CHAPTER 32

12 2 0
                                    


Rene Napeñas

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, laking gulat ko nung hindi na ko makatayo. Nakatali ang aking mga kamay at paa. Inilibot ko ang aking mga mata at doon ko napansin na nasa isang kwarto pala ako, ang mga dingding nito ay kulay itim at wala rin itong mga bintana. Tumingin ako sa aking kaliwa at doon ko nakita si Reniel na nakahiga rin katulad ko. Nakatitig ito sa akin na may kahulugan, puro sugat ito at wala na rin itong tenga at meron din itong malaking sugat sa pisngi na paletter "N" at namamaga na rin ang mga sugat nito sa mukha at katawan. Magsasalita sana ako dito ng biglang may narinig akong nagsalita sa aking kanan.

"Hoyy classmate, gising ka na!" magiliw nitong bati sa akin.

Hindi ako pweding magkamali, kilala ko ang boses nito. Unti-unti kong nilingon ito at laking gulat ko tama ang aking hula. Hindi ako makapaniwala dahil katabi ko lang pala kanina sa masayahin's (Hide out) ang killer. Nagtanong pa ako dito kanina na kailangan nating mag-ingat tapos tutulog pa sana ako sa kanila hanggang sa matapos ang lahat ng ito, tinuring ko na itong bestfriend at kapatid tapos siya pala ang traydor! Hindi ko inaasahang siya ang gumagawa nito sa amin. Nalinlang niya kami, biglang umalingasaw ang pabango nito nung lumapit ito sa akin at bumulong:

"Brother! Meron ka ba dyan?!"

"....."

Nakita kong ngumisi ito pero halatang nagpipigil itong tumawa.

"Bakit mo ito ginagawa Toto?" mahina kong sabi dito.

"Dahil ito ang dapat!"

"....."

Dumaan ang mahigit limang minutong katahimikan.

"May kukumpisal ka ba sa akin?" sabi nito "di ba doon ka naman magaling mangumpisal?"

Bago ako sumagot dito nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga "ano ba ang gusto mong malaman toto?"

"Don't call me like that, alam mo naman na ayaw kong magpatawag niyan iisang tao lang ang may karapatang tumawag niyan sa akin" sabi nito na may inis sa kanyang tono "By the way, ang gusto kong malaman ay tungkol kay Jane Cayetano"

"Shit, girlfriend mo si Jane? Siya ba yung gusto mong ipakilala sa akin dati?"

"Yes, siya na nga!" sabi nito na may pait sa kanyang tono "So ano ang alam mo?!"

Oh god, ang multo ng nakaraan ay binabalikan na kami, God sorry po! Patawarin ninyo kami sa aming sala.

"pre, hindi ko alam na girlfriend mo siya?!"

"ano nga ang nangyari sa kanya ng three years ago?!!"

"It was an accident" sabi ko dito "pero iniwan namin siyang buhay pa!!"

"So kasama ka nga nila!"

"Oo kasama nga nila ako, lakad yon ng klase!"

"Bakit hindi ninyo ako sinama?"

"Tumawag ako sa inyo pero ang sabi mo may gagawin ka kaya hindi ka makakasama"

"Hindi ninyo naman sinabi na kikitain ninyo si Jane kung alam ko lang na iisang tao 'yong sinasabi niyo at sinasabi ni Jane na bagong friends niya!" seryusong sabi nito "YOU KILLED HER!"

"pre, aksidente nga ang lah –" naputol 'yong sasabihin ko nung nagsalita ito.

"SINUNGALING!!"

"per –" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung nakaramdam ako ng sakit sa aking balikat gamit ang tinidor na hawak-hawak ni Toto.

Nasigaw ako sa sakit habang ito ay tumatawa na parang baliw.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon