CHAPTER 26

7 2 0
                                    


Emman Tagbago

Naalimpungatan ako nung may narinig akong mga boses.

"Pre, wait lang may nakalimutan akong kuhain sa sasakyan ko"

"Sige" matipid na sagot nung kausap nito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. Tatayo sana ako ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinahihigaan, nakatali ang mga kamay at paa ko. Nilibot ko ang aking paningin, nasa isang kwarto ako. Kulay itim ang pintura ng dingding nito at walang bintana.

"Ahhah" daing ko

Napatingin ako sa aking kanan at doon ko nakita si Reniel na nakatali rin at walang itong malay.

"Aaahhhh" sigaw ko.

"Oy, gising ka na" sabi nung lalake na hindi ko kilala na papalapit ito sa akin. Pinagmasdan ko ito mukhang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saang lugar.

"Ano ang kailangan mo?" matapang ko sabi dito.

Sa halip na sumagot ito ay tumawa lang ito na parang baliw.

"Ano ba pakawalan mo ako dito" inis na sabi ko pero hindi pa rin ito sumasagot, nagpatuloy lang ito sa pagtawa.

"Ano ba paka –" natigil ako sa aking sasabihin nung nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito ang hindi ko inaasahang tao. Nakangiti ito sa akin nung napansin niya akong nakatitig sa kanya.

"Hi" nakangiti nitong sabi sa akin nung nasa katabi ko na siya.

Hindi ako sumagot sa kanyang bati, nawala ang ngiti nito at bumaling ito sa kanyang kasama.

"Ay pre, tumawag nga pala sa akin si tita" seryusong sabi nito "umuwi ka daw muna, may emergency lang daw sa bahay ninyo" dagdag pa nito.

"Pero –"

"wala ng pero, pero, umuwi ka na baka importante nga 'yon" nakangiti nitong pagputol sa sasabihin nung isang lalake " h'wag kang mag-alala ako na ang bahala sa kanila, sumunod ka na lang kapag tapos ka na doon" dagdag pa nito.

Nakita ko 'yong lalake na tumalikod at binuksan ang pinto at sabay lumisan na ito.

"Ingat" pahabol na bilin nito habang nakangiti.

Hindi na tumugon yung lalake bagkus tuluyan na itong umalis. Nung nakaalis 'yong kasama nito ay humarap ito sa akin. Bigla akong nagulat nung nagiba ang eksprisyon ng mukha nito, a happy face to emotionless face. Nakakatakot ang mga mata nito para bang lalamunin ako ng buong-buo.

"Hi" sabi nito sa akin na may kakaibang lamig sa kanyang boses.

Reniel Minion

Napabalikwas ako ng gising nung nakaramdam ako ng malamig na tubig na tumama sa aking katawan.

"O my –" sigaw ko.

Tatayo sana ako ngunit hindi ako makagalaw dahil nakatali ang aking mga kamay at paa. Nilibot ko ang aking paningin, napatingin ako sa aking kaliwa at doon ko nakita si Emman na nakatingin sa akin. Ang titig niya ay parang may sinasabi, para akong binabalaan pero hindi ko maintindihan kung bakit. Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa aking kanang tenga.

"Hi" bulong nito na may galak sa kanyang tono, hindi ko siya makita dahil nasa ulunan ko siya.

"Sino ka?"

Pero hindi ito sumagot sa halip tumawa ito ng malakas.

"Sino ka ba?"

"...."

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now