CHAPTER 11

12 2 0
                                    

Bryan Fatalla

Naalimpungatan ako noong may narinig akong mga bakal na naglalaglagan sa may sahig. Napamulat agad ako subalit wala akong makita at hindi rin ako makagalaw sa aking kina-uupuan, napakahigpit ng pagkakatali nito sa akin. May na rinig akong malambing na boses sa aking paligid.

"Gising ka na pala" saad nito.

"Sino ka?" tanong ko habang ako ay nagpipilit makawala sa aking pagkakatali.

"Pare kilala mo ako promise" sabay tawa ng malakas.

"Pakawalan mo ako" pakiusap ko.

"Ayaw ko nga, ano ako hilo" reklamo nito.

"Ano ba ang atraso ko sa iyo?" tanong ko.

"Wala naman pero kasama ka nila at kaklase! Kaya damay ka, di ba alam mo ang nangyari?" tanong nito.

"Anong pinagsasabi mo?" takang tanong ko.

"Putcha pare nagmama-angmaangan ka pa" galit na sigaw nito at sabay suntok sa aking mukha. "Aaaaahhhaaaa" daing ko.

"By the way Bryan, anong gusto mong kamatayan?" tanong nito.

"ANO!" sigaw ko

"Huwag kang sumigaw naiirita ako" galit na sambit nito.

"Please pakawalan mo ako dito" pakiusap ko.

"Ano ako tanga katulad mo, in your dream" reklamo nito.

"Please, please" pakiusap ko.

"Sana Bryan hindi ka na lang sumama sa bakasyon na ito, sana nagbasa ka na lang ng mga walang kwentang libro mo," saad nito.

"Please maawa ka sa akin" pakiusap ko sa kanya. "Maawa?" galit na sigaw nito "naawa ka ba kay Jane? Di ba hindi kayo naawa sa kanya!" galit na sambit nito.

"J-jane? Oh my Jane Praise"

Biglang nagbalikan sa aking alaala ang mga nangyari noon, "pero wala akong kasalanan – sila, silang ang may sala! Wala akong kasalanan at wala akong kinalaman sa kanyang pagkamatay" sigaw ko sa kanya.

"Wala nga pero alam kong nandoon ka at wala kang ginawa kundi panoorin mo lang ang mga kaklase mong walang puso na babuyin si Jane" galit na sambit nito.

Pagkatapos nitong magsalita ay bigla nitong tinanggal ang aking blindfold. Laking gulat ko noong makilala ko ito,

"b-bakit?" ito agad ang aking natanong sa aking sarili, ano ang koneksyon nito kay Jane? Bakit niya ito ginagawa. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang itsura, nakakatakot parang hindi siya ang aking kakilala na matagal na panahon para itong demonyo, malayo sa kanyang maamo at mala-anghel nitong mukha.

"Tadaa, gulat ka 'no?" saad nito.

Napatango na lang ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"Pre, maawa ka please" pakiusap ko dito.

"Putakte pare nakakasawa, nakakairita 'yang mga salita na yan mula kay Marco. Grant, Louisse at hanggang sayo pa ba! Nakakabingi na kayo!" sigaw nito habang sinasampal ang kanyang mukha. Tumalikod ito sa akin.

"Nasaan sina Marco, Grant at Louisse?" sigaw ko dito.

Bigla itong humarap sa akin na may ibang ekspresyun sa mukha, blangko ito hindi katulad kanina na galit na galit pero ang mga mata nito ay parang nagsasalita ng hindi ka na sisikatan ng araw.at wala ka ng pag-asa.

"Nasaan sila?" sigaw ko.

"Ang sabi ko h'wag kang sumigaw naiirita ako" galit na sabi nito.

"Nasaan sila?" sigaw ko ulit.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now