CHAPTER 3

16 3 0
                                    


Dan Chris Salvania

"Guys, may 13 rooms tayo dito. May pito sa second floor at may anim sa third floor, reminder lang walang aakyat sa fourth floor please lang" saad ni Lance.

Bigla akong napatanong sa aking sarili, bakit? Anong meron sa pang-apat na palapag. Magtatanong sana ako nung biglang nagtanong si Airiek.

"Bakit?"

"Basta bawal, makinig na lang kayo sa akin" seryusong sabi ni Lance

Nagulat ako kasi nag-iba ang ekspresyon nito. Ang bilis nitong magbago ng emosyon.

"Ok!" sabay-sabay naming sagot dito

"Mamili na kayo ng kwarto. Remember, dalawa lang sa isang kwarto at isa pa bago ko malimutan namamatay ang generator kapag 1:00 am na" nakangiting sabi ni Lance

Ang wierd ni Lance, ito na lang ang nasabi ko sa aking sarili. Ngayon ko lang napansin na mabilis magpalit ito ng emosyon. Bipolar ba ito?

+++

Nagsimula na silang umakyat sa kanikanilang kwarto, sina Fheil at Marco ang magkasama sa unang kwarto, sina Airiek at Ariel naman sa pangalawa. Sina Mikko at Vio sa pangatlong kwarto, sina Dave at Archilbald sa pang-apat na kwarto. Sina PJ at John Chris ang umukupa sa panglimang kwarto, sina Ranji at Rommel naman sa ikaanim at sa pangpitong kwarto naman ay sina Bryan at Kim. Sa pangatlong palapag naman ay sina Julius at Reniel ang magkasama sa ikawalong kwarto na malapit sa mahabang hagdanan, ang sumunod naman ay sina Emman at Grant sa ika-siyam na kwarto, at sina Bernard at Rene ang magkasama sa ikasampong kwarto, sina Lhyrrie at Gep ang sumunod na kwarto na panglabing dalawa at sina Lance, Neil at Dan Chris ang magkasama sa huling kwarto na panglabingtatlo. Noong natapos ng magayos ang lahat ay pinatawag ni Archibald ang lahat para magplano ng gagawin mamaya at sa buong bakasyon.

Archibald Silva

"Anong gusto ninyong gawin ngayon?" tanong ko sa mga ito, as a class president ay kailangan kong ayusin ang gagawin namin para hindi maging boring ang bakasyon namin. Ayaw kong mangyari last year na walang nagawa kundi magcellphone ang lahat. Naghanda ako ng mga kakaibang activities para maging masaya ito.

"let's play Hide and seek!" sigaw ni Fheil

"parang bata" reklamo ni Airiek

"parang magandang idea iyan" sabi ko

"Archie naman" reklamo ni Airiek

"Guys, maganda yung idea pero pagod tayo at sobrang aga pa" saad ni Mikko

"Oo nga alas singko pa lang...Pwede pa tayong matulog" saad ni Lance "at balita ko ay kabilugan ng buwan mamayang gabi"

Pagkatapos namin mag-usap ay dumeritso na agad kami sa aming mga kwarto. At nagpahinga, at wala pang limang minuto ay nakatulog na agad ako.

"Huwag mong gawin yan maawa ka kay Ariel please" pakiusap ko.

Pero parang wala itong narinig pinagpatuloy nito ang paglaslas sa leeg ni Ariel, nakita kong nakatingin sa akin si Ariel hindi ko mawari kung ano ang kanyang ekspresyon blangko lang ito. Pagkatapos nito kay Ariel ay bigla itong nagsalita

"ANG MGA BUHAY NINYO AY HINDI PA SAPAT PARA BAYARAN ANG UTANG NINYO SA AKIN"

Napabalikwas ako ng gising, "takte panaginip lang pala" saad ko sa isip ko. Tumingin ako sa orasan 5:52 pm palang, "makatulog na lang ulit" pero makalipas ang sampung minuto ay hindi na ako dinalaw ng antok. "Ano ba yan!" reklamo ko. Takte hindi na ako makatulog, ano kaya ang gagawin ko?

Aha!

Alam ko na yung bunutan na lang ang gagawin ko para mamayang gabi. Natapos ko yung bunutan ay 6:03 na ng gabi. Tumayo na ako para pumunta sa kusina dahil ako ay nagugutom na, hindi ko na inabalang gisingin si Dave dahil kitang-kita ko na mukhang pagod ito at noong nasa kusina na ako ay nakita ko sina Lhyrrie at Ariel na nagluluto.

"Wow mukhang masarap yan ah" pambungad kong bati.

"Masarap talaga ito" pagmamayabang ni Ariel. "Maiba ako bakit hindi kayo natutulog?" tanong ko. "Di ba magdidinner tayo mamayang 7 o'clock at di ba walang maalam sa inyong magluto" saad ni Lhyrrie.

"Kaya nagpresenta na kami ni kuya Lhyrrie" saad ni Ariel.

"Ok!"sagot ko habang nakangiti sa mga ito. Noong natapos na silang magluto pina-gising na sa akin ni kuya Lhyrrie ang lahat.

Mikko Paulino

Habang kami kumakain ay nagkwentuhan kami ng kung ano-ano, parang walang katapusan.

"sana ganito na lang kami lagi" saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang mga ito.

At pagkatapos naming kumain ay nag-aya na si Fheil na maglaro ng Hide and Seek. Bigla akong naexcite dahil sobrang tagal ko nang hindi nakakapaglaro ng larong ito.

"Tara maglalaro!" saad ni Fheil

" Let's play Hide and seek!" excited na sabi ko

"Sakto guys kabilugan ang buwan" saad ni Lance.

"Sige tara let's play that childish game" bored na sabi ni Airiek

Sige tara" akit ni Grant

Nagsimula na silang lumabas ng bahay at noong nasa labas na ang lahat nagsalita si Archibald.

"Guys, magsisimula na tayo" saad nito

"Dating gawi bunutan ng pangalan para walang dayaan" saad ni Fheil.

"Meron ba tayong bunutan?" tanong ni Dan Chris.

"Syempre meron, BoyScott kaya ito"pagyayabang ni Archibald.

Bumunot na si Archibald. "Ang taya ay si Airiek" saad nito

"Ano ba yan!" reklamo ni Airiek na halatang barino.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon