CHAPTER 1

67 5 0
                                    


Tago-taguan, maliwanag ang buwan pagkabilang ko nang tatlo nakatago na kayo, isa.......... dalawa........... tatlo.....

Huli ka!

+++

"Guys, summer vacation na bukas saan tayo magbabakasyon?" saad ng kanilang class president na si Archibald.

"Doon tayo sa amin sa Atimonan, may rest house kami doon" saad ni Neil na kanilang vice president.

"Huwag doon sa dagat na naman, nagdagat na tayo last year" kontra ni Airiek na kanilang class representative.

"Saan tayo?" tanong ni Mikko.

"Alam ko na, sa amin sa Marinduque!" saad ni Louisse.

"Teka, walang kuryente doon di ba? Binagyo di ba yun last 3 days?" tanong ni Bernard

"Ay oo nga, nasira ang mga bahay doon" sagot ni Gep.

"Saan nga tayo?" Sangit ni Ranji

"Walang tayo putcha!" pangaasar ni Rene

"Rene, shut up..hindi ka nakakatulong" masungit na saway ni Fheil

"Tama na nga yan, baka mag-away pa kayong dalawa" saway ni Vio

"Oo nga pero saan nga tayo" sangit ni Julius

"No idea" saad ni Marco

"Abno ka talaga, lagi ka na lang no idea, ano ba ang inaambag mo ha?" galit na sabi ni Grant

"Hoy! kayong dalawa Marco, Grant tumigil nga kayo baka mag-away pa kayo" saway ni John Chris "Guys, guys almost one hour na tayong nag-uusap pero wala pa rin tayong napipiling place" sangat ni Rommel

"Doon na lang tayo sa Laguna, may mga falls doon" saad ni Emman.

"Hala! huwag doon maraming loko doon" saad ni Kim

"Ikaw ba paisano Reniel, may idea ka ba kung saan may magandang bakasyunan?" tanong ni Ariel

"Wala eh!" sagot ni Reniel.

"Saan tayo guys?" tanong ni Lhyrrie ang pinakamatanda sa kanilang lahat.

"Sorry guys, h'wag niyo na akong asahan diyan wala akong alam" saad ni Bryan

"Ako rin, wala rin akong idea" sangat ni PJ ang pinakacool sa kanila

"Alam ko na! sa probinsya ni Lance, sa San Francisco, Quezon" saad ni Dan Chris

"Oo nga no, ano Lance? Pwede ba?" tanong ni Dave "Ah? Eh? Ok lang pero magubat doon tsaka walang signal pero may kuryente naman"

"Sige na Lance, doon na tayo" pangungulit ni Dan Chris

"Sige na nga, pero guys yung pupuntahan natin doon ay tawid dagat. Isang isla yun na pinapalibutan ng dagat at mga 45 minutes ang biyahe mula sa bayan hanggang sa amin at kulang kulang anim na oras ang bayahe mula Lucena hanggang doon. Tirahan yun ng aming mga ninuno 300 years old na yung bahay" paliwanag pa ni Lance

"Ang cool nun" sangat ni Rene.

+++

Sila ang Class Masayahin. Isa silang klasing puro lalake. Nag-aaral sila sa Holy Rosary College. Itong school na ito ay exclusive for boys only. Ang kanilang klase ay masayahin at magulo, kaya sila nabansagang Class Masayahin.Ang klasing ito ay mayroong ibat-ibang ugali at katangian.Si Julius, siya ang pinakamataba sa kanila at ang clown ng klase. Si Marco ang pinakang weird, iba manamit at iba rin ang trip. Si Rommel, siya yung seryusong tao pero may tinatagong kakulitan. Si Neil, ang kanilang vice president, isa siya sa pinakaresponsable sa kanilang lahat. Si Ariel, ang pinakagenerous sa kanilang lahat at mayroon din itong dalawang katauhan na hindi nila mawari kung ano talaga ang totoo. Si Bryan, ang bookworm ng klase at hindi rin masyadong nakikisalamuha sa kanila parang may sariling mundo. Si Gep ang star player ng kanilang basketball varsity at isa sa mahilig matulog. Si John Chris ang pinakamagaling sa computer at siya ay isang converted Buddhist. Si Lhyrrie ang pinakamatanda sa kanilang lahat at ang taga advice kapag may problema sila. Si Kim ang weird nilang kaklase pero cool. Si Airiek ang pinakamakulit pero kapagseryusuhan na siya ang nangunguna sa pagiging seryuso. Si Ranji, the writer, sa madaling salita taga gawa ng mga paper works nila basta may bayad na kapalit. Si Reniel ang best friend ni Ranji na may malaking tenga, na kayang makarinig kahit malayo ang kausap. Si Rene ang pinakapasaway sa kanilang lahat parang hindi kayang magseryuso sa buhay. Si Bernard ang akala mo ay laging galit, pero hindi naman. Si Mikko ang pinakamagaling sa kanila sa pagpipinta. Si Vio ang masekritong tao. Si Fheil na malakas ang sense of humor at Mr. Friendship ang tawag sa kanya dahil kaibigan siya ng lahat. Si Grant ang pinakapranka sa lahat, wala itong sinasanto kahit sino ka man kapag ayaw nito ayaw niya pero madaling matakot. Si Louisse ang magaslaw gumalaw pero responsible sa kanyang mga tungkulin. Si PJ ang pinakacool sa kanilang lahat at isa siya sa pinakamayaman sa kanila. Si Dan Chris ang mahiyahing tao pero kapag nasa court na ng basketball beast mode ito at isa siya sa Ace player ng team. Si Archibald ang kanilang class president at ang pinakamatalino sa kanilang lahat at isa sa utak ng klase, kapag wala siya parang hindi nagpapangfuction ang klase. Si Dave, ang pinakababaero sa kanilang lahat pero kapag nagmahal binibigay niya ang 100% na pagmamahal. At ang huli ay si Lance ang pinakatahimik sa lahat pero masayahing tao.

+++

"Sige doon tayo sa probinsya ni Lance!" saad ni Archibald

"Kailan?" tanong ni Dan Chris

"Kailan ninyo gusto?" tanong ulit ni Archibald. "Bukas na agad!" excited na sagot ni Julius

"Agree ba kayo doon?" tanong ni Archibald.

"YES!" Sabay-sabay na sagot ng lahat.

"Anong sasakyan natin?Aarkela ba tayo?" tanong ni Neil

"Meron kaming sasakyan kasya tayong lahat" presenta ni Airiek

"Sinong magdadrive?" tanong ni Bernard

"Andiyan naman sina Airiek at Rene ah!" saad ni Gep

"May lisensya ba kayo?" tanong ni Ariel

"Syempre meron "Professional" pa!" saad ni Rene

"Ako rin may lisensya" sangat ni Airiek.

"Sige, magkita-kita tayo sa bahay nina Lance bukas ng 6:00 am, walang malelalate kapag na late babatukan ko" saad ni Archibald

"May Question ako" saad ni John Chris

"Ano yun?" tanong ni Archibald

"Saan ba ang bahay ni Lance?"

"Sa gulang-gulang sa may Andaman" sagot ni Lance. "Ok na ba? 6:00 am bukas ha? Magimpake na kayo" saad ni Archibald

"I think magiging masaya ito" saad ni Fheil

"Excited na rin ako"saad ni Rommel.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon