako sa sobrang kilig.


Nagpaalam na sila dahil medyo late na, nagpadala nalang ako ng excuse letter with a medical certificate para wala ng maidakdak ang adviser naming beki. After 15 hours nakauwi na kami at medyo matamlay ako dahil wala pa akong matinong kain.


Lumipas ang ang isang linggo at lagi din naman akong tulog sa klase, sa katunayan ay dumadayo lang ako ng tulog sa classroom. Niyaya ako ng ka-squad ko na mag beach party doon sa resort ng tita ni Rexy, so para makapag relax ay pumayag ako. Weekends naman iyon kaya okay lang, pinayagan na din naman ako ni mama dahil detailed naman ang pagpapaalam ko. Nagbukas muna ako ng account ko, at ininform si Theo kung ano ang plano ko sa weekends. Nakapag impake na ako, nagdala din ano ng swimsuit dahil magpopost ako sa IG account ko.


Sinundo ako nina Rexy sa bayan dahil doon ko nalang sila kikitain, naka kotse sila dahil kaming apat lang naman iyong sasakay doon. Nakarating kami sa villa nila at shet, mala boracay ang datingan. White sand then crystal ocean. Kumain muna kami tapos nag swimming, nagpa sexyhan kami sa suot naming swimsuit at ang nakaka loka, pati si dexy ay naka two piece. Nang gumabi na, may dala pala silang alak. Nag-inuman kami hanggang sa nag suggest si Krixy para daw maenjoy namin lalo ang gabi.


"Let's play a game! Spin the bottle..the truth or dare. Pero dahil ang boring kapag truth lang, dare nalang with a twist." Nagpaliwanag sya samin, kaoag ay tumanggi kami sa dare ay ibo-bottoms-up namin iyong alak sa wine glass, partida punong-puno iyon!


Ang malanding si Dexy, enjoy na enjoy sa naging dare nya dahil ang dare sakanya ni Krixy ay humanap ng fafa at tanungin ang number nito.


Si Rexy naman ay makipag momol doon sa unang lalaking makikita namin na naglalalad.


Nang ako na ang natapat ng bote, kinabahan ako dahil si Dexy ang mag didare sakin. Shit, Im fucked up.


"I dare you..... To give as a show." Show? Dancing with fire ba?


"Anong show? Mall show, beach show?" Taka ko pero ang gaga! Kinurot ako!


"Bobo ka ng taon! Show, naalala mo iyong nagsabing crush ka daw pinsan nya? Then flirt with him, make him fall for you." Putangina.


"Sino? Iyong sumigaw o iyong may crush daw sakin?" Tanga kong tanong, diko kase nagets.


"Boba! Syempre iyong may crush sayo! Make him drool over you!" Sabat naman si Rexy, putanginang dare na iyan, nakakatakot!


"Until when?" Bored na ako, pota hindi ko naman seseryosohin yon.


"Until the end of this year." Shit, shit again.


"Bakit ang tagal? May mapapala ba ako doon?" Sabi ko pero ngumiti lang sila. Iyong ngiti nila parang may demonyong balak sila. Hays, sila lang naman ang nag-enjoy.

:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now