Chapter 26

22 5 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at mas lalo pa kaming napalapit sa isa't-isa ni Isaac, konting halik nya lang sa kamay ko ay halos manirik na ang mata ko sa kilig. Holiday ngayon kaya wala kaming pasok, naisipan kong mag pasama kay Isaac para sana bumili ng bolang pambasketball dahil nagdesisyon na kaming magkita ni Theo dahil nasa iisang lugar lang pala kami! Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Tatapusin ko na iyong relasyon namin dahil buo na ang pasya ko, aamin na ako kay Isaac na gusto ko sya.



Naligo ako at nagbihis, lumabas na akonsa kwarto at nakita kong madilim ang aura ni mama, balak ko sana syang tanungin kaso nakita ko si kuya na sumesenyas sakin habang umiiling kaya naman agad kong nakuha ang gusto nyang ipahiwatig. Hindi kona muna kinulit si mama dahil bibigyan ko muna sya ng time para sa sarili nya.



Naging busy masyado si tita Diara kaya minsan ko nalang sya makausap, sina lolo at lola naman ay hanggang ngayon hindi parin umuuwi mukha napasarap ang kanilang pagbabakasyon. Lately, hindi ko na din nakikitang tumatambay si ate Amira dito sa bahay at madalas seryoso ang mukha ni kuya, balak ko nga sanang maki-chika kaso baka wrong timing.



"Ma, aalis lang ako. Pupunta ako sa mall para bumili ng gamit." Paalam ko pero hindi nya ako pinansin, hindi ako sanay sa pagiging tahimik nya dahil bungangera si mama.



Pinuntahan ko si kuya doon sa may kusina dahil nakaupo lang sya sa may upuan at tulala, "Kuya, nakakausap mo pa ba si papa? Hindi na kase sya nag cha-chat sakin." Tiningnan nya ako at umiling. Kailangan pa sya naging gantong ka-dry?



"Eh si ate Amira? Kamusta na kayo? Bakit--" marahas syang tumayo sa upuan kaya naman nagulat ako. Attitude syang tumingin sakin at nanlilisik ang mata.



"Putangina naman oh, Yngrid! Hindi ka ba talaga marunong makiramdam? Tangina naman," hala? May mali ba akong sinabi? Iniwan nya ako dito kaya naman uminom muna ako ng tubig bago lunayas sa bahay. Badtrip!



Naghintay ako ng ilang minuto at nakita ko na si Isaac, naka mio na motor. Wow, astig talaga nito. Kumaway ako at lumakad palapit sakanya.



"Wow, astig ng mio mo! Di ko alam na marunong ka palang magdrive." Panimula ko tapos hinalikan nya ang likod ng palad ko. Napansin kong isa sa mga hobbies nya ang humalik.



"Naman, kapag gwapong katulad ko marunong mag drive," psh, akala nya naman sya lang marunong mag motor. Well, gwapo naman talaga sya eh.



"Wow, hindi mo pala alam ang salitamg humble?" Asar ko kaya naman tumawa sya. Kinuha nya ang mga braso ko at iniyakap nya iyon sa bewang nya, kinilig na naman ako at hinayaan na sya.



Nang marating na kami sa mall, nagpasama ako sakanya sa bilihan ng bola.



"Naks, talagang napaka special ko sayo at bibilhan mo pa ako ng bola?" Feeling naman nito sakanya yon.



"Assuming! Papasama lang ako kase hindi ko alam kung ano yung maganda bola pang basketball." Sabi ko tapos ngumuto pa ang kupal.



"Ito, original yung quality ng bola. Maganda yang bola na yan kahit pang international pa ang laro," pagyayabang nya kaya naman kinuha kona ito at binayaran, mahal pala ang bolang iyon! Aba pwede na akong magpa-salon doon ng full package.



"Isaac, tara sa garden resto. Libre kita dahil sinamahan mo ako." Pang-uuto ko dahil naiinggit daw sya sa bolang binili ko. Mamamatay daw syang inggit doon, as if I care? Joke.



"Let's go! Dahil naiinggit ako dyan sa bola na binili mo, uubusin ko iyang pera mo!" Tumawa ang loko. Nag motor na ulit kami at pasado alas cuatro na nag hapon kaya masarap na ang simoy ng hangin at mas lalong sasarap iyon dahil papunta kami sa garden resto.



