CHAPTER 34

8 2 0
                                    


Dave Vitoriano

"Holy Cow" ang bango ng kamay niya, grabe at plus ang ganda niya.

"Ah wait Jane?!" tawag ko dito.

"Oh?"

"can I get your number?"

"uhmm okay?!"

Binigay niya sa akin 'yong number niya. Wow, nagtiwala agad siya sa akin. It means may pag-asa ako. Nung nakaalis na si Jane, ay bigla akong nakaramdaman ng tatlong sapok na nagmula kina Gep, Vio at Airiek.

"babaero eh?!" sabi ni Gep habang nakangisi ito.

"Papaano si Vin –" naputol 'yong sasabihin ni Airiek noong nagsalita si Dave.

"Basta kayo!"

"Anong pangalan ng chick?" tanong ni Vio.

"Secret"

"Gago, ano nga?" pangungulit ni Airiek.

"Sige na nga – Jane Praise Cayetano"

"Invite mo siya bukas sa ating laro" sabi ni Airiek

"I think guys, it's not a good idea" sabi ni Grant.

"Ano ba Grant, tradition na natin na may isali sa ating laro!" sabi ni Gep na may inis sa kanyang tono.

"Per –" naputol 'yong sasabihin ni Grant nung nagsalita si Vio

"Wala ng pero pero, basta pang welcome natin sa kaniya"

"Ganito ang gagawin natin, bukas ng gabi papapuntahin natin siya sa ating laruan and then aayain siyang maglaro pero ang pinaka-extra agenda natin ay tatakutin natin lahat siya. At dating gawi sa pananakot lang, walang bago!" paliwanag ni Rene

"Anong laro naman?" tanong ni Marco.

"Tulad ng dati, we'll play Hide and Seek!!" masayang sabi ni Reniel.

"Yes, nakaka-excite na!" sigaw ni Emman.

Kinabukasan

Jane Praise Cayetano

Nakakabored dito sa bahay, ano kaya ang pweding gawin. Maghapon na akong walang ginagawa puro tunganga. Hay, napatingin ako sa aking relo "7:58 pm na pala". Bigla akong napatingin sa aking cellphone nung tumunog ito. Unknown number, inaccept ko na 'yong call.

"Hello" magiliw na bati nung nasa kabilang linya.

"Who's this?"

"Aww, nakalimutan mo na ako Dave?"

"Ahh, ok sorry-hindi ko kasi na-save number mo." Sabi ko dito "bakit ka napatawag?" dagdag ko pa.

"Wala naman, aayain sana kita maglalaro... kung pwe... "

Hindi ko na pinatapos ito magsalita, "sige saan ba?"

"Talaga? Sige doon sa subdivision, doon sa lumang gusali!"

"Saang subdivision?"

"Sa inyong subdivision by the way nandito na kami"

"Sige, in five minutes andiyan na ako."

Pinatay ko na ang cellphone at madaling lumabas ng bahay. Sa wakas, may kaibigan na ulit ako dito. Kasi, 'yong nag-iisa kong kaibigan hindi ko pa ulit nakikita, nasaan na kaya si Toto? Namimis ko na 'yong aking boyfriend. Namimis ko na 'yong matangos niyang ilong at nakakaakit niyang ngiti. Hindi ko namalayan na nasa harapan na ako ng lumang gusali. Kinuha ko na muna 'yong cellphone ko at tinext si Toto.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now