"Ikaw ha, nakakakilig ka naman. Iyan ba ang way mo ng pakikipag date sakin?" Tumataas baba ang kilay na sabi ni Isaac kaya naman binato ko sya ng tissue.



"Kapal mo naman pala! Aba magpasalamat ka nalang at nilibre kita. Bihira lang akong manlibre, kaya ang swerte mo." Pagmamayabang ko.



Umayos sya ng upo at pinagsalikop ang mga kamay nya at ipinatong nya doon ang baba nya, "Thank you my venus, ang saya ko kase nakakasama kita. Bakit ba kasi gustong-gusto kita? Ginayuma mo ako, ano?" Ampotchi, kailan ba sya magtitino?



"Gayumahin mo ang mukha mo. Ganda ko kase kaya ka may crush sakin," at nagtawanan kaming dalawa.



Umorder na kami, at ang kupal na si Isaac akala nya eat all you can resto na ito dahil halos lahat ng putahe dito ay inorder nya! At ang gago nangatwiran pa.



"Iyan nalang muna, may hiya pa naman ako at sasusunod ko nalang lulubusin," p-putanginang iyan, ubos ang allowance ko for the whole week dahil sa katakawan nya.



"Wow, nahiya kapa sa lagay na iyan? Eh tubig lang naman ang hindi mo inorder! Parang kasalanan ko pa na nahiya ka huh?" Kaya ang loko, lumapit sakin ng tumatawang sumiksik sa leeg ko at niyakap ako! Tyansing yon!



"Ang taray mo naman! Sige ka, hindi na kita ika-crush kapag sinungitan mo pa ako." Wow, bina-blackmail nya ba ako?



"Loko ka, umalis ka nga dyan! Nakikiliti ako, Isaac! Isa..." Pero naudlot iyon ng dumating na ang mga inorder ni Isaac.



"Let's fucking start our date!" English nya.



Inirapan ko sya, "Hindi ito date, ang kapal mong kupal ka!" Inis ko pero hindi man lang nya ako pinansin dahil busy sya sa kakalamon. Sinabayan ko ang paglamon nya, aba ako ang magbabayad tapos konti lang ang makakain ko? Maling mali iyon.



Busog na busog kaming parehas habang pinilit ako ni Isaac na sumandal sakanya, porket matangkad sya ginaganito nya lang ako?



"Tara, lakad tayo doon sa may garden. Ang alam ko may fish pond doon," anyaya nya.



Umorder ako ng dalawang san mig na super lamig para naman may mainom kami habang nagchichikahan dahil sa mahigit isang taon naming pagsasama ni Isaac, alam kong mas chismoso pa sya sakin.



"Let's cheers!" Tuwa kong sabi nya naman sinakyan nya iyon, pinag-untog nya ang ulo naming dalawa.



"Isaac! Sabi ko cheers hindi wrestling!" Kaya naman tumawa sya, hinalikan nya ang ulo ko at nag sorry sa ulo ko.



Naglakad-lakad kami tapos ang dami talagang chika ni Isaac! Yung iba ay puro sa basketball nya tapos iyong iba sy chika noong chinika din sakanya. Laughtrip nga kase ginagaya nya minsan iyong facial expressions ng mga kinukwento nya.



"Isaac..." Bigla kong sabi kaya naman tumitig sya sakin.



"Bakit, my venus?" Ngiti nyang tanong kaya naman pinahawak ko sakanya iyong bote na hawak ko, tinggap nya ito kaya naman hinawakan ko ang pisngi nya. Pinakatitigan ko iyong mata nya at dumako sa labi nya kung saan nadoon ang peklat nya, nakita kong gumalaw ang adams apple nya.



"Gusto kita.." Sizzling shit, I breathtakingly said at bigla syang tumawa.



"Tangina, akala ko ikikiss mo ako!" Dismayado nyang sabi tmhabang tumatawa. Kumunot ang noo ko at lumabi pagkatapos ay niyakap nya ako.



"So, tayo na?" The fuck?


:)

Dribbling Heartbeats (Gambol Series #1)Where stories live. Discover now